Naramdaman ko ang mga mata ni Jace sa akin kahit pa nakapikit ako. “Ano ‘yon? May gusto kang sabihin,” hindi ko na napigilang magtanong. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “Magkasama pala kayo ni Theo sa project,” makahulogan niyang sabi. “Oo ah! Nagulat din ako. Iyong babaeng kasama niya, fiancée niya ‘yon,” sagot ko habang nakapikit pa rin. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at naramdaman ko na ang pag-usad niyon. “How do you feel about all this, Trish? I mean, working with Theo and his fiancée,” usisa niya. Nagbuntong-hininga muna ako saka sumagot. “Heto, masakit,” amin ko. Nagmulat ako ng mata at sinulyapan ko siya na noon ay bahagyang natigilan. Nilingon niya ako at tinitigan. Tinatantya niya ang katotohanan sa sinabi ko. “You still love him,” aniya matapos ang ilang

