Pipay POV
"Marupok kang p****k ka!"hinila pa ni Hipon ang buhok ko dahil sa kwento ko sa kanya.
"Arayyy namannn! Kailangang manabunot ha? eh kung itulak kita mula dito sa kinauupuan mo ha?" banta ko sa kanya. Nandito kasi kami sa taas ng puno at nakwento ko sa kanya ang nangyari kagabi.
"Pero infairness ah ang haba ng buhok mo biruin mo may nagsuntukan para sayo. Kahit na ganyan ang itsura mo." tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong ibig mong sabihin sa ganito ang itsura ko? Hoy para sabihin ko sayo sa ganda kong to hindi malabo na pagsuntukan ako ng mga lalaki dyan."
"Ay teh dyan ako hindi agree ah. Para sabihin ko sayo hindi lahat ng lalaki gustong makipagsapakan para sayo. Kaya kung ako dayo girl mag-bigay ka din naman para sa akin. Sayang ang magandang lahi ko kung puro sayo mapupunta ang lahat ng gwapong lalaki dito."
"Oh bakit? Ayaw mo ba kay Mang Kano? Diba sinabi mo na kinikindatan ka niya? Oh edi ayun na sungaban mo na si Mang Kano pareho kayong mahahangin maya bagay na bagay kayo." sinamaan ako ng tingin ni Hipon dahil sa sinabi ko.
"Matagal ba yun bakit mo pa pinaalala? Yuckk nandidiri ako alam mo ba yun? No thanks mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga kung siya lang din naman ang mapapangasawa ko, at ano akala mo sa akin pumapatol sa mga matatanda?" hindi na maipinta ang mukha ni Hipon dahil sa mga sinabi ko.
"Wag kang choosy pasalamat ka at may nagkakagusto sayo. Mabait naman at masipag si Mang Kano wala ka ng hahanapin sa kanya na katangian kung hindi mo pagbabasihan ang kagwapuhan at yaman." ani ko sa kanya. Kumuha ako ng bunga ng mangga at kinain ko yun.
"Alam mo Pepe wala naman akong pakialam sa mukha ng isang tao eh. Saka ano na lang ang ibubuhay sa akin ni Mang Kano pag naging kami?" binato ko siya ng manggang kinakain ko.
"Huli ka balbon! Yieee may pa yuck yuck ka pang nalalaman dyan eh gusto mo din naman pala si Mang Kano."
"Alam mo ang saya mong kausap Pepe aalis na nga ako masira pa ang buong araw ko dahil sayo eh." aba ang lakas nitong magreklamo eh siya nga tong pumupunta dito sa bahay namin.
"Wag ka ng babalik dito ah! Masasabunutan kita pag bumalik kapa!" sigaw ko sa kanya ng nakababa na siya at ang gaga dinilaan lang ako.
"Wala kang pake kung babalik ako!" naglakad pa siya na parang isang model habang papalabas ng bakuran namin pero hindi pa siya nakakalayo ng matalisod ito kaya tinawanan ko siya ng malakas.
"AYAN NA PAPALA MO SA KAARTEHAN MONG MAGLAKAD!" natatawa kong sigaw sa kanya bnigyan ako ng isang malakasang masamang titig at pinakita niya sa aking ang dalawang middle finger nito kaya naman ginaya ko siya at dumila ako.
"Anong ginagawa mo dyan Pipay?" muntik na akong mahulog sa puno dahil may biglang nag-salita.
"Ano ka ba naman muntikan na akong mahulog!"reklamo ko sa kanya.
"Sasaluhin naman kita." parang simple lang niyang sinabi yun pero ang laki ng epekto sa akin.
"Anong sinasabi mong sasaluhin mo ako? Eh may asawa ka nga." nakatingin ako sa baba habang siya naman ay nakatingala sa akin.
