NANLALABO na ang mga mata ko habang nakamasid kay Ron na noon ay pairap na sinulyapan ako. Ramdam ko ang inis niya sa akin ngunit wala na akong pakialam. Inaya ko sila ni Michelle dito sa bar na madalas naming puntahan noon. Umaasa ako na ang maingay na paligid at ang alak ay sapat para mapawi lahat ng sakit na kinikimkim ko. Napansin kong kaylaki na ng ipinagbago ng bar pero hindi iyon sapat para hindi bumalik sa akin ang mga ala-ala. Dito sa bar na ito ko unang hinalikan si Theo. Madami akong masasaya at masasakit na ala-ala dito. Sana bumalik na lang ako sa kahapon. Noong mahal pa ako ni Theo. Pwede bang ibalik ang panahon? Pangakong aayusin ko na ang mga desisyon basta bumalik lang siya. Basta mahalin lang niya ako ulit. Pero sa ngayon, alam kong imposible na iyon. Alam ko na ngayon an

