MABIBILIS ang hakbang ko patungo sa elevator ng gusali. Aaminin kong gulong gulo ang damdamin ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang kumawala doon. I blink back the tears and suppress my sobs. Pakiramdam ko ay ang tanga ko para umiyak pa rin matapos ang ilang taon. Dapat ay move on na ako! Pero anong magagawa ko? Alam ko sa sarili ko na umaasa pa rin ako. Kasi mahal na mahal ako ni Theo noon. At ang sakit isipin na may iba na siyang pinaglalaanan ng damdamin. At ikakasal na sila… “Trish!” Nagulat pa ako pagkarinig sa boses ni Theo sa gawing likuran ko. Sinundan ba niya ako? Mabilis kong pinalis ang luha na namuo sa aking mga mata. “Oh? T-Theo? Bakit?” naiilang na tanong ko. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya. Mabuti na lang at hindi niya

