NATAPOS ang presentation namin kay Mr. Mendez pero walang Theo na sumipot. Naulinigan ko lang buhat kay Luis na may nililigawan itong isa pang malaking kliyente. Mukhang malabo na talaga kaming magkaharap pa. Dapat ay masaya ako na hindi ko na siya nakakaharap. Alam ko namang lalo lang akong mahuhulog sa kaniya sa tuwing makikita ko siya. Pero hindi saya ang nararamdaman ko ngayon. Kalokohan mang isipin, pero sa bawat araw ay lalo ko siyang hinahanap. Itinuon ko ang atensyon sa pataas na daan. Dala ang sasakyan ay binabagtas ko ang daan sa loob ng isang exclusive subdivision. Kakatwang hindi pantay ang lokasyon ng mga lupa doon. Para kang nasa Tagaytay at ang pupuntahan ko ay nasa mataas na bahagi ng lupa. Napailing ako pagkakita sa malaking bahay na nasa harapan. Kayganda niyong tingnan

