bc

One Shameful Summer

book_age16+
3.1K
FOLLOW
9.2K
READ
possessive
fated
second chance
self-improved
confident
comedy
bxg
humorous
small town
teacher
like
intro-logo
Blurb

Kahit gaano pa kainit ang panahon walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Bakit kamo? Because summer makes me closer to my one and only love of my life -- si James Del Prado.

Ang ultimate crush ng bayan. Ang bad boy ng hard court. At ang nag-iisang lalaking inisnob ang kagandahan ko.

Pero dahil ako si Julliana Andrea Henson, kiber sa akin ang pandedeadma ni James. I already made up my mind, kung ayaw niya akong ligawan, AKO na ang manliligaw sa kanya.

Kasabay ng pagtatapos ng summer ay unti-unting nawala ang confidence ni Andrea para mapasagot si James. Tuluyang bumuhos ang ulan at hindi na natupad ang pangakong iniwan nito kay Andrea. Nabaon na sa limot ang bawat ala-ala.

But seven years after, James came back. Asking for Andrea to give her another chance. Takot na siyang sumugal sa mga pangakong napako. Wala na siyang plano na maiwang muli at maloko.

Dahil on that one shameful summer kahit may nasirang pangako, mayroon din namang pag-ibig na unti-unting mabubuo.

Pero kaya nga ba niyang kalimutan ang mga alaalang itinago? Because on that One Shameful Summer, he

chap-preview
Free preview
PROLOGO
--- This is the one shot story version that will be the prologue. --- Ang Pagdating  Inayos ko ang pagkakalagay ng pang-diyosa kong bulaklaking headband habang nakaupo sa isang monoblock sa terrace ng bahay nina Kate. "Prepared na prepared ahh…" May panunuya sa boses ng kaibigan ko. Tinignan nito ang suot kung floral dress at Havaianas na kulay pink na tsinelas. "Di ba sabi mo hindi mo ipapambahay yang tsinelas mo kasi mahal ang presyo niyan?! What happened?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin. "Baka kasi masira kapag hindi ko ginamit…" Nakangising sagot ko dito. "Oh, e bakit naka-dress ka? Aattend ka ba ng binyag?" Mukha talaga akong aattend ng binyag sa suot kong puting dress na may mga desinyong bulaklak. Feeling ko kasi mas lalo akong gumaganda kapag suot itong bestidang puti na binili ni Nanay sa ukay-ukay. Kaya nga isinusuot ko ito kapag mayroong okasyon lamang. "Wala lang. O di ba ganito talaga ako manamit dati pa?" Wala na kasi akong maisagot sa usyusera kong kaklase/bespren/besenemy na si Kate Del Prado. But I should be good to her kasi very, very soon ay magiging sister-in-law ko na siya. Dahil ang Kuya nitong si James Del Prado ang magiging future husband ko. "Hmm, hindi ka kaya ganyan manamit…"Humihikab na sabi nito sa akin. Effortless talaga ang ganda ng kaibigan ko. Kahit bagong gising pretty pa rin. Kaya talagang frenny kaming dalawa dahil pareho kaming beautiful. "Eh bakit ka ba kasi tanong ka ng tanong? Anong problema mo kung ganito ang get-up ko?" Parang rapper na sagot ko rito. "Ang problema kasi, ginising mo ako.” Nakasimangot na sagot nito sa akin. “Alas-cinco palang pero andito ka na sa bahay at nakikitambay… Kung alam ko lang na maaga kang mambubulahaw, e di sana nag-sleep over ka nalang dito kagabi." Naiinis na talaga ito sa akin kasi nanlalaki na ang mga butas ng ilong nito. Truth naman kasi talaga ang sinabi nito. Four thirty palang kasi ng umaga ay nandito na ako sa harapan ng pinto nila at nangangatok. So, sino nga naman ang hindi maiinis sa akin di ba? Pero masama bang salubungin ko ang pagdating ng kuya niya? I should be here kasi nga darating ngayon si James galing ng Manila. Summer vacation, ibig sabihin wala itong pasok! At ayun na nga, tumigil ang mundo ko ng makita ang itim na van na papasok sa gate nila. "Oh my God! Ampogi talaga ng kuya mo, Kate." Tili ko habang bumababa si James sa sasakyan. Sinundo kasi ito ng parents niya sa pier kaninang madaling araw. Barko lamang kasi ang means of transportation dito sa amin. Pero nawalan ng saysay lahat ng preparation ko dahil kasunod nitong bumaba ang isang babaeng ahas. Ahas siya dahil hindi pa man ay inaagaw niya ang atensiyon at pagmamahal sa akin ni James. Paano ko nalaman? Dahil inaalalayan ito ni James na para ba itong isang mamahaling hiyas na hindi pwedeng madumihan.   