Belle's POV.
Pagkatapos kong ayusin ang mga dadalhing gamit nina Keigh, Leigh, at Denver ay sinunod kong ayusin ang mga gamit ni Rex at nilagay ito sa bag niya.
Pasikat pa lang ang araw ay nakaayos na ang apat kong amo. May maaga silang shooting para sa music video ng new song nila.
"Ayos na ang lahat. Ang kailangan ninyong dalhin ay nakalagay na sa kanya-kanyang bag ninyo." Inabot ko isa-isa ang bag sa kanila.
Nakakapagtaka lang dahil iba ang presensiya ng mga taong kasama ko kanina pang madaling araw.
May nangyari kaya sa trabaho nila? Hindi naman sila mukhang depress o malungkot.
Inabot nila ang bag nila sa 'kin, pero sa tuwing sasalubungin ko ang mga mata nila ay parang may gusto silang sabihin sa 'kin, pero hindi naman sila nagsasalita.
Tsk. Balak na kaya nila kong pahintuin sa trabaho ko?
"Okay. Let's go now." Pinasadahan ako ng isang tingin ni Rex bago siya tumalikod sa 'kin.
"Please, do not leave the house if it's not necessary." Ngumiti naman sa 'kin si Denver at binigyan ako ng isang kindat bago siya tumalikod.
"Ah, about that. Plano ko sanang pumunta sa isang lugar ngayong araw kung ayos lang sana sa inyo."
Huminto sila sa paglalakad nang marinig nila ang tinig ko.
"And where are you going?" Kunot-noo akong tiningnan ni Rex.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil sa inusal niya.
"K-Kailangan ko ba talaga sabihin sa inyo kung saan ako pupunta?"
"Tss. Nevermind. Let's go."
Ngumiti sa akin ang tatlo pa naming kasama at pagkatapos ay sumunod na sila sa paglabas ni Rex.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko talaga malaman ang problema na apat na 'yon lalo na ni Rex. Tss.
Anyway, kailangan ko nang maghanda para umalis. Hindi ako sigurado kung handa na kong pumunta sa lugar na 'yon, pero mas ayos na rin siguro ang gagawin ko ngayon para malinawan ako sa nararamdaman ko.
To become a new version of myself, I need to let go my past.
Para magawa ang bagay na 'yon, naisipan kong pumunta sa lugar na sa tingin ko ay magpapaalala sa 'kin sa nakaraan ko. Gusto kong pumunta sa lugar na 'yon para palitan ang dati kong nararamdaman sa tuwing pupunta ako doon.
By the way, ang lugar na tinutukoy ko ay ang Quirino Bridge sa Vigan. Gusto ko sanang pumunta doon sa gabi dahil nakikita ko ng malinaw ang langit at mga bituin, pero hindi ako p'wede umalis sa oras na pagdating ng apat kong amo.
Kung p'wede lang sana akong sumama sa kanila, may malalaman pa ko tungkol sa Entertainment Industry na papasukin ko, pero hindi gusto makita buong maghapon ang mukha nila. Isa pa, nabanggit nila sa 'kin na hindi ko na kailangan sumama. Tsk.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na ko ng hotel na tinitirahan ng apat kong amo. May sarili naman akong card key sa room nila kaya kahit wala pa sila ay makakapasok pa rin ako.
Hindi pa ko nakakalap ng impormasyon kung paano tumatakbo ang mundo ng showbiz kaya hindi ko pa alam ang hakbang na gagawin ko para matupad ang plano ko.
Med'yo malayo ang Quirino Bridge sa lugar na kinalalagyan ko kaya lagpas tanghali pa siguro ako makakapunta sa lugar.
Habang nasa biyahe ay naka-head phone ako at nakikinig ng paborito kong musika. Napangiti pa ko nang magsimula nang tumugtog ang kantang She Ain't Me by Gianni Subire.
Kaya lang mali yata ang napili kong kanta. Habang nakikinig ang aking tainga ng bawat lyrics ng kanta, ang utak ko ay bumabalik din sa nakaraan. Pakiramdam ko ay bumabalik din ang sakit na nararamdaman ko nang iwan ako ni Zaick.
Tinapik ko ang sarili kong balikat. Bumulong ako sa sarili ko.
"Belle, you can do it. He is not worth your time para isipan mo siya."
Lumingon sa direksyon ko ang katabi ko sa jeep. Tumahimik ako dahil narinig yata niya ang pananalita ko. Tsk. Dahil sa kumag na 'yon ay napagkakamalan na tuloy akong may sayad.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ang sinasakyan kong jeep. Kailangan ko pa ulit sumakay sa tricycle para makapunta sa Quirino Bridge.
Pagkalipas ng ilang oras ay binaba na ko ng tricycle driver sa mismong bridge ng Vigan. Inabot ko ang bayad ko sa kanya at pinahintay siya upang ibalik ako sa sakayan mamaya.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala pa ring pinagbago ang lugar na 'to. May ilang mga pares ng lalake at babae na nakatayo sa tulay. Ang ganda ng tanawin sa harapan ng tulay ay hindi pa rin nagbabago.
Naalala ko pa ang unang araw ng dating namin ni Zaick sa siyudad. I can't explain the feeling I had while looking at the beautiful scene infront of me and Zaick standing beside me, but right now, I don't think I appreciate the beautiful scenery infront of me. It's still the same place and yet, I don't have the same feelings here anymore.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Tumayo ako sa gitna ng tulay at dinama ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.
"Hey, Psyche. When will you going to announce in public about us?"
"Tss. Shut up your mouth. What are you talking about?"
"Psyche, you know I love you right?"
Lumingon ako sa direksyon ng dalawang nasa tabi ko.
I stunned because of shock to what I see.
Hindi ko akalain na makikita ko siya ng mas maaga kaysa sa inaasahan ko.
He is with someone. A beautiful and sexy woman. She is clinging to his elbow as if nothing.
It's Zaick. They both wearing sun glasses and cap, but I'm pretty sure that it's him. I recognize his deep voice, anyway.
Parang hindi naging malinaw ang pag-uusap nila kanina, pero nakikita ko ang tunay na ngiti sa labi ng babae.
I stare at them with my expressionless eyes. I don't know what to feel right now.
Ilang araw, linggo o buwan oa lang ba ang nakakalipas? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Nakaramdam ako ng awa sa babaeng kasama niya. Alam kaya ng babae ang totoong pagkatao ng kasama niya?
Kinuyom ko ang aking dalawang kamao para pigilan ang nag-uumapaw kong damdamin na hindi ko maintindihan kung ano.
I don't think I feel the jealousy inside my veins.
"Why are staring? Do you have a problem with us?" Tinitigan ako ng masama ng babae habang nakakrus ang kanyang mga braso.
Lumingon ako sa ibang direksyon. Tsk. Anong gagawin ko? Hindi ako p'wede makita ng lalakeng 'to ngayon.
Nagsimula na kong kabahan dahil nararamdaman kong natuon na rin sa 'kin ang mga mata ni Zaick.
"Forget the stranger. Let's go. I still need to attend on some recording thing."
Dumaan sa harapan ko si Zaick. Sa pagkakataon na 'yon ay nagkatitigan ang aming mga mata. Inaasahan ko magbabago ang expression ng kanyang mukha sa oras na makilala niya ko, pero hindi.
His face still shows annoyance.
Natigilan ako sa nangyari. Hindi ko na nga nagawang lumingon sa kanila nang makaalis sila.
I'm glad that he didn't recognize me, but why do my heart feels so wrong?