Ilang linggo ang lumipas at wala akong naging balita kay Theo. Aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot. At naiinis ako sa sarili ko. Itinuon ko na lang ang atensyon sa project. Makailang beses akong nakipagkita sa team para i-finalize ang design. At ngayon nga ay nasa opisina kami ni Luis para ipakita sa kanila ang final design bago i-present iyon kay Mr. Mendez. Napansin kong si Luis at Jasmine na lang ang madalas makipag-usap sa akin tungkol sa project. Tulad ngayon, wala si Theo dito sa opisina. Marahil ay desidido na siyang iwasan ako. Iyon naman ang sinabi ko sa kaniya. Hindi dahil iyon ang gusto ko, kundi dahil iyon ang tamang gawin. “Wow! Theo was right! Ang galing mo Trish!” bulalas ni Jasmine habang ang mga mata ay nakatuon sa perspective ng building na naka-flash ngayon sa projec

