KABANATA 4

2440 Words
Kailangan ko talagang i-remind si Phil na pasalamatan ang business partner nito. The gift he gave me is a white gold necklace with my initials as a pendant. At nakakatuwa pa dahil initials ko na iyon as a married woman. JAHP in an italic design. “Ang ganda naman ng necklace ni Teacher Andrea. Siguro bigay ni Sir Phil yan.” Ginamit ko na kasi ang kwintas. Para kasing bagay na bagay siya sa akin. “Alam niyo andami niyong nakikita.” Sagot ko sa aking co-teacher na nakapansin sa suot kong kwintas. “This was a gift from a friend.” “Ay, taray! May friend na mayaman, beke nemen, teach?” “Business partner ni Phil. Sorry teach, may asawa na kasi iyon.” “Seyeng nemen! Paki-ask nga si Phil kung meron ba siyang friend na single?” “Marami naman, teach. Mga colleague niya sa firm.” Phil is currently working in their own construction firm at madami talaga itong mga kasamahang inhenyero at architects na single pa. “Gusto ko kasing gwapo at yaman din ni Sir Phil.” Ungot pa nito. “Nag-iisa lang yata si Phil, Teach. And he’s taken by me.” Nakangiting sagot ko. “Hindi naman nagkakalayo ang kagandahan nating dalawa Teacher Andrea pero bakit ikaw pa ang nakabingwit sa pihikang puso ni Engr. Phil Pilapil? And soon, itatali mo na siya sa’yo. Tapos na ang pangarap naming magkakahiwalay pa kayong dalawa.” Natatawa nalang ako sa exaggerated na kwento ng co-teacher kong si Abigail. “Mind you guys, mas madaling hulihin ang nakataling manok.” Sabat naman ni Teacher Lyda Magtulis na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. Napatingin ako Lyda. Nais kong malaman kung seryoso ba ito o nagbibiro lang sa sinabi niya. Ngumisi lamang ito sa akin. I don’t know with this woman but I don’t find her quite friendly when it comes to me. And to think na kasali siya sa entourage ko? “Teacher Lyda, matanong kita? Diba pag tinalian na ibig sabihin may may-ari na? So, ibig sabihin back off na. Tama po ba?” Tanong ni Teacher Lai sa co-teacher na si Lyda. “Why asking me? Ako ba yung nanghuhuli ng nakataling manok?” Padabog itong tumayo mula sa kinauupuang swivel chair. “Excuse me, I still have class to attend.” “Alam mo ang bitter talaga ng babaeng ‘yan when it comes to you.” Lumapit sa table ko si Teacher Abigail. “Inggit din naman ako sa beauty mo pero support naman ako sa kasalang Henson-Pilapil. Pero si ateng mo, taray!” “Naiinggit kasi magiging Mrs. Pilapil na si Andrea. Samantalang siya mistress of the year pa rin ang peg.” Panggagatong naman ni Teacher Lai. “Huwag naman tayong judgmental mga teach. Malay mo bad mood lang si Lyda kaya ganoon. At tsaka, inaanak siya ni Tita Precious. I know for sure that she’s happy for Phil and I.” “Ay wapak si Mrs. Pilapil to be, pang-Miss Congeniality ang peg. O siya sige, let’s stop thinking bad about Teacher Lyda. Dismiss na mga teachers at ako’y may last subject pa!” Natatawang sabi ni Teacher Abigail. Hindi na naman magkamayaw ang mga estudyante ko sa panunukso sa akin. Miski ako ay hindi rin masupil ang mga ngiti sa aking labi. Hawak ko ngayon ang isang bungkos ng sunflower na ipinadala ni Phil. Kasama niyon ang meryenda na binili niya sa isang fast food chain. “Uy, si maam kinikilig.” Tudyo ng isa kong estudyante. “Sanaol may flowers!” “Sanaol may dyowa!” “Kinikilig kami para sa’yo, maam.” “Bagay na bagay talaga kayo ni Sir Phil, maam.” “Class, quiet!” Saway ko sa mga ito. Dahan-dahan kong inilapag ang bulaklak sa lamesa katabi ng pagkain. “Let’s get back to our lesson.” Hindi ko naman nais na maeskandalo ang kabilang room dahil sa mga estudyante ko. Agad namang sumunod ang mga ito sa akin. This is what I admire to my students. Kapag kasi oras ng klase, klase lang. They don’t mixed playtime with the lessons. And as a teacher, I am blessed to have them all. Agad akong tumawag sa opisina ni Phil ng makauwi galing sa eskwelahan. “Can I talk to Phil?” Sekretarya nito ang sumagot sa tawag ko. He wasn’t able to fetch me kanina, the reason kaya bumawi ito ng pa-flowers at foods sa akin. “Are you home already?” Malambing na sagot nito sa kabilang linya. “Oo. I just called to say thank you for the flowers and the food.” “Small thing, my loves. Did you like it?” “Yeah, sana hindi kana lang nag-abala pa. You could’ve texted me na hindi ka available today. Nakakainis ka, andami mong paandar.” Kunwa’y naiinis na sabi ko sa nobyo. “Everything for you, bi. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa iyo, right?” “Thank you so much, Phil. I am blessed to have you in my life.” “I love you so much, Andrea – soon to be Mrs. Phil Pilapil.” “I love you too. Sorry, bi. Tawag ako ni nanay sa baba.” “It’s okay. Puntahan mo na. If I still have time, dadaan ako diyan sa inyo. And if not, hatid nalang kita tomorrow sa school.” “You don’t have to, bi. Take some rest. Bawal magpakapagod ng husto -” “Andeng!” Napautol ang sasabihin ko ng marinig ang tawag ng ina mula sa ibaba. “Bumaba ka nga muna rito sa tindahan at ako’y sasaglit sa palengke.” “Tawag na uli ako ni nanay, ingat ka sa pag-uwi mamaya, bi.” Paalam ko sa aking fiancé. “Okay, love. I miss you already. I’ll hung up.” Mabilis na akong naglakad pababa at mukhang naha-high blood na naman ang nanay ko. “Bakit nay?” Tanong ko sa ina pagkababa. “Bantayan mo muna ang tindahan at pupunta akong palengke, sasaglit lamang ako para makabili ng isda na lulutuin ko bukas. Magluluto ako ng eskabetse.” “May okasyon po ba?” Madalas na kapag may okasyon lamang ito nagluluto ng ganoong putahe. “Meron. Aba’y hindi mo ba alam? Darating daw ang panganay na anak ng mga Del Prado bukas. Pa-welcome ko lang sa kanya. Balita ko ay bumalik talaga siya rito para magtayo ng negosyo. Napakabuting bata at kahit na ang layo na ng narating sa buhay ay hindi pa rin nakakalimot.” “Marites, ikaw ba ‘yan?” “Tigilan mo ako diyan, hindi ko kilala ang Marites na sinasabi mo!” Singhal nito sa akin. “Ang updated niyo po kasi sa mga chika dito sa barangay. Nakaraan nauna mo pang nalaman na buntis yun Grade 10 na anak ni Aling Ester kesa sa akin. Tapos ngayon may pa-welcome ulam kapa sa panganay na anak ng mga Del Prado. Wow ha!” “Tigilan mo ako, Andrea. Kung hindi ko pa alam crush mo iyon dati, di ba?!” “Huwag kang assuming, nay. Walang ganun before. Pag walang label, hindi counted.” “Sus, panay ka ngang nagpupunta doon para magpa-charming dati-rati.” “Malamang po. Kasi bff ko kung kapatid niyang si Kate. Normal yun, nay. Huwag niyo pong lagyan ng kulay.” “Sabagay, hindi ka naman pinapansin nun dati. At tsaka ikakasal kana rin naman kaya hindi kana pwedeng magka-crush kay James kasi taken kana. Sayang, kung bumalik agad siya di san ana-ship ko kayo.” “Ship alam niyo pero si Marites hindi? Taken na ako, nay. At mahal ko si Phil.” “Alam kong mahal mo si Phil. Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit ka nagagalit? Para yun lang nagagalit agad, kung hindi mo crush, edi hindi! Andami mo pang sinasabi. Maiwan kana nga rito, mamamalengke na ako.” Baling naman ng nanay ko sa akin. “Anong akala niya hihitayin ko siya?” Kausap ko sa aking sarili. “He is just a mere acquaintance.” Naupo ako sa bangko na nasa harap ng kaha/mesa na ipinagawa ni nanay para sa kanyang tindahan. “Tao po! Tao po!” Sinilip ko ang tumatawag sa labas. May isang lalaking naka-sumbrero na naghahanap sa nanay niya. “Lourdes! Lourdes! Tao po!” Dali-dali akong lumabas ng bahay upang malaman ang pakay ng lalaki. Lumapit ako rito ngunit hindi ganun kalapit. Mahirap na at baka modus lamang ito. “Bakit po? Ano po ang kailangan niyo kay inay?” “Ikaw na ba iyan, Andeng?” Tumango ako. “Opo, ako na po ito. Sino po sila?” Hindi ko kasi maaninag ang mukha ng lalaki. Nilukob ako ng kaunting takot sa dibdib. Ngunit agad din iyong nawala ng tinanggal nito ang cap na suot. “Hindi mo na ba ako naaalala? Ako ‘to si Manong Justine.” Nakangiting turan nito sa akin. Napatili ako sa tuwa. “Manong Justine!” Tumakbo ako palapit rito at yumakap. Siya si Justiniano Banal, ang personal driver ng pamilya Del Prado. Hindi sa pagmamayabang pero dahil sa kanya kaya ako nagkaroon ng father figure. “Na-miss ko po kayo! Kamusta na po? Pasok po tayo sa bahay.” “Ang laki mo na at napakaganda. Balita ko ay isa ka ng guro.” “Salamat po. Opo, isa na akong guro. Naging maam na rin ako sa wakas.” “Mabuti kung ganoon. Kamusta naman kayo ng nanay mo?” