SEVEN YEARS LATER.
Ang bilis nga naman talaga lumipas ng panahon. I am now a public-school teacher. Sumasahod ng nakakasapat para sa aming dalawa ni nanay. Level up na rin pala si Nanay Lourdes ngayon dahil meron na itong mini grocery store sa ibaba ng bahay namin. Yes, you heard it right. Up and down na ang bahay namin ni inay. Ginawang grocery store yung nasa ibaba at ang itaas ang nagsisilbi naming bahay. Marami ng nabago sa buhay ko simula noong pitong taon na ang nakakaraan.
“Pabili po! Pabili po!” Paulit-ulit na sigaw mula sa ibaba.
Nagulantang ako sa aking pagmumuni-muni kaya mabilis akong bumaba sa hagdanan upang puntahan ang bumibili sa aming munting grocery store. Wala si Mudra Lourdes dahil namalengke ito. At syempre dahil Sabado ngayon kaya ako muna ang nakatokang magbantay ng tindahan.
“Sandali!” Pasigaw na sagot ko sa makulit na bumibili.
“Pabili po! Pabili po!” Ulit na sigaw ng batang nasa harapan ng tindahan nang makita ako.
“Ano ‘yun, Champoy?” Tanong ko sa batang bumibili.
“Pabili po ako ng isang Muncher.” Sabay turo sa tig-pipisong chichirya na nakasabit.
“Yun lang ba?” Tanong ko sa bata. Tumango naman ito at inabot sa akin ang pisong hawak nito.
Napangiti ako ng makaalis ang batang lalaki. Tiningnan ko ang aking paligid.
Parang kailan lang ako ang bumibili at nangungutang sa tindahan ni Aling Luzviminda noon. Ngayon ako na ang nakukunsumi sa mga pautang ni inay.
Nabasa niyo naman di ba, pitong taon na ang lumipas. Masaya na ako mga friends, nag-move on na nga kasi ako. Tinanggap ko na talaga sa sarili ko na kung hindi ukol, ay sadyang hindi bubukol.
Nakakahiya man aminin na sa batang edad ay lumandi na ako. Or maybe, he was right. It's just a puppy love. O baka nga simpleng pagka-crush lang on my part. Pero dahil nga bata pa ako at walang karanasan sa buhay pag-ibig, nagoyo ako.
But anyways, let’s not talk about him. Magkaibang tao na yata kasi kami ngayon. I heard from a reliable source that after his graduation ay lumipad ito papuntang Dubai. Businessman na yata at mayaman na. I am not sure though, because I am not interested anymore.
Bakit pa ako magkakainteres sa kanya kung nakita ko na si the one. Yeah, you heard it right. I’ve found my true love already. Isa siyang magaling na enhinyero at galing sa buena familia ng mga Pilapil dito sa amin lugar. His name is Engr. Phil Pilapil, 25 years old, gwapo, matangkad at moreno. Kung inisnob ni James ang kagandahan ko noon, hinabol-habol naman ako ni Phil.
Ang haba ng hair ko di ba?
So, ayun na nga. Phil and I met last two years ago. I attended a baptism and both of us are invited us godparents. After we are introduced to each other ay hindi na ako tinantanan nito. He keeps on sending milk tea, fries and burger in school where I am teaching. Siyempre, may flowers at chocolates din. Aside from Phil being so generous, he is also a perfect gentleman. And because of that, sinagot ko siya ng walang pag-aatubili at pag-aalinlangan.
Isang taon na kaming mag-boyfriend. Our relationship seems to be perfect, the reason why we decided to take it to the next level. Dahil six months from now ay ikakasal na kaming dalawa. And I am so excited for that day to happen. So sa sobrang excitement ko, I can’t help to get teary-eyed every time.
Nagulantang ako mula sa aking pagrereminisce. Someone is calling me kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag.
Napangiti ako. It’s my fiancé. “Hello, bi.”
“Hi, bi! Nandito na ako sa labas ng school. Are you ready?” Ani si Phil sa kabilang linya. He never fails me. Everyday ay sinusundo ako nito maliban nalang kapag sobrang busy na siya.
Phil is the one handling their family business kaya madalas ay busy talaga ang fiancé ko. But in times that he cannot fetch me ay nagpapadala ito ng driver na magsusundo sa akin. And it makes him the sweetest boyfriend in town. Kaya hindi na ako nagtataka na may naiinis sa aking isang impakta.
“Yes, bi. Huwag kana pumasok dito, antayin mo nalang ako diyan,” sabi ko rito habang isinusukbit ang bag ko sa balikat. Inabot ko sa na rin ang plastic envelope sa may mesa.
“Okay, bi. Take care.” Napangiti ako sa narinig. He is so thoughtful to me.
Phil is a perfect boyfriend sabi nila. But I guess, it’s true. Wala na talaga akong hahanapin pa sa lalaking pakakasalan ko. He is the epitome of a perfect husband.
“May date na naman si Teacher Andrea.” Tudyo ng isang co-teacher ko.
“Parang di kana nasanay kay teach. Ikakasal na sila kaya naman busy palagi.” Segunda naman ng isang co-teacher ko.
“Kayo talaga. Walang date mga teach, Phil’s mother invited me for dinner kasi may ididiscuss daw regarding our wedding.” Sagot ko naman. But deep inside my heart I am so proud of my relationship with Phil.
Para daw kasi akong Cinderella na nakabingwit ng isang mayamang prinsipe.
“Nakakainggit ka naman, Andrea.”
“Bakit naman po?” Natatawang tanong ko. Hindi dapat silang mainggit sa akin. I just got lucky I have found someone good enough for me.
“Bihira ang nakakasundo ang mga biyenan ha. Botong-boto talaga ang mother-in-law mo sayo.” Ngumiti nalang ako bilang sagot sa sinabi ni Teacher Lai. Totoo naman kasi. Phil’s mom loved me so much. And I am beyond blessed because of that.
“And I am so grateful because of that. Bye, mga teach! Mauna na ako at baka naiinip na ang aking future mister.”
Paglabas ko ng eskwelahan ay agad akong nilapitan ni Phil at kinuha ang aking dalahin. Binuksan nito ang pinto ng kotse at kinabitan na rin ako nito ng seat belt.
“Thank you.” I mouthed to him.
Ngumiti lamang ito sa akin matapos akong kintalan ng halik sa labi.
“How was your day?” I asked him. Ganito palagi ang scenario naming dalawa. I always ask him about his day and vice versa.
“Oh, I guess today is a lucky day. I got a new investor. Luluwas ako next week para makipag-usap sa kanya sa Manila.”
“That’s nice to hear. God really heard your prayers. You deserve it for being a good son to your parents.” Hindi naman kasi kaila sa akin na may kaunting problema sa family business nina Phil ngayon. At ang responsible fiancé ko ay ginagawa ang lahat para ma-solve ang problemang iyon.
“Yeah. Susunduin ko na rin si Sarah Jane. Mom is so worried about her. Nag-resign na naman daw sa trabaho niya.” Phil is referring to her older sister. “I will convince her to work in the company. In that way, maiintindihan niya kung paano ang magpatakbo ng isang kompanya. I want to focus on my own career and business after our marriage. Now that we are going to start a family, I think I also deserve a break from our family business. Para naman habang bumubuo tayo ng pamilya ay kasabay na lumalago ang sarili nating negosyo.”
See? Who wouldn’t fall in love to this kind of man? I admire Phil for being ambitious. ‘Yun kapag may gusto siyang abutin ay ginagawa niya ang lahat para makuha ito.
“Sana naman pumayag na siya this time.” I am referring to Sarah Jane, his older sister na spoiled brat.
“Kung hindi siya magtatrabaho, paano niya tutustusan ang luho niya?”
“She can always have money if she wanted.” Sagot ko naman.
“She will. Kung magtatrabaho siya ng matino.” Seryosong sagot nito sa akin.
“Well, I think nag-mature na rin naman siya kahit papaano.” Twice ko palang na-meet si Sarah Jane but I can see that she’s totally different from his brother. Kung gaano kaseryoso sa buhay si Phil, ganoon naman ka-easy go lucky ang ate nito.
“I don’t think so, bi. Mukhang wala ng pag-asa na magbago ang aking kapatid.”
“Don’t say that. Walang constant sa mundo kundi change, bi”, ginagap ko ang isa niyang kamay at marahang pinisil iyon. “Alam ko and I can feel it. Marerealize din ng kapatid mo na oras na para magseryoso sa buhay.”
“Thank you, bi for always being there for me. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka.” Ginagap nito ang aking kamay at hinalikan.
“Ano ka ba, don’t mention it, bi. Magiging mag-asawa na tayo kaya natural lang na magtulungan tayong dalawa.”
“By the way, bi. I have some good news for you.”
“Ano yun, bi?”
“May nahanap na akong pwedeng mag-sub kay Kate for our entourage.”
Yes, Kate, my bestfriend couldn’t make it because she is working abroad as a wildlife photographer. Kung saan-saang bansa kasi ito nadedestino kaya naman hindi nito hawak ang kanyang oras. Kasisimula lang ng panibagong kontrata nito kaya naman hindi ito makapag-leave. I am sad but what can I do?
“Sino?”
“You know her already. Lyda offered herself to me.” Parang mali yata ang dinig ko sa sinabi ng fiancé ko. But then, he corrected it. “I mean, she offered herself to be the substitute of your bestfriend. I think it’s okay because she is your co-teacher at close naman daw kayo.”
“Wala na bang iba, bi?” Imbyerna kasi ako kay Lyda Magtulis na iyon. Actually, ni hind inga kami nag-uusap ng babaeng iyon.
“You don’t want her? But mom already included Lyda on the list.”
“Baka pwedeng si Teacher Lai nalang.” Ito kasi ang pinaka-close kong co-teacher.
“Kausapin ko nalang ang mommy mo.”
“The program and invitations were already printed this afternoon. But we can re-print the invitations if you really don’t like Lyda.”
“Huwag na at baka ma-sad ang mom mo. Okay na ako. By the way, how did you know Lyda in the first place?” Nagtataka lang kasi ako kung paano silang nagkakilala samantalang wala akong maalalang initroduce ko sila sa isa’t-isa.
“Oh, I forgot to mention to you, inaanak siya ni mommy sa binyag.” Kaya naman pala hindi na ako natanong pa ng mommy nito regarding sa entourage. Well, busy din naman kasi talaga ako sa aking trabaho kaya hindi ako makapag hands-on sa preparation ng aming nalalapit na kasal. Phil's mother took charge of everything and I couldn't be more thankful about it.
“I see.” Atleast pala related sa kanila. Kahit paano ay naibsan ang inis na nararamdaman ko towards Lyda.