Celebrating Town Fiesta "Go Baby James! I-shoot mo ang bola para sa akin!" Napa-ismid ako sa katabi kong babae na kung makasigaw ay parang mapapatid na ang litid sa leeg. "Ang galing-galing mo talaga, Baby James!" Sumigaw uli ito ng mai-shoot ni James ang bola. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Ang buhok ay kulot na pina-rebond at nasunog. Gaya ng dibdib nito ay lumuluwa rin ang kanyang mga mata. Nakasuot ng tube top at maikling short. Mabuti nalang at maputi ito kung hindi magmumukha siyang katulong sa tabi ko. "Excuse me..." Dumaan sa tabi nito ang kaibigan kong punong-puno ng pintura sa katawan. Imagine, kagandang babae sumali sa ati-atihan festival? "Andeng, sinong leading?" Tanong nito sa akin pagkaupong-pagkaupo nito sa tabi ko. "Malamang ang kuponan ng Kuya mo, ang galing kaya niyang mag-shoot. 26-54..." "Panalo na yan!" Komento nito at umalis na naman sa tabi ko. Ang ligalig talaga ng babaeng ito. Ibinalik kong muli ang aking atensyon sa laro. Pumupwesto si James ngayon hawak ang bola. Mukhang titira ito ng three points. Tumingin ako sa katabi ko. Busy sa pagreretouch. Chance ko na para i-cheer si James. "Go Baby Boy! Iki-kiss kita mamaya kapag na-shoot mo yan!" Bigay na bigay na sigaw ko rito. Nagtinginan halos lahat sa akin. Tumingin ako sa court at nakita ko kung paano ipinasa ni James kay Hinahon ang bola. "Mukha kang tanga, girl..." Sabat ng babaeng katabi ko. "At least ako mukha lang tanga..Ikaw mukha kang bakla!" I spat back. Napahiya na nga ako, hihiyain pa niya ng husto. "What's happening here?" Nanigas ako ng marinig ang boses ni James. Nakatayo ito sa gitna namin ng babaeng katabi ko. "Baby, tinawag niya akong bakla..." Pagsusumbong nito kay James. Ewan ko ba kung bakit naisipan pa nito itong isama sa pagbabakasyon rito sa probinsya. "Uy, girl huwag kang magsisinungaling. Ang sabi ko, atleast ako, mukha lang tanga. Hindi kagaya mo, mukha kang bakla. Magkaiba yun, ha? Epal nito." Nakangusong sabi ko rito. "See, baby? Inulit pa talaga niya! That girl is so mean." Sabay turo sa akin na para bang nandidiri ito sa kagandahan ko. I am half-German, so hindi nakakadiri ang gandang taglay ko. "Hala ka! Ang arte nito. I am just a straight-forward person. At wala namang masama sa pagsasabi ng totoo." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Nasaan na ba yung kaibigan kong pintados? Tingin ko kasi ay kailangan ko ng resbak. "Tama na nga yan, Andrea. Umalis ka nalang dito kung wala kang gagawing matino. Dito ka lang, Baby. At huwag mo nalang patulan yang batang sutil na yan." Ang sakit naman magsalita ni James. At ipinagtanggol pa talaga ang babaeng 'to. "James naman…" Tawag ko sa pangalan nito habang nagpapapadyak ang paa. "Huwag mo akong ma-James James diyan Andrea. Kuya. Dapat kuya ang itawag mo sa akin dahil mas nakakatanda ako sayo." Pagtatama nito sa pagtawag ko sa kanya.  "Psshh, bakit kita tatawaging kuya, magiging asawa din naman kita." Bulong ko sa sarili ko.  Nagsimula akong maglakad papunta sa pintuan ng gym nang biglang umalog ang utak ko. "Aray!!!Hu-hu-hu, ouch!" Naiiyak kong sapo sa ulo kong natamaan ng bola. "Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." May lumapit sa aking guwapong manlalaro. Hindi pamilyar ang mukha, so I assume na dayo rin ito. "Dadalhin kita sa center." Inalalayan niya ako na tumayo. "Huwag na, ako nalang.” Paika-ika akong naglakad dahil medyo nahihilo pa rin ako. “No, I insist.” Patuloy pa rin ito sa pag-alalay sa akin. Ang gentleman talaga niya. “Hindi na, ilang kembot lang naman ang Health Center o.." Inginuso ko sa kanya ang Health Center. Tatawid lang ako ng kalsada at voila! Bahagya itong natawa sa sinabi ko. "Sean Pedron nga pala” Inilahad nito ang kamay sa akin. "Ako nga pala si Luzviminda Makatol. Nice meeting you." Seryoso kong sagot dito. “Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mong ipa-CT Scan ha? I'll pay for it!  Tumango lang naman ako bilang pagsagot. Naglakad ako papunta sa Health Center mag-isa. Ipinilig ko ang aking ulo ng ilang ulit nang may marinig akong nagsalita. "Hoy sutil, tigilan mo nga yan. Bakit kasi umalis ka pa doon sa upuan mo kanina? Ayan tuloy, ilang milyong brain cells na naman ang namatay diyan sa loob ng utak mo. Tsk!" Hindi ko talaga mawari kong pinangangaralan ba ako nito o kinukutya ang pagkatao ko. "Ikaw kaya ang nagpalayas sa akin doon sa inuupuan ko. Remind ko lang ha!?" Sarkastiko kong sagot kay James. Tumahimik ito at hinawakan ako sa braso. Dahil concern din naman pala ito sa akin nagkunwari akong nahihilo. Kaya parang isang sanggol, kinalong niya ako papunta sa clinic. “So far, okay naman siya based on our initial findings. But if magtuloy-tuloy ang pagsakit ng ulo ni Andrea, bumalik kayo rito so I can give you a referral.” Nakangiting paliwanag ng doctor na tumingin sa dalaga. “Thank you, Doc. We’ll go ahead na po.” Sabi naman ni James. Bumalik na kami doon sa open ground kung saan gaganapin ang announcement ng winner for the festival. Naghanap si James ng bench na pwede naming upuan. Pinili nito ang hindi masyadong matao para daw hindi ako mahilo lalo. Drum Rolling... And the winner for this Festival is... ...Tribu Kalalaw!!! Laglag ang balikat na lumapit sa amin si Kate. Talo ang sinalihan niyang pangkat o tribu. "Kainis naman! Akala namin kami na ang magiging champion, hindi pala." Himutok nito sa akin. "Di bale bes, madami ka namang pictures na kuha dito sa akin. May videos pa nga eh. I-upload mo sa sss malay mo imbitahang magperform ang Tribu Kalalaw sa Ellen DeGeneres Show. Diba mas bongga yun kesa sa first prize?" Sabi ko kay Kate habang busy ako sa pag-scroll ng mga pictures sa digital camera na hawak ko ngayon. "Ah ewan ko sayo." Tama bang sa akin ibunton ang galit sa pagkatalo nito. Wala tayong magagawa, life is not fair! "Kuya, uwi na tayo." Narinig kong sabi ni Kate kay James. “We’ll just wait for Baby –” Hindi pa ito natatapos magsalita ay dumating na si Baby. "Baby James… I'm tired na." Maarte nitong sabi kay James. Agad itong huwak sa braso ng lalaki. Kailangan kapag nagsasalita hihimasin ang braso ni James? Tapos hahawakan ang kamay? "Saglit lang Baby… Antayin natin si Manong Justine, tineks ko na, susunduin na daw tayo." Nagkunwari nalang akong busy sa pagtingin ng mga kuha kong pictures kanina. Pero ang totoo nag-iedit ako ng picture ni Baby sa Photogrid. Nilalagyan ko siya ng sungay at pangil.  "Luzviminda Makatol, kamusta na ang ulo mo?" Bigla nalang may nagsalita. Napa-angat tuloy ako ng mukha. Muntik nang mabilaukan ng iniinom nitong C2 ang kaibigan kong si Kate sa narinig niyang binanggit ni Sean na pangalan ko. Humagalpak ito ng tawa, yung tawa na wala ng bukas! "Okay lang naman na ako. So far so good, don’t worry about me." Nakangiting turan ko kay Sean. "Talaga?! That's nice to hear then. Can I invite you guys in our house? Doon na kayo mag-dinner." Hindi lang pala gentleman, mabait din. Nagkatinginan kami ni Kate at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi nito. “Kuya, Sean is inviting us. Tara G?” “Some other time nalang, Sean. Andrea needs to rest.” “Sayang. I’ll be back in Manila the day after tomorrow na pa naman.” Malungkot na turan ni Sean sa sinabi ni James. Sabi na nga ba at hindi siya taga-rito kaya hindi familiar ang mukha. Bumaling ito sa akin. “See you when I see nalang, Luzviminda.” Napangiwi ako sa sinabi nito. “Sorry, Sean. Julliana Andrea Henson ang pangalan ko.” Nakonsensya ako kaya naman nireveal ko na ang totoong pangalan ko. Ngumiti lamang ito ng matamis sa akin. “Kasing-ganda mo ang pangalan mo.” “Andeng, let’s go.” Sigaw ni Kate sa akin, nakaupo na ito sa loob ng sasakyan. Doon ko lamang napansin na mag-isa nalang pala ako habang nakikipag-usap kay Sean. Sumenyas ako kay Kate ng sandali lang. “Sean, we need to go. Nice meeting you.” “Same. Bye!” Paalam naman nito sa akin. Maaga akong nagising kinaumagahan. Excited na ako para sa swimming naming mamaya. "Kate, where's your Kuya?" Derecho akong pumasok sa kwarto nito. As usual, busy na naman ito sa pagbabasa ng mga downloaded novels online. "Don't ask me, can't you see I'm busy? Marami pa akong ibang bagay na gagawin kaya pwede ba ‘wag mo muna akong istorbohin?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kung hindi ko pa alam nakuha na naman niya ang linyang yan sa binabasang nobela. "Asan si Baby?" Baby pala talaga ang pangalan ni Baby. Pero dahil echusera siyang palaka Baby James ang tawag niya sa Honeypie Sugarbunch ko para siyempre mapagkamalan silang mag-jowa. And speaking of dyowa wala talagang namamagitan sa kanila. And that only means may pag-asa pa talaga ako kay James. "Andun sa likod ng bahay nakatunghay sa abs ng Kuya ko." Walang tinginang sagot nito sa akin. Ako naman ay dali-daling pumunta sa may likod-bahay nila upang masilayan ang abs na sinasabi ni Kate. "Why are you here?" Pumipilantik ang kamay na tanong sa akin ni Baby Marga Bartolome pero itago natin siya sa pangalang BB. Galing ito sa paghawak ng uling. Mukhang mag-iihaw yata sila ng isda. "Bakit may restraining order baa ko para hindi ka malapitan?" Tanong ko rito. For sure, asar na naman ito sa kagandahan ko. Sino ba naman ang hindi maiibyerna sa akin? I am wearing my award-winning floral dress. Simula ng umuwi si James dito sa province, pang-apat na beses ko na itong naisuot. "Wala." Sagot nito. Ang sama-sama talaga ng tingin sa akin. Pero kiber lang ako sa attitude nito. "May dumi ka sa mukha mo." Sabi ko rito kapagkuwan. Na-concious yata ang loka kaya nagpunas ito ng mukha gamit ang may uling na kamay. See? Madumi na talaga ang mukha niya ngayon. "Hoy! Sutil bakit andito ka na naman?" Sigaw ni James sa akin. Tumigil ito sa paghahakot ng mga kahoy. Hindi naman totoong nakalabas ang abs nito dahil nakasuot ito ng puting Hanes na sando. "Dinalhan kita ng minatamis." Pabebeng sagot ko dito. Hinawi ko ang mahaba at straight kong buhok na para bang nasa commercial ako ng Rejoice. "Anong klaseng minatamis ba yan?" Tanong ni James sa akin habang papalapit sa akin. Alam kong mahilig siya sa mga ganitong lutuin. "Minatamis na pag-ibig ko para sayo." Sagot ko naman sa kanya. Tumawa ito. Halos mapanganga ako habang nakatingin sa masayang mukha ni James. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nalalove at first sight sa kanya. “Masarap ba yang minatamis mo?” Inabot nito sa akin ang tupperware na pinaglagayan ko ng minatamis na saging. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. “Dinamihan ko na para naman mabusog ka ng husto.” “Tamang-tama para may minatamis tayong baon mamaya.” Nagkayayaan kasing maligo ang basketball team at kasama din kami. Nakakalungkot lang kasi dahil next week babalik nang muli si James sa Manila.  Nauna na kaming pumunta sa beach ni Kate. Naka-racer back sando kami at swimming shorts. Siyempre dahil BFF kami magkapareho ang suot namin ngunit magkaiba naman ang kulay. Kung titingnan ay para kaming kambal, si B1 at B2 - Babaita#1 at Babaita#2.  "Ostrich ka ba?" Nagising ang natutulog kong kagandahan sa tanong ng aking kaibigan na nag-fofloating sa harapan ko. "Bakeet????" Sinakyan ko naman ang trip nito. "Kasi ang haba ng leeg mo e.." Sinimangutan ko siya. Kanina ko pa kasi tinatanaw si James at Baby. Saan na naman kaya nagpunta ang mga ito? Aba’y dalawang oras na kaming pabalik-balik sa paglangoy ni Kate pero wala pa rin sila. Hindi naman sa wala akong tiwala kay James. Nakapagtataka lang talaga. Malungkot na nilingon ko si Kate. Ang bruha nasa malalim na bahagi na pala. Nakuha ang atensyon ko ng mga lalaking miyembro ng Tribu Kalalaw na nagkukumpulan sa di kalayuan. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito. At dahil usyusera ako ay lumangoy ako palapit sa kanila. "Wow! Ang kinis niya pre." Sabi Burnok. "Ang seksi pre…" "Chicks na chicks, hanep!"  "Ang puti pati ng singit." May mga pumito pa. Sinundan ko ang direksyon ng titiningnan ng mga ito. My eyes widened! Gosh! The nerve! Talipandas! Malandi! Bakit? "Wow, sexy! Baby, sasali ka ba ng bikini body contest?" Sarkastikong tanong ko rito. Hindi ko talaga maitago ang aking pagka-inis. Nakasuot kasi ito ng two-piece lang! Wala man lang towel, robe or whatever?! Dios mio, Marimar! Hindi man lang nahiya sa mga lalaking kasama naming naliligo. Haler, province kaya ito? Dapat modest lang siya. Inirapan lamang ako nito at patuloy ang pagtampisaw sa tubig na akala mo ay nasa pelikula. Ang mga lalaking kurimaw naman ay pumaikot rito at nakitampisaw na rin. Gusto talaga niyang maging center of attraction palagi. Artista lang? Nagkasya na lamang akong umupo sa dalampasigan at naglaro ng buhangin. “Boys, later naman. Napagod na ako.”  Napasimangot ako lalo sa sinabi ni Baby. Umahon ito sa dagat ng makitang paparating si James. Kailangan talagang ipakita kay James ang balingkinitan nitong katawan? Next time talaga magsusuot na din ako ng two-piece para mapansin ni James na hindi hamak na mas maganda ang katawan ko sa kanya. Nakangiting sumalubong naman si James sa babae. "Here, use this." Inabot nito ang nakalatag na pink na tuwalya na kinuha nito sa batuhan. Nanlaki ang mga mata ko. The towel looks familiar and I saw the embroidered name on it. "Hoy! Tuwalya ko yan ahh!" Sita ko kay James. The nerve na ipagamit kay Baby ang aking tuwalya. "Ipagamit mo muna sa kanya, nilalamig na eh!" Sagot ni James. Nginisihan ako ni Baby dahil sa sinabi nito. So, feeling niya sobrang concern si James sa kanya? Fishtea siya! Nagngingitngit akong napahalukipkip sa harapan nila. "Hindi pwede! Hindi na ako maliligo. At tsaka uuwi na rin ako sa bahay. Akina na sabi yang towel ko e…" "Tsh! Ang kulit mo talaga. Etong towel ko nalang ang gamitin mo.."Sabay abot ng puting towel nito sa akin. Agad ko iyong inabot dahil nakatingin sa towel si Baby. Sa akin ipinahiram kaya ako ang gagamit. Dali-dali ko iyong ipinaikot sa aking katawan at naglakad papunta sa cottage.   "Oh, bakit ka nakasimangot diyan?" Broken-hearted ako dahil kay Baby at James. I saw the two of them kissing earlier. "Hindi ko talaga kasi matanggap na wala na kami ni James…" "Eh wala naman talagang kayo in the first place." "Kaibigan ba kita, Kate?" "Oo kaya nga sinasabi ko sayo ang totoo." "Ah basta! Si James ay para sa'kin lang…" "Cant't you see, ayaw sayo ni Kuya. Why don’t you find someone our age?" Sumimangot ako sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang age gap namin ni James. He’s just 20. Tapos ako naman ay sixteen years old. Actually, ilang buwan nalang ay seventeen na ako. "Hindi siya pwedeng bumalik ng Maynila na hindi ako ang girlfriend niya?" "Good luck!" "Talaga!" Dahil naiinis ako kay Kate kaya umexit na ako. "Kate, bakit wala ang Kuya mo dito?" Pasimple ko itong siniko. Kasi hindi ko makita si James kung saan ko sila iniwan kanina. Kaya naman bumalik ako itanong dito sa kaibigan kong busy na naman sa cellphone niya. "Aba, ma at pa! Tanungan ba ako ng nawawalang tupa?" "Hindi nga? Nasaan ang kuya mo?" Patuloy na pangungulit ko rito. "Hindi ko nga po alam. Diba tayong dalawa ang magkasama rito kanina?" "Nagsisinungaling ka.” Tumingin ito sa akin ng nakakunot ang nuo habang nakanguso. “Kasi nanlalaki ang mga butas ng ilong mo. Kaya hindi ako naniniwala sayo.” "Bakit ba kasi pinipilit mo ang sarili mo sa Kuya ko? Hindi ka nga niya gusto, bes." Napipika nitong sabi sa akin. Ano bang nangyayari at masyado yatang hot si Kate ngayon? Ah, baka paparating na ang regla. Naglakad ako sa di kalayauan mula sa lugar kung saan sila naglalanguyan kanina. Tinanggal ko ang balabal na suot ko. Sayang naman ang one-piece swimsuit na suot ko. Nagpalit ako ng panligo kanina. Ang seksi ko pa naman ngayong gabi. Nag-effort ako para sa wala. Wala pang isang oras ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa malapit. Dala ng pagiging tsismosa ay lumapit ako sa pinanggalingan ng ingay. Dahil sa liwanag ng buwan nakita ko ang dalawang pigura naghahalikan. Biglang kumawala sa pagkakayakap sa lalaki. "Anong gagawin natin? Buntis ako." Narinig kong sabi ng babae. Nanigas ako ng makikilala ang nagsasalita. Walang iba kundi ang aking karibal sa puso ni James. Bigla nalang ay parang sinakmal ng kung ano ang puso ko. Buntis si Baby? At si James ang ama? Hindi ako prepared sa rebelasyong nalaman ngayong gabi kaya naman tumakbo ako paalis sa lugar. Nararamdaman ko ang hindi maipaliwanag na sakit sa aking dibdib. Ang dami-daming bagay na tumatakbo sa isip ko ng bigla nalang akong may mabunggo. Isang matigas at mabangong dibdib ang sumalubong sa aking mukha. "Bakit ka tumatakbo, sutil?" Napayakap ito sa akin dahil sa lakas ng impact. "Kasi…” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ng mapagtantong si James ang aking nakabungguan. “Bakit ka nandito?" “Dapat ba wala ako rito?” Naguguluhang tanong nito sa akin. Kung andito si James kasama ko. Sino ang kahalikan at nakabuntis kay Baby? “Sabi kasi ni Kate hinahanap mo daw ako. Umuwi na siya kaya ibinilin ka sa akin. Saan ka ba nagsususuot at para kang hinahabol ng sampung kabayo?" “Naniniwala ka ba sa shape-shifter?" Tanong ko. “Hindi naman totoo yun. Ano bang klase ng tanong yan?” Natatawa na ito sa akin. “Hindi kayo magkasama ni Baby?” Tanong ko uli dito. Naguguluhan na kasi ako. “Hindi. Dumating si Allan kanina. Baka magkasama silang dalawa ngayon somewhere.” “Sino si Allan?” Wala kasi akong ideya kung sino ang lalaking sinasabi nito. “Baby’s boyfriend.” I see. May boyfriend pala si Baby at hindi si James ang father ng baby nito. “Yung nakabuntis sa kanya?” I want to hear it from him. “Paano mo nalaman na buntis si Baby? Sekreto yun ah... Ikaw ha, nakikinig ka sa usapan ng matatanda.” “Narinig ko lang sila kanina. Akala ko nga ikaw ang nakabuntis kay Baby e.” “Wala kaming relasyon. At tsaka hindi ako sang-ayon sa pre-marital sex.” Tumatawa nitong sabi. Nakakahiya naman. Mega-drama pa naman ako kanina. Nalinawan na ako sa lahat. At napahiya ako sa sarili ko. Akma na akong maglalakad pabalik sa cottage ng bigla nito akong hilahin pabalik. “Hoy, saan kana naman pupunta?” hinila ako nito sa braso. “Babalik sa cottage. Tapos uuwi na sa bahay.” "Nang ganyan ang suot mo?" Para itong nasamid matapos pasadahan ng tingin ang suot ko. "Oo, ano pa ba?" Tinarayan ko ito para makabawi pagkahiya. Hinubad nito ang suot na t-shirt at pinasuot sa akin. “Bakit kailangan itago ang katawan ko. Eh, seksi naman.” Kahit pa ang totoo ay napaka-payat ko. “Alam kong ginagawa mo yan para sa akin.” Nauna itong umupo sa buhanginan. “Hindi kaya…” Nakangusong sagot ko rito. “Crush mo ko?” Kahit hindi ganoon kaliwanag ang paligid, alam kong namumula ako sa tanong niya. “Pa-fall ka kasi.” I murmured. “Hindi ako pa-fall. I'm just respecting you. You're just sixteen and I am already twenty. Ano nalang ang sasabihin nila kung papatulan kita? That I am a cradle snatcher? Plus, you’re Kate’s bestfriend.” “But I really like you, James. Mahal na nga yata kita.” “Gusto din naman kita. I am also attracted to you. It is because I know how to appreciate beauty. Masyado ka pang bata para malaman kung ano ang pagmamahal sa paghanga. It’s just a puppy love, I guess. Magbabago pa ‘yang nararamdaman mo. Marami kapang makikilalang lalaki na hihigit sa pagkagusto mo akin. So, I hope you understand me.”  “Hindi naman ikaw ang nakakaramdam nito.” Wala sa sariling hinawakan ko ang aking dibdib. “I maybe young but I know what I feel. Huwag mo naman sana husgahan ‘yun nararamdaman ko para sayo, James.” “No, I’m not judging your feelings. Ang sinasabi ko lang ay masyado pang maaga para sabihin mo iyon. I don’t want you to regret someday. Mas maganda siguro kong mag-aaral ka muna. Tapos ako, I’ll focus on my career. Sana naiintindihan mo, I am just thinking that it’s better if we focus on our goals in life first. Let’s not be impulsive. You must learn to differentiate love from like. That’s two different word.” Malungkot akong tumango sa sinabi ni James. He opened my eyes with what he said. And I started to doubt my feelings for him, too. Ayaw ko din namang malagay sa isang alanganing sitwasyon at ikompromiso ang sarili kong kaligayahan dahil sa pagiging impulsive ko. “Let's make a truce...” he said after a long silence. “Anong truce?” “Let's meet here after five years. Kapag ako pa rin ang gusto mo, pakakasalan kita dito mismo." Nakangiti ito at tila nangangarap. Ayan ka na naman self, nag-aasume ng kung ano-ano. Kung hindi ako namulat sa reyalidad baka namilipit na ako sa kilig. I met his eyes and smiled at him sweetly. Sana nga siya pa rin ang gusto ko pagkatapos ng limang taon. Dahil as of this moment, siya pa rin ang one and only ko. And on that one shameful summer, I realized one thing.  Huwag magpapa-uto. Dahil hindi lahat ng pangako ay natutupad.  Kagaya ng pangako ni James Del Prado sa akin five years ago. Dahil nga isa akong certified uto-uto bumalik ako doon sa beach, on the same date after five years. But he didn’t show up. Kaya nga nagdesisyon na akong mag-move on nalang. And I did. Napagtanto ko kasing napaka-gullible ko para maniwala sa mga sinabi ni James noon sa akin. Ang ipinagdarasal ko nalang ngayon ay sana hindi na mag-krus ang landas naming dalawa, ever!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

Owned by Shade (TAGALOG-R-18)

read
228.4K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook