Dark POV
"F*ck hindi pa ba handa yung helicopter?!" sigaw ko sa secretary ko. Pag may hindi ako nakitang kanais-nais na ginawa ng lalaking yun kay Pipay, I swear makakapatay ako! Wala akonv pakialam kung sino pa sita sa buhay ni Pipay.
"On the way na daw po sa roof top boss." maitim ang aura ko kaya napapatabi lahat ng nadadaanan ko. Buti alam nila kung paano ako magalit dahil wala akong sinasanto pag-galit ako.
Hindi pa ako nakakapunta sa elevator na mag vibrate ang cellphone ko agad ko naman yun kinuha at may litrato kung saan hinalikan ng lalaking yun ang noo ni Pipay. Mas lalong dumilim ang aura ko dahil sa nakita ko. How dare him to kiss what's mine!
Agad kong tinawagan si Skyler, I told him na wag na wag niyang hahayaan na mahawakan si Pipay! Talagang iniinis ako ng lalaking to dahil ang tagal niyang sagutin ang tawag ko nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko.
"Hey motherfucker maganda yung kuha ko sa isang yan ah. Sana nagustuhan mo." narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya.
"f**k you! I told you na wag na wag mong hahayaan na mahawakan siya ng lalaking yun! f**k pagkatapos kong patayin ang lalaking yun ikaw ang isusunod ko!" pumasok ako sa elevator nakasunod naman sa akin ang secretary ko at siya na mismo ang pumindot patungo sa roof top.
"I like pissing you off you know that. Don't worry kung hahalikan man niya ang pinakamamahal mong si Pipay sa labi kukuhanan ko sila ng litrato and I will send it to you motherfucker."
"I swear to you if that will happen sisirain ko lahat ng meron ka. Kahit pa kaibigan kita Skyler." napatiim baga ako. Maling-mali ang iwan ko si Pipay doon sana kinuha ko na lang siya. Sana may lakas ako ng loob para ipaglaban siya sa Ama ko.
"I'm such a coward f**k it!"
"Woah, woah easy ka lang bro hahaha. Hindi kana mabiro wag kang mag-alala pag akma na niyang hahalikan si Pipay babarilin ko na siya this time. And why are you taking too long Dark? Mamaya maunahan ka nung Kit na to, and to tell you bestfriend niya si Pipay since nung mga bata pa sila."Nakarating na kami sa roof top at andoon na din ang helicopter. Naglakad ako papunta doon at sumakay.
Inabot naman sa akin ng piloto ang isang headphone ipinakonekta ko ang tawag namin ni Skyler sa kasama nito.
"What are you saying earlier? Hindi kita narinig kanina." tanong ko sa kanya.
"Ang sabi ko baka maunahan ka ni Kit De Leon bestfriend ni Pipay yung nasa picture at magkaibigan sila simula nung bata pa sila. Sa pag iimbestiga ko nililigawan ni Kit si Pipay."
Holy sh*t! Kit? eh ayun ang ipinangalan sa akin ni Pipay nung nawalan ako pamsamantala ng ala-ala ah. Don't tell me kaya niya yun ipinangalan sa akin dahil gusto niya yung lalaking yun?!
"Ano pang alam mo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko ng sirain ang buhay ng lalaking yun dahil sa panghahawak sa pag mamay-ari ko!
Alam ko may kasalanan ako kung hindi lang sana ako umuwi at iniwan si Pipay sana ngayon masaya pa kami pero kahit na ayokong mapahamak siya sa kamay ng Ama ko. Knowing that my father can do anything for the sake of money and power. Sigurado ako na sisirain niya ang tahimik na buhay ni Pipay pag nalaman niyang may pinagkakaabalahan akong babae.
"Well wala naman sang business ng Papa niya pero nasa isang malaking companya ang Papa nito at malaki ang pwesto niya doon. Siya naman kakatapos niya lang mag-aral bilang engineer. Kakauwi lang din nila galing sa States ng papa niya." Mahabang lintaya ni Skyler. Mukhang wala pa akong masisira sa buhay ng lalaking yun ah.
"Keep an eye to them, In an hour andyan na ako."
Pinatay ko na ang tawag saka tumingin sa baba. Why I'm doing this? I cancel all my important appointments for two weeks just to see her. I can't bear seeing her happy with another guy.
Am I being selfish? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa two weeks na yun. I just hope pag natapos na ang two weeks na pamamalagu ko doon ay sana may lakas na ako ng loob para ipaglaban siya.
Hindi pa naman ako nahuhulog ng tuluyan eh pero hindi ko magawang tumigil. She always do crazy things and I can help but to laugh at the same time.
Siya lang ang kilala kong babae na hahalikan ang isang lalaki na hindi niya pa nakikilala at pa lang niya nakita at take note nakatulog pa ako nun. I enjoying my stay there kahit na ilang araw ko siyang hindi kinakausap.
I can still remember na binato niya yung manok nila sa kapit bahay nila dahil nagchichismisan sila tungkol sa kaibigan niyang si Hipon.
Pati na rin yung pag-akyat niya sa puno na nahulog pa siya dahil sa maling tapak sa sanga ng puno at nauna pa ang pwet nito. Kababaeng tao eh umaakyat sa puno ayun tuloy ang napala.
Napapailing na lang ako habang nakangiti. "Tinamaan na nga ata ako."
Siguro kung sa ibang mga lalaki ay maweweirdohan sila sa pinapakitang ugali ni Pipay pero para sa akin normal lang yun sa kanya. Hindi siya maarte kagaya ng ibang mga naka fling ko at hindi puro paganda ang alam sa buhay.
Simple lang si Pipay at yun ang nagustuha ko sa kanya. Hindi din siya plastik kagaya ng iba at palaban pa siya. Para sa akin wala na akong ibang mahahanap pa na kagaya ni Pipay.
Nakarating kami ng alas singko ng hapon at pinagtitinginan ako ng ibang tao dahil sa pagbaba ko sa helicopter.
"Boss tawagin niyo na lang po ako pag may kailangan kayo." ani ng secretarya ko.
"Call me kapag may importante akong tawag at ipadala mo sa akin lahat ng kailangan kong pirmahan. For now hindi muna ako tatanggap na kahit na anong meeting if mag tanong si Dad sayo sabihin mo may ginagawa akong importante." tumango naman ang secretarya ko.
"Magpapadala din po ba ako ng mga gamit niyo? Naka business suit pa po kayo dito eh." saka ko lang nakapansin ang suot ko.
"Yeah kuhanan mo ako lalo na yung mga pambahay ko."
"Copy that boss." naglakad na ako papunta sa bahay nila Pipay habang nagtitipa ang isa kong kamay sa cellphone ko tinawagan ko si Skyler.
"Nandito ka na buti naman. Papauwi na din sila Pipay. Infairness ah matapang si Pipay. Biruin mo binuhusan ba naman ng ihi yung mga nasa tindahan na sinasabihan siya ng kung ano-ano." umahagikgik pa nitong ani.
"That's my woman anyway." simple kong sabi.
Dahil wala namang saksakyan dito ay minabuti ko na lang mag lakad. Hindi din naman kalayuan ang bahay nila Pipay mula sa pinaglapagan ng helicopter ko.
"Teka diba siya yung niligtas ni Pipay?" nagsimula na akong nakarinig ng kung ano anong chismis mula sa kanila.
"Oo nga eh balita ko nga naging desperada si Pipay dahil sa lalaking yan."
"Nako malandi talaga yung babae na yun tignan mo yung batang yun. Nagmana sa nanay niyang mangkukulam." binalingan ko sila ng masamang tingin.
Wala silang karapatan para husgahan si Pipay. Hindi naman malandi si Pipay siguro dahil hindi nila kilala si Pipay kaya ganon na lang kung bakit nila sabihan ng kung ano-ano si Pipay.
Pero mali pa rin na humusga sila ng taong hindi naman nila kilala. Siguro nga kinatatakutan siya dito pero hindi ibig sabihin nun masamang tao na si Pipay.
Tinawagan ko si Skyler. "Can you see me?" ani ko ng sagutin niya ang tawag.
"Yes, bakit anong gusto mong gawin ko?"
"Nakita mo yung dalawang babae sa kanan ko, Gusto ko sirain mo lahat ng meron sa kanila. Mula sa trabaho at kung anong pinagkikitaan nila." pinatay ko na ang tawag at nagtungo na sa bahay nila Pipay.
Namataan ko si Pipay na papasok sa bakuran nila pero mabilis kong nahigit ang kamay niya at pinaharap sa akin.
"Kit!" gulat niyang ani sa akin. Nakaramdam ako ng inis dahil tinawag niya ako sa pangalan ng lalaking yun.
"I'm Dark not Kit." tiim baga kong sinabi sa kanya. Hinawi naman niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"Wala akong pakialam kung ano pa ang pangalan mo. Saka bakit ka nandito? Anong kailangan mo?!" ramdam ko sa boses niya ang inis.
"Anong nangyayar dito Pipay?" tanong ng lalaking kasama niya sa litrato at ang lakas pa ng loob niya na hawakan si Pipay sa bewang. Nakatingin lang ako sa kamay nito na nakapalibot sa bewang ni Pipay.
"Don't touch her you asshole!" kinuha ko ang kwelyo niya. Pero binigyan niya lang ako ng ngisi sa labi.
"Bakit sino ka ba? Ang lakas din ng loob mo no?" kwenelyuhan niya din ako. Nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa mga mata niya at ganon din ito sa akin.
Sinuntok ko siya sa mukha dahilan para bumagsak ito pero agad din siyang tumayo at susuntukin din sana ako pero nakailang ako sa suntok niya.
Panay ang ilag ko sa mga suntok niya at ng makakita ako ng chance ay sinuktok ko siya sa sikmura. Wala pala to eh ito ba ang ipapalit sa akin ni Pipay?
Tumayo naman siya at sinuntok ako sa gilid ng labi ko. Hindi ko nakita ang suntok na yun dahil nakatingin ako kay Pipay na nanunood sa amin. Pambihira naman kung yung ibang babae aawatin yung dalawang lalaking nagsusuntukam siya naman ay parang tuwang-tuwa sa gilid habang may nagsusuntukan sa hatapan niya.
"Sino ako? Ako lang naman ang asawa ni Pipay." Sinuntok ko ulit siya sa mukha at sinuguro ko na puputok ang labi niya, mukha naman siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Bumaling siya kay Pipay at nagtatanong ang mga mata nito.
"Alam niyo kung gusto niyong magpatayan sabihin niyo lang sa akin kukuhanan ko kayo ng tig-isang kutsilyo at papanoorin ko kayong magsaksakan. Lalamayan ko na lang kung sino ang mamatay sa inyo." napatanga kaming pareho dahil sa sinabi ni Pipay. Ibang klase talaga tong babaeng to.
"Ano tapos na ba kayong magsuntukan?"nagkatinginan naman kami ng lalaking to bago lumingon sa kanya. Gusto ko pa sana siyang suntukin dahil sa paghalik at pag hawak niya kay Pipay pero mukhang walang kakampihan si Pipay sa amin.
F*ck umaasa ako na ako ang kakampihan niya pero malabo atang mangyari yun dahil base sa itsura niya wala siyang kakampihan sa aming dalawa.
"Oh tapos na kayo? Oh baka gusto niyo pang magsaksakan sabihin niyo lang sa akin may tatlo kaming kutsilyo sa loob." tinuro pa niya ang bahay nila na barong-barong.
"Pipay totoo ba yung sinabi ng lalaking to na asawa mo siya?" nakatiim ang baga ng hayop na to habang nagtatanong kay Pipay.
"At na niwala ka naman? Ikaw nga lang yun manliligaw ko na nakakapasok ng bahay yan pa kaya?!"dumaling sa akin si Pipay at umirap. "Saka may asawa yan... hindi naman ako pang KABIT lang!" inimphasize pa nito ang salitang kabit. Bakit ko nga ba ulit naisip ang pesteng plano na yun?
Nakangisi tuloy ang lalaking ito at lumapit kay Pipay. Talagang inakbayan pa niya ito sa harapan ko!
"Hindi mo naman pala asawa eh... Alam mo kung ako sayo aalis na ako dahil wala kang mapapala dito. Pumunta ka doon sa asawa mo at wag mong guguluhin si Pipay."
"Kailangan nating mag-usap Pipay mag hihintay ako sayo dito kahit na matagalan pa ako. Wala akong pakialam basta mag-hihintay ako." determinado kong sabi.
"Wala tayong dapat pag-usapan wala namang tayo. Tara na Kit gagamutin ko yang sugat mo." inalalayan ni Pipay si Kit papasok sa bahay nila.
Para may pumipiga sa puso ko habang nakikitang inaalalayan ni Pipay si Kit papasok sa bahay nila.
"This is all your fault Dark! Kaya siya lumalayo sayo dahil sa mga sinabi mo sa kanyang masasakit na salita! at sinabi mo pang may asawa kana kahit wala naman talaga!"
Umupo na lang ako sa malaking bato na nakalagay sa harapan ng bakuran nila Pipay. Nakayuko lang ako habang hawak-hawak ko ang mga tuhod ko. Nakaramdam ako ng pagod dahil sa dami ng ginawa ko ngayong araw.
Pero diko maiwasan na napangiti dahil sa wakas nakita ko na rin si Pipay. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko ng makita ko siya.
Sumandal ako sa hamba ng bakuran nila at hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa balikat ko. "Hoy gumising ka dyan... Diyos ko bakit dito pa to natulog?"
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko su Pipay sa harapan ko na nakakunot ang noo.
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya naman ay salita ng salita.
"Bakit kasi hindi kapa umuwi sa inyo? Kita mo nilalamok ka dito mamaya magka dengue ka dito." may inilalagay siyang gamot sa bulak at madiin niya yun na nilapat sa gilid ng labi ko.
"Ouch bakit mo naman nilakasan?"maktol ko sa kanya. "Lumabas kaba para lang tignan ako?" napaiwas namab ito ng tingin sa akin.
"Ako? titignan ka? Nako bakit naman kita titignan eh masamang d**o ka hindi ka agad mamamatay sa isang suntok lang at malayo sa bituka yang sugat mo." nakabaling lang ito sa ibang direksyon at paminsan-minsan ay binabalingan niya ng tingin ang mukha ko dahil dinadampian niya ng gamot ang sugat ko.
Sa pagkakataon to ramdam ko ang ingat sa pagdampi niya ng bulak.
Hinuli ko ang kamay niya at hinila ko siya papalapit at niyakap ko siya ng mahigpit. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.
"I miss you Pipay, I'm sorry kung iniwan kita. Please wag mong hahayaan na hawakan ka ulit ng lalaking yun dahil nagseselos ako. Lalo na ng malaman ko na ipinangalan mo sa akin ang pangalan niya."naging mabigat ang paghinga ko dahil pinipigilan kong magalit. "Dark ang pangalan ko ayun ang itawag mo sa akin at hindi Kit... I'm begging you Pipay."
Naramdaman ko na tumungon siya sa yakap ko at hinaplos nito ang buhok ko. "Na miss din kita.... Dark."