Bigla na lamang nagising si Kale nang makapa niyang wala na siyang katabi. Pinakiramdaman niya muna ang kanyang paligid at sarili. Ang liwanag na. Anong oras na ba? aniya sa isip. Pupungas-pungas at dahan-dahan siyang bumangon para 'di gaanong sumakit ang kanyang kanang paa na ilang araw na niyang iniinda. Maingat siyang tumayo saka inayos ang higaan. Bagama't naigagalaw niya ang kanyang kaliwang braso na tumama mula sa maling pagbagsak dahil ito ang ginamit niyang pangharang upang 'di tumama ang likod ni McKenzie sa lupa. Katatapos ng training niya noon sa basketball ngunit bumalik ulit siya dahil may nakalimutan siya sa gym. Naglalakad na siya pabalik nang makita niyang may mabilis na sasakyan at dire-diretso lang ito. Mabilis siyang tumakbo nang mapansin niya kung saan papunta ang s

