KABANATA 2

1661 Words
Kahit naimbyerna ako kanina sa usapan naming dalawa ni Phil regarding Lyda ay nakangiti pa rin akong bumaba. Agad akong sinalubong ng yakap at beso ng ina nitong si Mrs. Precious Pilapil. “Danilo, come here. Nandito na ang mamanugangin natin.” Tuwang-tuwang tawag nito sa asawa. Agad akong lumapit sa lalaki upang makapag-mano. “Magandang gabi po, Tito and Tita!” Masiglang pagbati ko naman sa mag-asawa. “Magandang gabi rin, hija.” Sagot naman ng ama ni Phil. “Galing pa ba kayo sa paaralan niyan?” “Opo, tito. Sinundo po ako ni Phil.” “Parang gusto na talagang magtampo sa iyo, Andrea. Until now hindi mo pa rin kami tinatawag na mommy and daddy.” “Nakakahiya naman po kasi kung tatawagin ko kayong mommy and daddy gayung hindi pa naman po kami kasal ni Phil.” Matagal na niya akong pinipilit na ituring silang sariling magulang niya. Okay lang naman sa akin. Ang hindi okay sa akin ay ang tawagin silang mom and dad na hindi pa kami naikakasal ni Phil. Napatingin sa akin si Phil. Lumapit ito sa ina at inakbayan. “Mom, in time magiging anak mo na rin si Andrea. We will be sharing our surname with her in months’ time. Let’s respect her decision, kaunting tiis nalang naman.”   Napalabi naman ang ginang sa sinabi ng anak. “I cannot wait for that to happen. O siya, let’s get inside the house na.” After our early dinner ay pumunta kami sa living room upang pag-usapan ang iilang detalye para sa nalalapit naming kasal. “Hija, kanino mo gustong magpagawa ng traje de boda mo?” “Baka po umorder nalang po ako sa Lazada, tita. Magaganda naman yung mga nadoon. Tapos ipapa-alter ko nalang kay Manang Cely. Atleast, makakatipid tayo sa gastusin. Actually po, may na-add to cart na ako. Gusto niyo po bang makita?” Kinuha ko ang aking cellphone at pumunta sa app. Pero bago ko pa maipakita sa in ani Phil ang wedding gown na inadd to cart ko ay umiling-iling na ito. “No. Hindi maaari yang gusto mo, hija. Ano nalang ang sasabihin ng mga amiga ko? Doon tayo pupunta kay Jayme Ochoa na dating assistant ni Rajo Laurel. Doon nagpagawa ng gown ang anak ng aking amiga. I’ll set an appointment with her. Don’t worry about the gastos because I will pay for it.” “Pero tita, okay lang naman sa akin na hindi gaanong bonggang gown. Ang importante lang naman po sa akin ay makasal kaming dalawa ni Phil.” “Yeah, it’s sweet to hear, hija. But I am telling you, once ka lang ikakasal kaya dapat memorable iyon. Huwag alalahanin ang gastos, we can handle it if you want.” Luminga ako para sana hanapin si Phil. “By the way, okay lang ba sayo na blue-green ang napili kong motif? The color is nice and it has a cooling effect in the eyes.” Tumango ako. Akala ko ba lavender ang magiging motif ayon kay Phil. “So, hindi na po lavender?” “Masyado kasing common iyon, hija. Mukhang hindi ka na-update ng anak ko regarding that matter. But now that you knew already, okay lang ba sayo?” “Sabagay po, masyado nan gang common ang lavender.” Sang-ayon ko. “Pwede po ba akong manghingi ng kopya ng invitation?” Naalala ko kasi ang sinabi ni Phil sa akin. “It’s not yet done kasi naghahanap pa ako ng magandang design para sa invitation. I want it to be unique. Hindi ko gusto ang card style invitation na ‘yan. But if you have any suggestion, you can tell me.” Napangiwi ako. Yun totoo, tita? Kayo po ba ang ikakasal? Piping tanong ko sa sarili. “Kayo na pong bahala, tita.” May kinuha itong papel at iniabot sa akin. “Listahan yan ng mga sponsors at entourage. You can check it but I already finalize the list. Natawagan ko na rin sila and all of them confirmed. The only one who cannot attend is your bestfriend Kate. Lucky for us because your co-teacher who happens to be my goddaughter is available.” Proud na proud pa na kwento ni Mrs. Pilapil. Hindi ko alam kung mangingiti ako o sisimangot. Agad kong ibinaba ang papel. “Thank you talaga, tita, for all the efforts.” “Don’t mention it. I am so happy to do this. And I am glad that I can help you, guys.” “Excuse me lang po, tita. Can I go to the comfort room?” “Of course, hija. Suit yourself.” Malambing na sagot nito sa akin. Hindi naman talaga totoong naiihi ako or what. Gusto ko lang naman hanapin si Phil. Matapos niya kasi kaming iwanan ng mommy niya kanina ay hindi pa bumabalik. Nagpaalam ito dahil may importanteng tawag na sasagutin. “Ate, nakita niyo po ba si Phil?” Tanong ko sa nakasalubong na katulong. “Nasa library po kanina, Ma’am.” “Saan banda ang library?” I asked the maid again. Sa buong durasyon ng aming relasyon ni Phil ay iilang beses palang akong nakapunta rito sa bahay nila. Madalas kasi ay nasa bayan ito at may sariling condo unit siya doon. “Thank you, ate.” Sabi ko sa katulong matapos niya akong ihatid sa library. Hindi na ako kumatok pa dahil nakaawang nabukas naman ang pintuan. Sa loob ay naririnig ko ang boses ni Phil. “Let’s meet again tomorrow. Yeah, same place. No, of course not.” Dahil nakatalikod si Phil sa pintuan kung kaya hindi niya ako nakikitang papalapit. Agad itong napalingon ng idantay ko ang aking kamay sa magkabilang balikat nito. “Hey, man. Call you later. Bye!” Paalam nito sa nasa kabilang linya. He then put his phone inside his jeans pocket. “Tapos na kayong mag-brain storm ni mommy?” “Yeah, pwede mo na ba akong ihatid pauwi? Baka kasi gabihin tayo sa daan. Tiyak magagalit na naman si inay sa akin.” Nagpaalam naman ako kanina sa nanay na baka gabihin kami ni Phil. Ang ayaw pa naman sa lahat ni inay ay ang umuuwi ako ng before 9 ng gabi. “Of course, bi. Paalam lang tayo kay mommy and then we’ll go. Ayoko rin naman na ma-bad shot sa inay.” “Hindi kana nasanay kay nanay. Sadyang ganoon lang iyon pero pasasaan ba’t aamo rin siya sayo. Kapag kasal na tayo, hindi na makakaangal si inay.” Unang beses ko palang kasing ipinakilala si Phil sa inay ay parang ayaw na niya rito. May aura daw kasi itong “babaero”. Pero pinatunayan ng aking fiancé na hindi siya ganoong klase ng tao. Kaya nga hanggang ngayon maingat kaming dalawa sa mga galaw namin. Dahil pareho naman kaming of legal age at mature mag-isip, nirerespeto namin ang isa’t-isa. “O, bakit hindi na bumaba ang nobyo mo?” Iyon agad ang bungad sa akin ni nanay. “Ako po ang nagsabing huwag nang bumaba para hindi siya gabihin sa pag-uwi.” “Ang sabihin mo, ayaw niya talagang bumaba dahil nakaabang ako rito.” Parungit ni inay sa akin. “Si nanay talaga parang laging may regla. Diba menopause kana?” Pag-iiba ko sa istorya. “Ako’y tigilan mo sa kagaganyan Andeng at baka hindi kita matantiya.” Hinila nito ang dulo ng buhok kong naka-ponytail. “Joke lang, nay. Nagagalit kana naman samantalang umabot naman ako sa curfew hours na itinakda mo.” Yumakap ako sa tagiliran nito. “Dapat lang! Dahil kung hindi ka dumating agad, palalayasin na kita sa pamamahay ko.” “Grabe ka naman, Aling Lourdes. Alalahanin mo ako ang nagpaayos ng bahay mo.” Natatawa kong sagot rito. “Huwag mo akong kwentahan, Andeng, dahil kung bibilangin ko lahat simula noong bata ka ay kulang pa ang pagpapagawa mo sa bahay na ito. Hindi ka na nahiya sa akin. Dinala kita ng walong buwan sa aking sinapupunan at yan lang ang igaganti mo? Aba, maghanap ka nalang ng bagong nanay mo!” Napakamot ako sa batok dahil sa sinabi nito. “Sorry na, nay! Ceasefire na tayong dalawa! Ikakasal na ako’t lahat ganyan pa rin ang litanya mo sa akin? Ibahin mo naman, nay.” Nakanguso kong sabi sa ina. “Ibahin? Ako pa talaga ang mag-aadjust para sayo? Nang iluwal kita sa mundong ito, ganito na talaga ako. Kaya kung ayaw mo sa ugali ko, lumayas ka!” “Papalayasin mo ako tapos susunduin mo rin naman.” Nagmamaktol na turan ko. “Aba, malamang! Inalagaan kita mula pagkabata tapos lalayasan mo lang ako?” “Ikaw naman ang may sabing lumayas ako.” “At susundin mo naman?” “Siyempre, nanay kita e. Lahat naman ng gusto mo sinusunod ko.” Lumamlam ang mga mata ni inay dahil sa sinabi ko. “So, ano ang napag-usapan niyo tungkol sa kasal ng biyenan mong hilaw?” “Wala naman masiyado. Ipinapasabi niya pala na dadaanan niya kayo rito bukas para sabay kayong magpasukat sa couturier.” “Bakit? Hindi ko ba kayang magpunta mag-isa sa mananahi?” “Baka may gusto rin siyang sabihin sa inyo. You know, bonding bonding din kayo pag may time.” Ang totoo kasi ay nagkainitan silang dalawa ni Mrs. Pilapil noong namanhikan ang pamilya nila rito sa bahay. “Sige. Mga anong oras ba? Dapat mga after lunch na.” Yumakap ako sa aking ina. Hindi ko inexpect na sasabay siya sa mommy ni Phil upang magpasukat.    “Okay lang ba sayo?” “May magagawa pa ba ako? Kung tunay na nagmamahalan kayo ni Phil, edi sige na!” “Hindi kana galit?” “Hindi ako magagalit basta maging masaya ka lang, anak.”          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD