PINIGIL ko ang matawa habang pinagmamasdan si Trish na tinitingnan ang noon ay flat na gulong ng kaniyang sasakyan. Malaya ko siyang napagmamasdan dahil hindi naman niya ako makikita buhat dito sa kubo. Napansin ni Luis ang pag-ngisi ko kaya napailing siya at nakakaloko ang mga mata habang nakatingin sa akin. “Ibang klase ka rin, Theo! Pati iyong sasakyan pinerwisyo mo pa!” “I don’t have a choice,” sagot ko habang nakatingin pa rin kay Trish na noon ay lumingon sa pwesto namin. Ang totoo ay inutusan ko talaga ang isang worker na butasin ang gulong ng sasakyan niya. Malayo ang lugar na ito at sigurado akong mahihirapan si Trish makahanap ng ibang masasabayan. “Tsk! I don’t know what you did to her in the past. Panay ang iwas sa iyo eh. Napakailap, parang takot na takot na sa’yo eh! Kung

