Dark POV
Pigil na pigil ko ang sarili ko habang sinasayawan ako ni Pipay. F*ck kung sino man ang nagturo dito masasabi kong magaling siya at nabubuhay na ang sistema ko dahil sa ginawa niya kaya naman pinatigil ko na siya sa pamamagitan ng paghila ko sa kanya paupo sa mga hita ko.
"Stop teasing me woman. Baka pag hindi ako nakapagpigil ako mismo ang gagahasa sayo."naramdaman ko na nanigas siya dahil sa sinabi ko kaya naman piningot ko ang ilong nito.
"Arayyy namann! Nananakit kana ngayon ahh!" nakasimangot niyang sabi habang hawak-hawak ang ilong na piningot ko.
"Yan kasing utak mo tinakot lang kita nanigas kana dyan. Puro kamanyakan talaga nasa utak mo no?" para naman siyang napapasong tumayo sa pagkakaupo sa hita ko.
"Hindi ahh saka neknek mo hindi ko pagkaka-interesan yang bato-bato mong katawan at kahit na may pandesal ka at anaconda hinding-hindi kita pagkaka-interesan period walang kasundo!" tumaasa ng sulok ng labi ko.
"Sigurado ka ba." bulong ko sa kanya mula sa likod. Kita ko kung paano namula ang buong mukha niya kaya napabunghalit ako ng tawa.
"Namumula ka Pipay so... hindi mo gustong hawakan ang pandesal at anaconda ko?" tukso ko sa kanya. Kahit kailan napaka priceless ng reaksyon niya.
"Simpre gust— hindii noo!! Ano ba yan nakakatense ka naman ehh!" Kahit kailan talaga hindi niya alam kung paano mag-tago ng emosyon.
"Tara na nga." hinawakan ko siya sa kamay nito at hinila siya sa kalsada. "Mamaya kung saan pa mapunta yung usapan natin magdadate pa tayo diba?" mukhang nakaligtaan na niya ang gagawin namin.
"Oo nga pala! Baka nahuli na tayoo!" hinila na niya ako papaalis sa kinaroroonan namin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Shh tumahimik kana lang dyan kita mong focus ako sa paglalakad eh. Ginugulo mo na naman isisipan ko." tumahimik na lang ako baka masapak pa niya ako eh.
Sayang yung mukha kong napakagwapo.
"Sabing tumahimik ka diba?!"kumunot ang noo ko ng tumigil siya sa paglalakad at dinuro ako.
"Tahimik naman na ako ah... hindi na nga ako nag-sasalita dito ehh." may pakasintu-sinto talaga tong babaeng to kahit na kailan.
"Ay hindi na ba? Sorry naman ehh basta tumahimik ka na lang dyan ginugulo mo ako eh." napapailing na lang ako nang magwalk out na ito at pumasok siya sa isang bakuran kaya naman sinundan ko na lang din siya.
Rinig ko ang nagsisisigawang mga kalalakihan at kababaehan na para bang may away dahil sa lakas ng mga sigaw.
"YAN SIGEE!"
"SAYANG WAG MONG HAHAYAAN NA MAKAWALA... AY NAKO NAMAN NAWALA PA!"
"SA KANA MO AYAN SIGEE!"
"AYON....PANALO AKO!"
"AKO DIN PANALO!"
"Oh pre ano panalo ka ba?"tanong ng isang mama sa lalaking kasama nito.
"Wala talo ako eh! Mukhang minamalas ako ngayong araw."
"Nako ok lang yan pre bawi kana lang sa susunod."napakunot ang noo ko. Nasaan na ba kasi yung babaeng yun? Iniwan-iwan pa ako dito eh.
"Humanda ka sa akin Pipay pag nahanap kita... Itatali talaga kita patiwarik sa puno pag hindi ka nag-pakita sa akin."
Naglakad na lang ako para hanapin si Pipay nang may humarang sa akin na grupo ng mga kababaehan.
"Hi pogi anong ginagawa mo dito?" hinawakan pa ako ng babaeng may nunal sa noo na para bang naging third eye nito dahil nakasentro ito sa noo niya.
Agad naman ako umiwas dahil baka makita ni Pipay ang ginawa ng babaeng to malamang ay magagalit siya sa akin kung hahayaan ko na hawakan ako ng babaeng to.
"Pasensya na may kasama ako hinahanap ko lang... sige aalis na ako." ani ko pero hindi nila ako hinayaan na makaalis.
"Wag ka munang aalis pogi masaya naman kaming kasama eh." ani ng isa na kulot ang buhok at naka tube pa ito saka shorts.
"Tataya ka ba pogi? Baka gusto mo munang sumama sa amin para naman hindi ka maboring dito" hahawakan sana ulit ako ng babaeng may nunal ng may humawak sa kamay nito.
Sa bilis nang pangyayari ay nakita ko na lang si Pipay na pinipilipit ang braso ng babaeng yun habang naka dapa ito habang hawak-hawak ang braso ng babae sa likod nito.
"Diba sinabi na nga niyang aalis na siya? At ikaw na babaeng may nunal sa noo na akala mo third eye wag na wag mong hahawakan ang pag mamay-ari ko kung ayaw mong ipakain ko sayo yang putek na nasa harapan mo!" hindi ko maiwasan na matakot kay Pipay dahil wala talaga siyang sinasanto. Paano kaya kung hinayaan ko na hawakan niya ako edi mas nakakatakot yun dahil alam kong pati ako pagbubuntunan niya ng galit niya.
"Pipay hindi naman namin alam na sayo pala tong si kuya pogi eh." ani ng isang babae at aawatin sana niya si Pipay pero pinanlisikan niya lang ito ng tingin.
"Ikaw wag kang sumasabat sa usapan ha? Sa oras na sumabat ka ulit sa usapan hihilain ko yang dila mong mabaho at ipapakain ko sayo yung mga tae ng baboy! Kuha mo?!" natatakot naman na tumango ang babaeng sininghalan ni Pipay.
Napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Isa ito sa mga nagustuhan ko kay Pipay matapang at kayang ipaglaban ang sarili. Hindi kagaya niya matapang nga ako pero hindi ko siya kayang ipaglaban.
"Kikilalanin niyo kung sino ang lalapitan niyo..."isa-isang tinitigan ni Pipay mga babaeng humarang sa akin at dumapo nag mga mata niya sa babaeng kulot ang buhok na humarang sa akin kanina. "Kuha niyo?!" sigaw nito.
"At ikaw..."binitawan niya yung babaeng may nunal at nilapitan niya yung babaeng kulot. "Sa susunod wag kang haharang-harang sa dadaanan niya maliwanag?!" tumango naman ang babaeng kulot ang buhok.
"Aa susunod ayusin mo yang pananamit mo para sabihin ko sayo hindi to bar. Sugalan to teh at pwede ba mag-ahit ka naman ng kili-kili mo tignan mo yan oh ang hahaba na nang buhok mo sa kili-kili ano yan? sinusuklay mo ba yan kaya ganyan kahaba?" napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Pipay.
Nahiya tuloy yung babae dahil totoo yung sinabi nito. Hayss iba din ang lakas ng loob ng isang to bakit kasi nag suot pa ng ganong damit eh kita nga ang buhok sa kili-kili.
Nilapitan ko na si Pipay baka mas lalo pang mapatagal yung away nila nang dahil sa akin.
"Halika na mahal magdadate pa tayo diba? Wag mo na silang pag-aksayahan ng oras." nakangiting lumingon naman sa akin si Pipay. May saltik nga ang isang to, kanina para siyang tigre na handa nang kumain ng buhay pero bigla naman itong naging maamong tuta pag-dating sa akin.
"Oo nga pala! Tara na kay Mang Rekto!" masigla niyang sabi at hinila na ako papaalis sa mga babaeng humarang sa akin. Ni hindi ata napansin ng babaeng ito na napuro putek na ang mga paa namin dahil sa dinadaanan namin.
"Hinay-hinay ka lang sa paglalakad makakadating din tayo sa pupuntahan natin, mamaya madulas ka." nakangiti naman siya sa akin at yumakap ito sa bewang ko.
"Kikiligin na ba ako?" tanong niya sa akin.
"Bakit hindi ka pa ba kinikilig?" balik kong tanong sa kanya.
"Simpre kinikilig na ikaw ba naman ang mag-alala sa akin." tuwang-tuwa niyang sabi.
"Araw-araw naman akong nag-aalala sayo. Sino bang nagsabi na hindi ako nag-aalala sa kalagayan mo?"
"Yiee enebe kenekeleg eke!" pabebe niyang sabi sa akin.
"Sintu-sinto nga." bulong ko.
"Mang Rektor ano po bagong laro na po ba?" masayang tanong ni Pipay.
"Oo ilalabas na yung tatlong biik. Galingan mo Pipay ah nako sayo ako tumaya." nag thumbs up naman si Pipay sa kausap nito.