"Tungkol dyan hindi talaga totoong asawa si Marga. Well ikaw lang naman ang asawa ko." inirapan ko siya. Mga lalaki nga naman magaling mambola sa aming mga babae. Buti na lang at alam na alam ko ang mga ganyang galawan.
"Hindi mo ako madadaan dyan sa mga pambobola mo kaya kung pwede tigil-tigilan mo yan. Hindi naman kasi nakakatuwa at sa pagkakaalam ko hindi ka clown para magpatawa."
"Sino ba sabing nambobola ako? And yes, I'm not clown dahil hindi naman ako nagpapatawa. I'm your husband anyway." nagkibit balikat pa ito habang nakapamulsa. Nakasuot lang ito ng maong shorts at puting sando kaya kitang kita ko kung gaano kakisig ang lalaking nakatingala sa akin ngayon.
"Galit ka diba? Wag kang marupok kagaya ng sabi ni Hipon!" suway ng isip ko sa sarili ko.
Tama dapat hindi ako maging marupok. "Ewan ko sayo saka bakit kaba andito? Sinabi ko naman sayo na umuwi ka na agad ngayong umaga pero bakit napambahay kapa? Saka saan ka kumuha ng damit mo? Walang ganyang damit si tatay." nakakunot kong noo sa kanya.
"I'm staying for two weeks." hindi ako sumagot sa tanong niya dahil hindi ko naman yun naintindihan mukhang napansin naman niya yun kasi bumuntong hininga ito. "Dito muna ako titira ng dalawang linggo."
"Baka hanapin ka ng asawa mo." mamaya sumugod dito ang babaeng yun talagang makakalbo ko na siya pagnagkataon.
"Kakasabi ko nga lang na hindi ko nga siya asawa. Hindi nga yun totoo! Ang slow-slow mo talaga kahit kailan." tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala kang pake hindi ka kasi kapani-paniwala. Tumalikod ka baba ako na ako." ani ko sa kanya nakapalda kasi ako na umakyat dito mahirap na baka manilip siya. Makinis pa naman ang balat ko dahil sa gatas ng kambing namin.
"Hindi ako manyak kagaya mo."bulong nito bago tumalikod. "Akala mo naman sisilipan ko eh wala naman kasilip-silip sa katawan niya." napasimangot ako bubulong na nga lang maririnig ko pa.
Nag-umpisa na akong bumaba sa puno malapit na ako sa baba ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko at tinulungan akong makababa ng tuluyan.
"Mag-iingat ka mamaya mahulog ka na naman sa puno." paalala niya sa akin.
Iwinaksi ko ang pag-aalboruto ng dibdib ko. "Wala kang pakialam kung mahulog ako hindi naman ikaw yung masasaktan kapag na hulog eh." hindi niya pa rin inaalis ang pagkakahawak ko sa bewang ko kahit na nakaharap na ako sa kanya.
"Alam ko... pero ayokong nasasaktan ka." napalunok ako dahil sa sinabi niya.
"Potek ka Pepe Pipay! wag kang maharot na hindot! At lalong wag na wag kang marupok... baka gusto mong paghahampasin ka ng nanay mong mangkukulam kung nalaman niyang nilalandi mo na naman yan!
"Alam mo wala na bang magandang sasabihin yang bibig mo? Kasi para sabihin ko sayo hindi nakakatuwa yang mga sinasabi mo. Maiwan na nga kita." aalis na sana ako pero hinapit niya ako papayakap sa kanya.
Natuod ako dahil sa ginawa niya."Bitawan mo ako." utos ko sa kanya pero isinubsob niya lang ang mukha niya sa leeg ko.
"Ganito na muna tayo please kahit ilang minuto lang... miss na miss ko lang yung amoy pawis mong katawan." natulak ko siya bigla dahil sa sinabi niya.
Inamoy ko ang sarili ko at tama nga ang sabi niya amoy pawis na ako. Pero kahit naman amoy pawis na ako ay mabango pa rin ako.
