CHAPTER 19
NAKAUPO KAMI habang nakikinig sa mga tao na nag uusap,hinde ako nakikisali dahil hinde ako makarelate sakanila, si damon naman tahimik lang habang nakatakip sa ilong na kala mo ay ang baho ko
Natawa ako dahil biglang nagpatawa si Sussie,hinde nila ako ina op dahil gusto daw nilang makilala ako at si damon, kaya wag daw akong mahiyang makipag kwentuhan sakanila pero nahihiya akong mag kwento sakanila gayong hinde pa nila ako kilala
Tumatawa lang ako ng maramdaman ko na bumigat ang balikat ko, napatingin ako dun, nakita ko si damon na siniksik yung mukha sa leeg ko at inusog ako papalapit sakanya
Ngumiti ako ng peke kay Jamie ng makita nya kami ni damon na ganto ang posisyon, umiwas sya ng tingin at nakipagtawanan nalang,tinanggal ko ang kamay ni damon sa bewang ko pero mas lalo nyang hinigpitan
"Nakakahiya" bulong ko habang nakatingin kila sussir na tumatawa sa biro ng isang bakla na hinde ko kilala kung anong pangalan dahil sa dami nilang ganon ay hinde ko matandaan kung ano ang pangalan nila
Kanina si damon inaya sya ng mga lalaki na uminom pero tumanggi sya dahil hinde daw sya umiinom, kaya hinde na nila pinilit ako din hinde ko na pi spilit dahil baka gumawa sya ng eksena dito
"Uyy, nilalanggam kami"napakagat ako ng mariin sa labi ng biglang mag salita ang isnag bakla na habang nakatingin saamin ni damon na may pang aasar ang mata, tumawa lang ako ng peke habang inaalis ang kamay ni damon
"Tulog na ata, asawa mo"kinalabit pa ko ng nasa harap ko, tumingin ako kay damon at yumuko para tignan ang mukha nya, nakapikit lang sya pero hinde naman malalim ang paghinga nya
"Ah, nahihiya lang siguro" palusot ko, dahil kahit ako hinde ko alam kung bakit ganto si damon dito
Hinde nalang nila kami inasar at nag usap nalang,nag tatawanan lang kami hanggang sa mag patugtug ng mga pang sayaw kaya nag si alisan ang mga kasama namin sa mesa at pumunta sa gitna para makipag sayaw
Napatingin ako sakanila na parang sanay na sanay na sila sa ganto at sabay sabay pa yung sayaw nila, kaya natutuwa ako kapag meron ibang naiibang sayaw
Napatingin ako kay damon ng halikan nya ang leeg ko at inaamoy amoy pa,inangat ko ang mukha nya kaya napatingin sya saakin ng nakanguso
"Ano bang nangyayari sayo?"Mahinang tanong ko dahil ang lakas ng music at buti nalang magkaharap kami
"Let's go home" paos nyang usal at sumiksik sa leeg ko,luminga naman ako, konti na nga lang ang mga bisita at tanging mga kami nalang at ang mga nagsasayaw sa harap ang nandito, napatingin ako sa kabilang mesa na puno ng mga lalaki na nag iinuman
Wala na sakanila ang mga matatanda puro binata na lang, napatingin ako sa lalaki ng nakatingin sya saakin habang nakangiti kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin
"Hanapin muna natin si nanay koring para mag paalam"usal ko sakanya, ngumuso sya lalo at nilapit ang mukha saakin
Bigla nya kong hinalikan,ng humiwalay sya ay nakalayo na sya ng konti at nakatakip na ulit sa ilong
"Don't you dare to look another guy, hmm" usal nya at lumapit ulit para halikan ako
NAGLALAKAD na ulit kami habang pauwi, malakas parin ang tugtug sa bahay nila nanay koring, nakahawak si damon sa balikat ko habang naglalakad kami
"Hinde ka ba nagugutom?"bigla kong tanong sakanya at lumingon sakanya, napatingin sya saakin, at umiling
"Ilang araw ka ng hind kumakain, simula ng pumunta tayo dito hinde kana kumain"usal ko pa
Humarap ulit ako sa dadaanan namin at nagpatuloy, habang sya ay tahimik na nasa gilid ko,pinagsawalang bahala ko nalang ang tanong ko Sakanya
Dahil alam kung wala din syang balak na sagutin yun,at baka magalit nanaman sya dahil lang sa tanong na yun
Hanggang sa makauwi kami ay hinde parin nya sinasagot ang tanong ko, pumasok sya sa banyo, pumasok naman ako sa kwarto at inayos ang kama namin
Ng makapasok sya sa kwarto namin ako naman ang lumabas para maghilamos,pagtapos ay lumabas ng banyo at sinarado ang bintana at pinto pagsarado ko atsaka lang ako pumasok sa kwarto
Naabutan ko si Damon na nakatalikod siguro ay napagod kahit wala naman syang ginaw akung hinde takpan ang ilong nya
Huminga ako ng malalim bago ako humiga at pinatay ang ilaw,ng makahiga ay inayo ko ang unan at nilagyan pa ng isa dahil nahihirapan akong huminga kapag isang piraso lang ang aking unan kaya nag lalagay ako ng dalawa na sakto lang para hinde naman ako lalong mahirapan
Natulog nako at hinde na nag abalang kausapin pa si damon, Naalimpungatan ako dahil parang wala si damon sa tabi ko, kinapa ko ang likod ko na hinigaan nya kagabi
Ganon nalang ang panglalaki ng mata ko ng hinde ko sya makapa, kaya kahit inaantok ay umupo ako sa kama at binuksan ang lampshade,wala nga si damon sa tabi ko, napatingin ako sa orasan
2:30 na ng madaling araw at saan naman sya nag s s-uot ng gantong
Oras,ngayon lang ako naalimpungatan pero slsm ko tuwing madaling araw umaalis si damon nung nandun pa kami sa manila
Pero bakit hanggang ngayon ay umaalis parin sya?,Wala akong idea kung anong ginagawa nya ng gantong oras, paniguradong lahat ng tao ay tulog na at napalaki ang mata ko dahil sa naisip,parang biglang nawala ang antok ko dun
Hinde kaya gantong oras sila nag kikita ng kabet nya?,omg iiwan nya na ba ako?,kaya ba sya laging galit dahil ba sa madaling araw lang sila nagkikita ng kabet nya?
Napahilot ako sa sentido ko, napahawak ako sa pisnge ko dahil naramdaman ko ang init ng aking luha,kahit anong punas ko sa luha ko ay atsaka naman ang pagbuhos ng panibago
Huminga ako ng malalim at pinatay ulit ang lampshade,inayos ko ang higaan ko at humiga ulit,kahit nakahiga nako ay tumutulo parin nag luha ko
"Sabi ko naman kasi sayo andy wag kang umasa kung ei"kausap ko sa sarile ko bago ako hikabin at inantok