"Ako pa po ba Mang Rektor kailan po ba ako natalo dito?"
"Wala pa." natatawang sabi ni Mang Rektor.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni Pipay. "Ayy oo nga po pala Mang Rektor si Dark po Asawa ko!" sumikdo ang puso ko dahil sa sinabi ni Pipay. Sobrang gaan sa loob habang pinapakilala niya ako bilang asawa niya kahit hindi pa kami kasal.
"Nako ito ba yung naririnig kong niligtas mo?" tumangon naman si Pipay. Bumaling sa akin si Mang Rektor at inilahad niya ang kamay niyang may bahid pa ng putek. Nag-aalangan pa akong tangapin ang kamay niya at napansin naman yun nila Pipay ibababa na sana ni Mang Rektor ang kamay niya pero agad ko yung tinanggap dahil ang talim ng pakakatingin sa akin ni Pipay na agad din namang nawala ng tanggapin ko ang kamay ni Mang Rektor.
"Dark Dela Torre po." magalang kong pagpapakilala.
"Dela Torre? Mayaman ka ba iho? narinig ko na kasi ang apilyedo na yan eh. Nakalimutan ko lang kung saan ko narinig. Alam niyo naman pagtumatanda nagiging ulyanin na."napakamot naman ako sa batok ko bago tumango.
"Ahh kaya pala nag-aalinlangan ka pang hawakan ang kamay ko."
"Pasensya na po dahil doon." nahihiyang paumanhin ko.
"Hindi ok lang yun," bumaling si Mang Rektor kay Pipay. "Mukhang hindi siya makakalaro sino na ngayon ang kapareha mo?" tanong ni Mang Rektor.
"Ako po!" sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko.
"Kit! Anong ginagawa mo dito?!" gulat na gulat na tanong ni Pipay.
"Hinahanap kita wala ka kasi sa bahay niyo kaya naisip ko na nandito ka at hindi nga ako nagkamali."
Nakaramdam ako ng selos dahil sa ngiti ni Pipay para akong naging hangin na hindi nakikita at nakalimutan na ako ni Pipay.
"Ikaw ang kapareha ko kaya dapat galingan mo." nakangiting sabi ni Pipay habang naglalakad sila sa papunta sa malawak na kulungan na gawa sa kawayan.
"Ano hong gagawin nila?" tanong ko kay Mang Rektor na nakatingin din kila Kit.
"Huhuli sila ng baboy kung may mahuli sila ng isa o dalawa ay panalo na sila. May dalawa silang kalaban."
Kita ko kung paano tinanggal nang lalaki yung ang damit niya sa harapan ni Pipay nagpapasalamat na lang ako at walang pakialam si Pipay kahit na naghubad ito sa harapan niya.
"Sa totoo lang labanan yan nang may mga asawa na!" nanlalaki ang mata ko na napatingin kay Mang Rektor.
"Ano po? Labanan nang may asawa na...ibig sabihin yung kalaban nila ay mag-asawa?" tumango siya sa tanong ko.
"Kaya nga sumali si Pipay para sayo kasi gusto niyang maranasan mo ang ganitong laro pero sa ekspersyon mo kanina mukhang nadismaya si Pipay. Tignan mo ang batang yun pasimpleng tumitingin dito." napatingin ako sa direksyon ni Pipay pero mabilis siyang umiwas ng tingin ng nakita niya akong nakatingin sa kanya.
"Sasali ho ako!" determinado kong sabi.
"Kung ganon ikaw ang magiging kabit dahil sasali ka." nakangising sabi niya sa akin napatiim baga ako dahil sa sinabi niya.
"Ako ang asawa kaya ipapakita ko sa lalaking yun kung sino sa amin ang tunay na asawa!" hindi na ako nag paalam sa kanya at naglakad ako patungo sa bungad ng kulungan. Habang naglalakad ako ay tinanggal ko ang puti kong sando at isinabit ko yun sa kawayan.
Tinalon ko ang harang para makapasok. Lumubog ang paa ko sa putek pero hindi ko yun pinansin dahil nakafocus ang tingin ko kay Pipay na titig na titig sa katawan ko. Lumapit ako sa kanya na hindi inaalis ang pagkakatirtigan namin
"Dark." mahina niyang bulong at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
Hinapit ko siya sa bewang nang nakalapit na ako. "Ang ayoko sa lahat may umaagaw sa pwesto ko bilang asawa mo!" mariin kong sabi bago ko sinakop ang labi niya.