CHAPTER 17
TILA nagsasayaw ang mga dahon dahil sa malakas na hangin,na parang may paparating na malakas na bagyo kaya ganon nalang ang lakas ng hangin
Nagtatampisaw ang mga kabataan sa karagatan na tila mga walang problema,tila na kay sarap mamuhay hanggang bata pa
Hinde ko masisi ang mga kabataan ngayon kung bakit nag iiba na ang ugali nila,hinde katulad noon na ang mga tawag lamang ng aming magulang ang aming problema,masaya mamuhay habang bata pa dahil tila mga walang iniisip na problema o mulat sa realidad na, hinde lahat ay tumatagal hinde sa lahat ng oras dapat tayo ay kampante
"Wife let's go,Malakas ang hangin dito lalamigin ka"napatingin ako sa lalaking tumawag saakin
Dito sa karagatan na puno ng mga matataas na puno ay may mga nakatagong kababalaghan,na hinde mo nakikita, hinde mo nararamdaman, pero naiisip mo
"Kaya ko sarile ko, mauna kana dun" malamig kong salita Sakanya at tumalikod
Inaalon ng hangin ang suot kong bestidang asul,na nakikisabayan sa agos ng dagat ang kulay
"Andrea don't be stubborn let's go" galit nanaman sya, ano pa na nga ba aasahan ko sakanya?, syempre ang galit nya na parang ang laki ng kasalanan ko sakanya
Napailing nalang ako sa inaasta nya,halos araw-araw hind ekami magkasundo dahil parehong salungat ang mga desisyon namin,hinde nya maintindihan ang mga gusto ko
Katulad ng gusto kong manatili sa maynila,dahil nandun ang pamilya ko at gusto kong bisitahin ang kapatid at papà ko, kasama ang pinsan ko, pero hinde dya pumayag sa nais ko na yun
Mas pinili nya ang Desisyon nya, dahil daw makakatakas ako kung nandun kami, hinde katulad dito na malayo sa pamilya ko na pwede kong puntahan, ganon ganon ka selfish si damon
Hinde mo sya mapipilit sa gusto mo, pag ginusto nya ay gugustuhin nya talaga, hinde sya marunong magbaba ng pride dahil kung gagawin nya yun ay baka gumuho na ang mundo
"Mamaya nako babalik,hinde ako tatakas dahil wala akong pera para bumalik sa manila"usal ko sakanya, hinawakan ko ang buhok ko at nilagay yun sa kabilang balikat dahil inaalon ng hangin ang maikli kong buhok
Napatingin ako kay damon ng lumunok sya habang nakatingin sa leeg ko, at biglang tumalikod at hinilot ang sentido, napakunot ang noo ko dahil sa ginawa nya
"Let's go, Don't be stubborn andrea" paos nyang usal at hinawakn na ang pulupulsuhan ko at naglakad na
Pagpasok namin sa bahay ay umalis agad sya sa harap ko at pumasok sa kwarto,umupo nalang ako sa couch at nanood dahil kahit ang phone ko kinuha nya,kaya tanging pagnood ng mga pag alon ng dagat at television nalang ang pinapanood ko
Matagal sya sa kwarto bago lumabas at pumasok sa banyo, narinig ko nalang ang lagasgas ng tubig,tumayo ako at pumunta sa maliit naming kusina
Naghanap lang ako ng pwedeng lutuin hanggang sa makahanap ako ay,kinuha ko agad yun at nag handa ng mga rekados,nagluto ako habang nasa banyo si damon
Ng hinde nako makarinig ng tubig na rumaragasa ay alam kong tapos na sya at anytime ay lalabas na sya,hinde ko nalang pinansin ang pintuan ng banyo at nag luto nalang
Pagtapos kong mag luto ay nilagay ko na ang ulam sa malalim na bowl,ganon din yung kanin bago ilagay sa hapag,hinde pa lumalabas si damon sa banyo,ganon sya katagal maligo daig pa ang babae kung maligo
Ng makahanda na ko ng plato ay atsaka lang lumabas si damon ng banyo na naka sleeveless shirt at naka grey na jeans,umayos ako ng tayo at tinignan sya
"Kumain na tayo,bago pa lumamig ang pagkain"aya ko sakanya at umupo na sa isang upuan,uupo na sana sya ng bigla syang tumayo ulit
"I can't eat"umiling pa sya kaya napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya
"Bakit ayaw mong kumain?,lagi ka nalang hinde kumakain ah,nabubusog kaba sa sigaw mo?"tanong ko sakanya napakunot ang noo nya saakin
"I can watch you while you are eating,But I can't eat"usal nya at umupo sa harap ko,nilayo nya pa yung ulam
"Bahala ka,mamatay ka sa gutom" usal ko at nag umpisa ng maglagay sa plato, napatingin ako sakanya na nakatingin saakin habang nakakunot ang noo
"Anong kinukunot ng noo mo dyan?"sita ko sakanya habang naguumpisa ng kumain
"Nothing,stay here I'll walk outside" saad nya magsasalita na sana ako ng mabilis syang lumabas ng bahay
Ganyan sya,tuwing kumakain amo titignan nya lang ako tapos aalis par daw mag lakad,minsan iniisip ko nakikipag date sya sa ibang babae dahil sa ginagawa nya
Ng matapos akong kumain ay nagligpit agad ako at naghugas ng pinagkainan,nag tabi narin ako ng pagkain dahil baka tuluyan na syang magutom dahil sa ilang araw na syang hinde kumakain
Nanood lang ako television habang hinihintay si damon na bumalik,hapon na pero hinde parin sya bumabalik,hinde ko nga alam kung ssan sya nag s-suot
Napatayo ako ng marinig kung bumukas ang pinto, napatingin ako dun nakita ko si damon na ang dungis dungis dahil ang dumi ng sleeveless nya na puti
"What happened to you?"nagtatakang tanong ko sakanya pero nilagpasan nya lang ako at pumasok sa kwarto pagkabalik nya ay napadaan sya sa harap ko na amoy malangsa
Pumasok agad sya sa banyo at narinig ko nalng ang ragasa ng tubig,napailing nalang ako at pinatay ang television at humarap sa Salamin kinuha ko yung brush at brinush ang buhok ko
"Damon,Pupunta lang ako sa bayan, sasama kaba?"sigaw ko,hinde ko na narinig ang ragasa ng tubig
"Ok, wait me here, I'll just finish my bath"usal nya
Hinde na ko sumagot at hinintay nalang sya,dahil nga dakilang matagal syang matagal maligo ay isnag oras pakong naghintay kaya nag g-gabi na ng lumabas kami ng bahay
"Ang bilis mong maligo, bravo" pumalpak pako sa harap nya pero inirapan nya lang ako