“Hindi ko talaga malaman sa anak ko, she keeps on singing I saw mommy kissing Santa Claus. To think na wala pang ber months. Dinaig pa talaga nito ang na-LSS. Mabuti nalang talaga at nakatulog na.” Tanging melody lang kasi ang naiintindihan nito sa kanta ng anak niya. Para akong nasamid ng laway ng marinig ang hinaing ni Kate tungkol kay Seanna. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang karupokan kinasadlakan ko kasama si James kanina at habang nanunuod ang bata sa amin. “Teka, nagpatugtog ka ba ng Christmas song sa inyo kanina?” Tanong ni Kate sa akin. “Hindi naman. Pinag-draw ko lang siya kanina tapos noong mapagod na sa kaka-drawing ay natulog na. Baka naman excited lang ‘yun anak mo sa Pasko.” Si James kasi nanununggab ng halik kahit na may bata. Piping sabi ko s

