KABANATA 3

2284 Words
“Kamusta po ang lakad niyo, nay?” tanong ko sa aking ina matapos magmano rito. Kagagaling lamang ng nito sa boutique para mag-fitting ng gown. Agad na tumulis ang nguso nito sa tanong ko. Mukhang hindi na naman maganda ang kinalabasan ng pagkikita nila ng kanyang future balae. Unang pagkikita palang ng dalawa ay parang aso’t pusa na ang mga ito. “Diktador ba ‘yang mommy ni Phil? Kamag-anak ba ‘yan ni Hiltler?” Sambakol ang mukha na tanong nito sa akin. “Bakit po?” Hindi pa man ay alam ko na ang ibig sabihin ng aking ina. Ngunit hinayaan ko na lamang ito na maglabas ng sama ng loob. “Aba’y, pati ba naman ang susuotin kong damit ay siya ang magdedesisyon? Ako ang magsusuot kaya ako ang masusunod kung anong desinyo ang gustuhin ko. Wala ba akong freedom to choose porke’t sila ang magbabayad?” Galit nitong turan. “Baka naman suggestion lang, nay? Huwag niyo na pong dibdibin at pagka-isipin pa.” “Hindi suggestion yun! May suggestion ba na ganito, “Yan ang piliin mo balae, nakakaputi ang kulay na iyan. Bagay na bagay sayo, nagmumukha kang mayaman.” Bahagya akong natawa ng gayahin nito ang pagsasalita ng ina ni Phil. “Panay pa ang remind sa akin na siya ang magbabayad sa damit na susuotin ko sa kasal niyo ni Phil. Bakit akala niya ba sa akin ay walang pambayad? Sabihin mo nga sa akin Andeng, ako ba ay minamaliit ng future mother-in-law mo?” Pagpapatuloy pa ng ina. Halos pumutok na ang ugat nito sa leeg sa sobrang inis. “Hindi naman po siguro ganoon, nay. Hayaan niyo po at kakausapin ko si Tita. Huminahon ka na po at baka tumaas pa ang alta presyon niyo.” Inabot ko rito ang isang basong tubig at hinimas ang likod. “Pasalamat siya at nag-iisa kitang anak. Dahil kung hindi, mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga ka. Hindi ko nais na mapabilang ka sa pamilya nila at sa paglipas ng panahon ay maging kagaya nila ang ugali. Aba’y may potential ka pa namang maging mapang-mata.” “Nay, naman. Akala ko ba mahal mo ako dahil nag-iisa mo akong anak? Pero bakit parang gusto mo naman akong itatwa?” “Mahal kita pero nagsasabi ako ng pawang katotohanan lamang.” “Hindi po ako magiging kagaya ni Tita Precious dahil hindi naman siya ang nagpalaki sa akin. Kalma ka lang. Ako ‘to, si Andeng na mahal na mahal mo.” Napasimangot ako. Hindi ko talaga mawari ang aking ina. Madalas talaga siyang maging basher kesa maging supporter. “Wala ka talagang ka-support support sa akin.” May panunumbat na sabi ko sa kanya. “Bakit ‘yun ama mo ba sinuportahan ka? Hindi. Huwag mo akong artehan dahil ako lamang ang tanging tao sa mundo na sumuporta sa lahat ng kaartehan mo sa buhay. Diba nga sumali ka sa Starstruck dati? Alam mo bang nangutang pa ako sa bombay para makaluwas tayo ng Manila? O anong nangyari? Ligwak ganern ka! Kaya tigilan mo ako sa drama mo dahil kahit anong gawin hindi na mababago ang perception ko sa mag-inang Pilapil.” Galit na galit na sabi nito. “Nay, kung galit kayo sa ina ni Phil, huwag niyo na po sanang idamay pa yun tao.” “Masama din ang kutob ko diyan sa mapapangasawa mo. Hindi porke mabait siya sa akin ay hindi ko maaamoy ang lansa ng pagkatao niya. Kaamoy siya ng ama mo! Kaya kung ako sayo pag-isipan mo yang pagpapakasal mo sa kanya.” “Napag-isipan ko na po. Final decision na po ito. I wanted to get married with Phil and build my own family with him. I love him, nay.” Hindi umimik ang ina sa sinabi ni Andrea. Nilapitan niya ito ay hinawakan ang kamay. “Ayaw niyo po bang makita ang magiging apo niyo sa akin?” Tinatantiya niya ang magiging reaksiyon ng ina. Napalabi ito sa sinabi ko. “Gusto ko. Pero kung ganoon naman kasama ang magiging mother-in-law mo mas mainam na lang na wala kesa naman makita kitang nahihirapan sa piling nila. At baka mamaya hindi ko man lang mahawakan o malapitan man lang ang apo ko dahil diyan sa matapobreng nanay ni Phil.” “Hindi naman po siya ang pakakasalan ko. Si Phil naman po. At tsaka kahit naman mag-asawa ako dapat magkasama tayo. Hindi naman pwedeng iwanan nalang kita basta rito. Package deal tayong dalawa e. Yan din yun sinabi mo dun sa matandang nanligaw sayo noong seven-year-old palang ako diba?” Pagpapaalala niya rito. Alam niya ang lahat ng sakripisyo ng ina niya para sa kanya kaya nga abot-abot ang pasasalamat niya rito. Tumango ang ina niya. “Syempre, hindi pwedeng ako lang. Dapat kasama ka.” “See? Package deal tayong dalawa. Una palang sinabi ko na kay Phil yun. At naiintindihan niya ako. Hindi niya makukuha si Andrea ng hindi kasama si Lourdes.” Lumamlam ang mga mata ng ina dahil sa sinabi ni Andrea. Ngumiti siya. Napangiti na din ito. “Magkasama tayo always, mother. Hindi porke mag-aasawa na ako ay iiwan na kita dito mag-isa. Siyempre isasama kita. Para kapag inapi nila ako may magtatanggol sa akin.” “Bodyguard lang ang peg ko sa buhay mo?” “Siyempre hindi. Ikaw ang mag-aalaga sa magiging mga anak ko. Gusto ko ikaw ang kasama nila kapag nagtatrabaho ako. Para sure na magiging mabuti silang bata kagaya ko.” Nag-peace sign na agada ko at baka humaba pa ang usapan namin ng ina ko. “At ginawa mo pa talaga akong yaya.” “Oh, diba sabi mo gusto mo ng apo? Wish granted na ang hiling mo! Bibigyan kita pero ikaw ang mag-aalaga.” “Pambihira ka talagang bata ka! Hindi na talaga natapos ang sakripisyo ko para sayo!” “Huwag kang mag-alala, mother. Babawi rin naman ako sayo. Dahil kapag tumanda kana at uugod-ugod, ako naman ang mag-aalaga sayo – kami ng mga apo mo.” “Siraulo ka talaga! Kaya pala aalilain mo ako dahil iniisip mong magpapaalaga din ako sayo.” “Wala po akong sinabing ganyan. Ikaw lang po ang nag-isip niyan.” “Hindi mo man direktang sinabi pero parang ganun na nga.” Anito habang hinahabol ang anak ng walis tambo. Pero bago pa man nito mapalo si Andrea ay nakatakbo na ito palayo sa kanya habang humahalakhak. “Bi, pinapasabi pala ni mommy na baka na-offend si nanay sa kanya. I’m sorry na daw agad. Masyado daw kasing sensitive ang mother mo kaya naman hindi daw naging maganda ang pagkikita nila kahapon.” As usual, sinundo na naman ako ni Phil kanina sa school. We are having an early dinner right now sa isang kilalang restaurant along the way. He is asking me to drop by at his condo pero hindi pwede dahil bad shot na naman ang pamilya Pilapil sa aking nanay. And that means, I have to be home before eight in the evening. “Yes, bi. Pakisabi na din sa mommy mo na talagang na-offend niya ang nanay ko.” “Really?” Parang hindi makapaniwalang tanong ni Phil sa akin. “What did nanay said to you?” Nagkibit-balikat lamang ako. “Nothing much. Gusto yata kasi ni Tita Precious na isukat lang ni nanay ang gown na gusto nito para rito. Hindi naman sila pareho ng taste ng mommy mo bi kaya nag-clash sila kahapon. At tsaka iba din kasia ang talas ng dila ng mommy mo. Lagi niya rin daw kasing nireremind si nanay na kayo ang magbabayad ng mga gowns. Don’t be offended, bi pero may pagka-matapobre rin kasi ang mother mo.” Nagulat ako sa naging reaksiyon nito. He laughed at me. “I’m sorry for that, bi. You should get used with mom especially when we get married. She’s just like that but she’s okay naman. You just need to learn how to oppose her all the time because she is completely a control freak. Pero kapag naman alam niyang hindi niya mapapasunod ang tao, she’s giving in.” “Pardon, bi. May sapak ba ang mommy mo?” “Of course, not. Basta ganoon lang talaga siya. So, I’m telling you already this side of my mother para naman aware ka.” “Thank you, bi.” Tumingkayad ako para humalik sa pisngi nito. This is what I like the most with Phil. We are open to each other. We can talk anything under the sun. Yun hindi ka mangingimi na sabihin sa kanya ang laman ng isip at puso mo. “I hope these things doesn’t change anything that we have for each other, bi.” He said while caressing my face. “Oo naman, bi. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahalang kumausap at mag-explain kay nanay. Tapos, you talk to tita na rin. Sana naman bago tayo ikasal magkasundo na sila. I cannot wait to be Mrs. Andrea Pilapil.” “Me, too. I cannot wait for it to happen.” Ginagap nito ang kamay ko. “You are my dream and finally you will be mine.” Tinampal ko siya sa braso. “Nakakainis ka! Why are you extra sweet tonight?” Alam na alam ko kapag ganito siya. May mga paandar na naman itong inihahanda. “Nothing.” Patay-malisya nitong sabi. “Bawal bang maging sweet sa mahal mo?” But the lights went dim inside the restaurant. “Ay, brownout!” Usal ko. “Nope. Look at the dance floor.” Sumunod naman ako sa sinabi nito. Napatakip ako ng bibig ng makita ang hugis-pusong ilaw sa sahig. Isa iyong malaking heart kung saan may mga talulot ng red roses na nakakalat sa loob. Unti-unti ang fine dining restaurant ay parang naging isang party venue na. “What’s that for?” Baling ko kay Phil na from ear to ear ang ngiti sa labi. “We are having our bachelorette and bachelor’s party together.” “What? Bakit may ganun pa?” Alam ko naman na may paganito ang mga mayayaman. Hindi ko lang inexpect na ganito kabongga. “Of course, bi. We should celebrate our last time of being singles.” “Ihh! Pero pwede ka naman mag-bachelor’s party ng separate, bi. Para naman makapag-enjoy kayo ng my friends mo.” “But it is much happier kung kasama ka at ang mga friends mo. Together with our family.” Agad kong inikot ang bawat sulok ng restaurant. Halos mga co-teachers ko, friends at family ni Phil pala ang nandoon. “Andito parents mo?” I asked him. He nodded. “Si nanay?” I asked again. “She’s with mom over there.” Turo niya sa kalapit na mesa. Ang mahadera kong nanay kung makabeso sa bagong dating na friends ni Tita Precious aakalain mong super close sila. “Magkagalit sila diba?” Tumawa ito. “Acting lang nila ‘yun. I already talked to them and settled everything. I told them my plan of surprising you. They wanted to surprise you, too. And here it is!” Iginaya niya ako patayo papunta sa mga ito. “Hi, nak! Mukha na ba akong sossy sa suot ko? O diba mas mukha akong alta kesa sa hilaw kong balae.” Bulong ng aking ina ng mag-beso sa akin. “Ang galing mong umarte, nay. Nakakainis ka!” “It’s a prank, anak! Na-surprise kaba? Pinaghandaan talaga namin ito para naman kahit papano ay makapagpaalam ka ng maayos sa pagiging single mo. Happy for you, anak.” “Thanks, nay. Huwag na kayong mag-aaway ulit ni Tita Precious, ha?” “Depende, anak. Pero tonight ceasefire muna. Pero kapag inalipusta ka niya at pinagmalupitan, bangs niya lang ang walang latay.” “Nay naman…” “Joke lang, nak.” Agad akong sumunod kay Phil sa table ng mga friends nito. He is smiling when he looks to me. “Bi, I invited my business partner to join us here. Is it okay with you?” Tukoy niya sa bagong business partner niya sa gagawing commercial complex sa bayan. “Of course, bi. I wanted to meet him also.” “You’ll like him, bi. He grew up here. I think you know him.” “Really? Baka naging schoolmate ko yan, bi?” “I think not. He’s way older than you.” “Okay, but I think I’ll recognize him…” “Wait for a while, bi. He is calling already baka nasa labas na.” “You want me to come with you?” “Just stay here and entertain the guests, I’ll be quick.” Pero thirty minutes na yata ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Phil kaya naman sinundan na niya ito sa labas. “O, nasaan na yung business partner mo bi?” “He just dropped by to tell me something important and after giving this to me he left.” Isang expandable envelope ang dala nito. “By the way, he has a gift for you.” Inabot nito ang isang paper bag sa akin. “How thoughtful. Pakisabi nalang sa business partner mo na salamat.” “Yeah, sure. Buti pa ikaw niregaluhan niya.” Akala mo naman ay totoong nagtatampo. “Mas malakas pala ako sa kanya.” Ganting-biro ko kay Phil. He chuckled. “He said, nagpapalakas daw siya sa magiging misis ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD