CHAPTER 36 NAPASINGHAP ako ng makita ko si Damon na puro dugo na habang nakatali sya, napahawak ako sa bibig dahil sa nasaksikhan Hinde ko inaakalang mangyari sakanya to, saamin to,dahil lang saakin naging ganyan sya, hinde nya magamot ang sugat nya dahil nakatali sya na wari kong mahigpit dahil takot silang makawala si Damon Lalapitan ko na sana si Damon ng hawakan ako ni blair sa braso at nilayo dun, pumunta kami sa pwestong kitang kita si Damon,kitang kita kung anong gagawin sakanya sakaling may mag utos Humagagulgul lang ako sa gilid ni blair habang nakatingin kay damon na nakayuko na, hinde ko alam kung nasasaktan ba sya o ano, ako ang nasasaktan sakanya, parang hinahati nanaman ang puso ko Katulad ng pagkawala ni mamà pero mas masakit to, ang sakit parang hinde ko kayang makita

