PROLOGUE
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental .
*****************************************************
PROLOGUE
Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahil tinawag ako ng aking madrasta,hinde ko alam bakit nya ko tinawag at wala naman akong alam para tawagin nya ng hinde sumisigaw
Pagkababa ko ay naabutan ko syang may kausap sa kanyang telepono, nakangiti pa sya at mukhang may nakurakot nanaman kaya wagas kung makangiti
Napatingin ako kay jezy ng hawakan nya yung braso ko at nakatingin pa saakin ng masama, napakunot ang noo ko dahil sa sakit ng ginawa nya
"Anong problema mo?"tanong ko sakanya
"Alam mo ang lande mo talaga, pati ba naman si Rey nilalandi mo"pigil nyang sigaw saakin, napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya
"At bakit ko naman lalandiin ang manliligaw mo?"
Bigla nya kong sinampal ng malakas, hinde pako makabawi dahil sa sakit ng sampal nya paniguradong mamumula ang mukha ko dahil dun, sinamaan ko sya ng tingin at sinampal din sya ng mas doble pa sa lakas ng pagkaksampal nya saakin
Napaupo pa sya dahil sa sampal ko at biglang umatungal kaya nakarinig ako ng kalabog sa sala,biglang sumigaw yung madrasta ko at tinayo yung anak nya bago ako sampalin ng malakas
"How dare you to hurt my daughter huh?"sigaw nya saakin
Hinde ako kumibo o nagsalita dahil alam kong patulo na ang luha sa mga mata ko kaya mas pinili kong manahimik kesa umangal, sinampal pa nya ko kaya napatagilid yung mukha ko at bigla nya kong sinabunutan palabas ng bahay
"Manang-mana ka talaga sa nanay mo"ani nya at kinaladkad ako, napaiyak ako sa sakit ng anit ko
"Tama na po" rinig kong sigaw ng kapatid ko pero patuloy parin sya sa pagkaladkad saakin at bigla akong tinulkas kaya napaupo ako
"Wala ka talagang kwenta, lumayas ka na sa pamamahay na to" sigaw nya at pumasok sa loob, napatingin ako kay jezy ng nakangisi na ngayon tinaasan ko sya ng kilay kahit umiiyak nako
Biglang hinagis ni tita saakin yung mga damit ko at,may tinawagan sya sa telepono nya, umiiyak lang ako habang pinupulot ang mga damit ko
"Yeah,You can claim her, right now, oh ok take care"nakangiti pa sya sa katawagan nya at pinatay yun
Ngumisi sya saakin at kinausap nalang yung pabebe nyang anak na kunwari umiiyak pa kahit kanina wala namang luha,kaartehan talaga ng babaeng to
Napatingin ako sa likod ko ng makarinig ako ng paparating ng kotse, nakita ko ang isang SUV na papalapit sa pwesto namin, at huminto sa harap ko at may lumabas dun na isang lalaking naka tux pa at tumingin sya saakin bago kay tita na nakangisi na ngayon
May binigay sya kay tita,kaya yung isang tuwang-tuwa at binuksan yung sobre na hawak napa palakpak pa sya dahil sa nakita nyang laman ng sobre, hinde naman ako tanga para hinde malaman kung anong laman nun
May humablot saakin kaya napatingin ako dun,nakita ko yung lalaking nagbigay ng sobre kay tita ay pilit akong tinatayo, kumakwala ako dahil pagkakapit nya saakin
"We're going,Boss is waiting to her"usal nya, napatango naman si tita at sumenyas na parang pinapaalis pakami
"Yeah sure, you can go na,tell to your boss, thank you"usal nya at tinignan ako at sinamaan ng tingin, lumapit sya saakin at hinawakan ang pisnge ko kaya napaiwas ako
"Darling this is your last day, good luck"usal nya
"Tita, sino ba sila bakit nila ako kukunin?"naiiyak kong usal, naririnig ko ding umiiyak ang kapatid ko
"Ate, don't leave me"iyak ng kapatid ko, napakagat ako sa labi dahil sa hikbi
"Bitawan mo ko" piglas ko sa lalaki,pero mas hinigpitan nya ang pagkakahawak saakin, napatingin ako sa kapatid ko at tumango, lumapit sya saakin at niyakap ako
Hinde ko mayakap ang kapatid ko dahil nakahawak sa dalawa kong kamay ang lalaki, tinignan ko yung lalaki at nakuha nya siguro kaya binitawan nya ko, niyakap ko din yung kapatid ko
"Hinde ka iiwan ni ate" iyak kong usal Sakanya, tumango naman sya at niyakap ako ng mahigpit ng bigla syang ilayo ng madrasta ko
"Jezy kunin mo ang kapatid mo" usal ni tita kaya kinuha ni jezy si Jandy at nilayo saakin,pumipiglaa ang kapatid ko
"Let's go"hinatak ako ng lalaki papunta sa SUV,pumipiglas ako habang umiiyak dahil sa sitwasyon namin ng kapatid ko
Kinalampag ko pa yung SUV pero hinde nila binubuksan,iyak lang ako ng iyak habang palayo kami ng palayo sa bahay namin, napatingin ako sa lalaking katabi ko, sinamaan ko sya ng tingin pero inirapan nya lang ako
Hanggang huminto ang SUV sa isang malaking gate at kusang bumukas yun, hinde ko appreciate yung lawak ng pinasukan namin dahil sa sakit ng naramdaman ko
Lumabas ang lalaki kaya napatingin sya saakin pero nakaupo lang ako sa upuan ng kotse, napahinga sya ng malalim bago ako hatakin kaya muntik pakong mapasubsub buti nalang nahawakan nya yung damit ko
"Magdahan dahan ka naman sa paghatak saakin"usal ko, inirapan nya lang ako at naglakad habang hawak ako sa likod ng damit
Pagpasok palang namin ay nakarinig agad kami ng mga nagbabasagan na gamit kaya napahawak ako sa braso nya kaya napatingin sya dun
"Galit nanaman si boss, paniguradong may ma lalagot nanaman"rinig kong usapan ng mga katulong,ng madaan kami sa harap nila napatingin sila saakin kaya napayuko ako
"New slave" rinig kong sabi ng isa
Umakyat kaming dalawa ng lalaki habang nakahawak ako sa braso nya,kumatok sya sa isang pinto na naririnig ko ang mga nagbabasagan na mga vase
"Who the hell are you?"napakapit ako ng mahigpit dahil sa malamig at galit na boses na yun
"Boss, she's here"sambit netong katabi ko,mabilis namang bumukas yung pinto pero naka tingin lang ako sa sahig,naka tapak sya buti hinde sya nabubog
Biglang may humatak saakin kaya napatingin ako dun nakita ko ang isang lalaking naka topless lang at tanging jeans lang ang suot nya,bigla nya kong kinabig at nilagay yung mukha sa leeg ko
Napalaki ang mata ko dahil sa ginawa nya