"Wag ka na ulit yayakap sa akin kung ayaw mong mabaog ng wala sa oras!" pagbabanta ko sa kanya napahawak naman siya sa pagitan ng mga hita niya pero agad niya yung tinanggal at hinika ulit ako papayakap.
"Wag mo akong sisipain dahil baka hindi na tayo magkaanak niyan." mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Pwede mo ba ulit akong tawaging mahal? I miss it... very much."
"Ayoko nga saka sabi mo Dark ang pangalan mo at hindi mahal kaya tatawagin kitang Dark wala ng iba pa." hindi ako tumungon sa yakap niya pero kinuha niya ang mga kamay ko at siya mismo ang pumulupot sa kanya bago niya ako niyakap.
"Please hug me back I badly need it." kahit na hindi ko naintidihan ang sinabi niya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko sa boses niya na parang pagod siya at may pinoproblema ito.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya, nakasubsob na naman ang mukha niya sa leeg ko. Pansin ko lang na ito ang lagi niyang ginawa sa tuwing magkakayakap kami. Gustong-gusto niya atang sumiksik sa leeg ko eh. Siksik naman ng siksik hindi man lang lagyan ng chikinini. Kahit limang chikinini lang eh. Ok tama na tong kahalayan na nasa isip ko.
"Meron pero kakayanin ko para sayo." nakaramdam ako ng gumagalaw sa sikmura ko. Maganda sa pakiramdam kaya dinama ko na lang iyon habang yakap-yakap ko siya.
"Alam mo kung ano-ano iniisip mo. Wag kang nega kung gusto mong tawagin kitang mahal ulit kaya wag mo masyadong damdamin yang problema mo."
Humiwalay siya sa pagakakayakap sa akin. "Pwede ba kitang halikan?" natigilan ako sa sinabi niya. Hahalikan niya ako? at hindi ako ang hahalik sa kanya ngayon!
"Ahh bawal ang halik ngayon. May kasalanan kapa sa akin. Pinapaalala ko sayo nag sinungaling ka sa akin na may asawa ka na. Alam mo bang isang buwan akong nagmukmok dahil doon."
"Alam ko kaya nga gusto kung bumawi sayo eh. Mag date kaya tayo? Pero wala namang masyadong napupuntahan dito sa Baryo niyo."
"Mag date? Hmm sige wala din naman akong gagawin kaya pagbibigyan kita na makabawi sa akin." napangiti naman si Dark dahil sa sinabi ko.
"Great may alam ka ba na pwede nating puntahan?" tumango ako sa kanya.
"Oo may alam ako na pwede nating puntahan. "masaya kong tungon ko sa kanya.
"Tara na," hinawakan nito ang kamay ko. "Baka dumating pa yung asungot dito eh." siya na mismo ang humila sa akin papalabas ng bakuran namin.
"Asungot?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Yung Kit— teka bakit mo pala ipinangalan sa akin yung pangalan nung lalaki yun?" may bahid ng pagkairitang sabi nito.
"Ahh yun ba hindi ko din alam eh basta pumasok na lang sa isip ko. Saka dahil siguro namimiss ko na si Kit kaya ko yun naisip. Alam mo na matagal kaming hindi nag kita at masaya ako ngayon dahil nakita ko na ulit siya." nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin ito sa dinaraanan namin. May gusto yata siyang sabihin pero nanataling nakatikom ang bibig niya.
Ilang minuto pa kami na tahimim bago ko siya kinalabit. "Natahimik ka bigla." ani ko sa kanya.
"Oyy... magsalita ka nga dyan. Para kang tanga." napanguso ako dahil hindi pa rin niya ako kinakausap.
"Oy Dark ano ngaa? mag salita ka naman ohh. Mahal andyan ka ba?" napalingon naman siya sa akin.
"Tinawag mo akong mahal?" gulat nitong tanong pero kalaunan naman ay lumabas na ang biloy nito dahil sa pag-ngiti niya. "Hindi naman ako bingi kaya malinaw yung pagkakarinig ko." nagulat ako ng halikan niya ako sa pisnge.
Ilang sigundo ako natigilan dahil sa ginawa niya. "Ikaw wag ka bigla-biglang nang hahalik ah!? Magpaalam ka sa akin." umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nararamdaman ko na umiinit ang pisnge ko.
Isa nga talaga akong haliparot na babae. Simpleng halik lang yun sa pisnge pero grabe na pamumula ng pisnge ko.
"Alam mo nakakainis ka Pipay!" maktol niya sa akin at parang batang naagawan ng candy dahil sa itsura niya ngayon.
"Oh anong ginawa ko sayo? Hoy hindi kita inaaway ah o kaya minamanyak baka sabihin mo na minamanyak kita kaya ka naiinis."
"Hindi kasi yun, naiinis ako kasi alam mo kung papaano ako susuyuin." kinuha niya ang kamay ko at itinapat niya yun sa dibdib niya.
"Nararamdaman mo ba yang t***k ng puso ko ha?" pinakiramdaman ko ang dibdib niya at naramdaman ko nga na ang lakas ng kabog nito. Tumango ako sa tanong niya." ikaw lang ang nakakapagpatibok ng puso ko."
Nagkatitigan kami sa mga mata. Umaandar na naman ang pagiging maharot ko dahil gusto ko siyang hilain sa batok at halikan siya sa labi.
"Pwede bang mag tigil ka dyan sa mga sinasabi mo? Kasi kung hindi ka titigil talagang gagahasain na kita." napabunghalit naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko.
"Nakakatawa ka talaga Pipay." nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Iba yung ngiti niya ngayon eh.
Napakunot ang noo ko sa kanya. "Tigilan mo yung ganyang ngiti dahil iisipin ko na gusto mo talagang gawin ko yung sinabi ko kanina."
"Ikaw puro kahalayan nasa utak mo no? Sino bang nagturo sayo ng ganyan ha?"
"Yung teacher namin nung elementary pero nasunog na kasi yun kaya hindi din ako nakapagtapos ng pag-aaral."
"So hanggang anong grade lang natapos mo? "
"Grade 3 ata ako nun—" nagbilang ako sa daliri ko." Aishh alam mo mahina talaga memorya ko saka puro kaharutan lang naman tinuturo ng teacher namin dati doon. Tinuturuan pa kami paano makabingwit ng mapapangawang kano."
"Teka ganito yung tinuro sa amin." Hinila ko siya sa malapit na punong na may upuang kahoy at doon ko siya pinaupo.
"Oh bakit mo ako pinapaupo dito?" tanong niya.
"Ipapakita ko nga yung tinuro sa amin ang kulit ng ninuno mo eh no?" inayos ko ang palda ko at ang damit na suot ko.
"Ano gagawin mo?" tanong nito sa akin.
"Sasayaw." simple kong sabi, kusang kumembot ang bewang ko naglakad ako papunta sa likod niya habang nang-aakit akong sumasayaw, hinawakan ko siya sa balikat pababa sa kamay niya.
Hinaplos ko pataas ang kamay ko mula sa braso niya papunta sa balikat. Umikot ako paharap sa kanya at hinawakan ko ang dibdib niya pababa sa pandesal nito habang sumasayaw pa rin. Ngumiti ako ako ng nakakaakit habang titig na titig ito sa akin. Nakita ko kung paano siya napalunok dahil sa ginagawa ko ngayon kaya naman tumalikod ako sa kanya at sinayawan ko siya ng patalikod. Kumekembot ang bewang ko pero nagulat na lang ako ng hilain niya ako paupo sa mga hita nito.
"Stop teasing me woman. Baka pag hindi ako nakapagpigil ako mismo ang gagahasa sayo."