Chapter 52

1294 Words

DAHIL sa tanong ni Theo ay pumayag na akong ihatid niya sa bahay. Wala naman sigurong masama at hindi naman siguro magagalit si Jasmine? Pero aaminin kong kung ako ang nasa kalagayan niya ay baka magalit ako. Dahil tahimik lang si Theo na nagda-drive ay binasag ko na ang katahimikan sa pagitan namin. “Hindi naman sa iniiwasan kita, Theo. Ayaw ko lang na matulad kayo ni Jasmine…sa…sa atin noon,” aniko. Lihim kong pinagalitan ang sarili dahil sa di-sinasadyang naungkat ko ang nakaraan namin. Nangako pa naman akong iiwasang bumanggit sa kaniya ng ano mang tungkol sa amin noon. Napansin kong kunot-noo niya akong tiningnan pagkatapos ay natatawang umiling-iling. Para bang may naalala siyang nakakatawa. “B-Bakit ka tumatawa?” maang na tanong ko. “Hindi ako tumatawa,” tanggi niya. “You’re sti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD