CHAPTER 8

1126 Words
CHAPTER 8 Napahiyaw ako ng humangin ng malakas, nakabukas na kasi ang bintana ng kotse nya at anong oras na din, ilang oras kaming bumyahe kanina at ngayon ay mahangin na lalo dahil anong oras na din hinde ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko lang ay masaya ako na nakalabas ulit at mas lalo akong masaya dahil pinagbigyan nya ko sa gusto ko Huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking puno,may katabing poste iyon na nagbibigay ng ilaw,binuksan lang ni Damon ang kotse nya kaya ganon din ang ginawa ko,binuksan nya yung backseat at kinuha ang paper bag na ang logo ng Jollibee,bago kami pumunta dito bumili ulit sya dahil nga naubos ko kanina kaka kain Nilagay nya sa harap ng kotse yung paperbag at hinawakan ako sa bewang at inupo dun,nakatayo lang sya habang nakatingin kami sa bilog na buwan, napatingin ako sakanya ng bumuntong hininga sya at sumandal sa kotse "Can I ask you something?"tumikhim pa ko, napatingin sya saakin at tumango "Bakit ka pumayag na ako ang ibayad ni tita sayo?"tanong ko agad,umiwas sya ng tingin at pinirmi nalang yung sa buwan,ganon din ang ginawa ko "I don't know,I don't need a money I can provide myself" Napatango nalang ako dahil sa sinabi nya hinde ko alam kung bakit yung iba kailangan pang ibuwis ang sarile nilang buhay para sa pera pero ang iba naman ay hinde na kailangan ng pera at yung iba inaaksaya lang nila ang pera nila, gayong maraming nangangailangan maraming nagugutom, maraming kumakapit sa patalim para lang makahanap ng pera "Alam mo naawa ako sa taong kumakapit sa patalim para lng magkapera,naiinis naman ako sa taong sinasayang yung pera para sa walang kwentang bagay"usal ko at pinag krus ang mga binti "Pero wala naman akong karapatang paratangan sila dahil alam ko ding pinaghirapan nila yun,bumaba muna sila bago sila umangat" " Bakit kaya hinde nalang pantay-pantay ang mga tao,para walang nahihirapan para walang nasasaktan para pare-pareho tayong aangat at walang bababa, hinde katulad ng iba na pinanganak na talagang nasa taas, yung iba naman nasa baba na at gustong tumaas"patuloy ko pa "We can't judge them,hinde natin alam kung anong pinag daanan nila bago sila nasa pwesto nila"salita nya "Hinde naman natin sila hinuhusgahan,sinasabi ko lang ang opinion ko,na dapat pantay-pantay tayo"usal ko din Natawa naman sya bago humarap saakin, hinawakan nya yung binti ko kaya nagulat ako at bigla nyang siniksik yung katawan nya sa gitna ng binti ko,pinulupot nya yung braso nya sa bewang ko "I wish I could just ask you, WHAT DO YOU THINK OF ME."usal nya,natawa naman ako "Ask me then"panghahamon ko sakanya,natawa sya at pinisil ang tungki ng ilong ko "What do you think of me?" "Hmm,First time I saw you,you grabbed at bigla mong siniksik yung mukha mo sa leeg ko,you p*****t you know"natatawa kong usal,natawa din sya sa sinabi ko Masaya ako ngayon kaya hinde ko alam kung bakit aki nakikipag tawanan sa lalaking to na wagas na makangiti ngayon hinde katulad nakaraan,kahapon,kanina ngayon parang ang ganda ng mood nya dahil sa ngiti nya Pinagmasdan ko sya habang tumatawa,ngayon ko lang napansin ang mukha nya kapag tumatawa sya parang nawawalan na sya ng mata at ang puti ng mga ipin nya,at mapula pa ang labi,medyo magulo ang buhok nya "No I'm not" tanggi nya at nilagay pa yung kamao sa harap ng bibig nya, ngumiti ako sakanya na parang nang aasar "Yes you are"giit ko sabay lagay ng kamay sa buhok nya, napatigil naman sya sa tawa at nakangiti nalang ngayon "Ok,I'll accept the fact that you threatened me"nalungkot pa yung mukha nya kaya natawa ako "Ang arte mo,totoo naman ei"usal ko, lumapit sya lalo saakin at bigla akong hinalikan "KISS ME.. I am Magically Delicious."nakangisi nyang usal,kaya mas lalo akong natawa Nagtawanan lang kami at kumain hanggang sa sumakay ulit kami at nag tawanan ulit sa loob ng kotse nya,masaya ako dahil eto lang ang unang beses ko nag road trip,lagi kasi akong nasa bahay o kaya nasa school "I will love you baby, always and I'l be there forever and a day, always" sabay pa kaming kumanta Nagkatinginan kami at sabay na natawa, tamang jamming lang kami habang pabalik sa bahay nya, hinde alintana saakin ang oras dahil alam ko naman na kasama ko sya at hinde naman sya magagalit dahil magkasama kaming dalawa Nakauwi kami sa bahay nya na duon lang naramdaman ang pagod,lumabas ako ng kotse nya na humihikab ang sakit na ng mata ko at gusto ko ng matulog at humilata sa kama,pagkatapos talaga ng saya pagod naman ang kasunod,pero worth it naman dahil nakalabas nako ng bahay nya "Are you tired?,hmm"malambing na tanong ni damon habang nag lalakad kami papasok sa bahay nya,tumango lang ako sakanya kaya hinawakan nya yung kamay ko at marahan na hinila yun Pagpasok namin sa kwarto nya ay dumiretso agad ako sa kama nya at humilata,pinikit ko agad ang mata ko dahil sa pagod, narinig ko pang bumukas ang bathroom at hinde ko narinig yung nag sara, narinig ko ang yapak nya papalapit sa kama "Hey get up,clean yourself"usal nya at tinatayo ako "Inaantok nako damon"usal ko sakanya,he chuckled "Wife you need to clean yourself wag kang matulog ng hinde naglilinis ng katawan"usal nya at pilit akong tinatayo,ng maitayo nya ko i alalayan nya pakong pumasok sa bathroom ng makapasok tinaboy ko na agad sya "I can wash myself,get out Damon"usal ko sakanya tumawa sya at narinig ko syang yumapak palabas at sinarado ang bathroom,dali-dali akong nag tanggal ng saplot at lumusong sa bathtub hinde ako nag tagal dun at umahon din nag banlaw ako sa shower at Hanggang sa matapos ako Kumuha lang ako ng towel at tinapis sa sarile ko,lumabas ako ng bathroom at nakita ko si damon na nakatayo sa gilid ng kama "Wife,come here" utos nya kaya lumapit ako sakanya,inabot nya saakin yung susuotin ko kaya hinablot ko sakanya yun at pumasok ulit sa bathroom para mag bihis ng makabihis ay lumabas agad ako at sumalampak sa kama Hinde na ko nag abala pang kausapin sya dahil inaantok nako at gusto ng pumikit ng talukap ko,parang pagod na pagod ako dahil hinde ko namalayan na nakatulog nako Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nasa bewang ko,minulat ko ang mata ko napagtantong nasa dibdib ko ang mukha ni Damon habang ang braso nya nasa bewang ko at ang binti nya nakapulupot sa binti ko,inalog ko sya "Hmm" inaantok nyang usal habang mas lalong humigpit ang kapit nya saakin na parang linta "ang bigat mo" usal ko at tinanggal ang mukha nya sa dibdib ko narinig ko syang umangal pero natulog nalang ulit,sunod kong tinanggal ang kamay nya sa bewang ko at yung binti nya,inusog ko sya at bumalik ulit sa pagtulog
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD