Bigla namang napahinto sa pagmamadali si McKenzie nang mapansin niya si Kale na gulat na nakatingin sa kanya at ibinalik din agad ang tingin sa kanyang pagkain. Nakaramdam naman siya ng pagkailang at mabilis na tinakpan ang sarili. "What the f**k are you staring at?!" Anong ginagawa niya rito? Mabuti ng nag-iingat at baka ano pang makita niya. Titingin-tingin pa kasi. Dahil kinakausap na naman ni McKenzie ang kanyang sarili ay 'di niya namalayang nag-iisa na siya ron'n. Dumiretso na siya sa kanilang kwarto at nanguha ng towel. Inihanda na rin niya ang damit na kanyang isusuot at nagtungo na sa cr upang maligo. Walang ano-ano'y binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Kale na nalligo. Nakapikit ito habang sinasabunan ang sarili. Bahagyang nakaawang ang kurt

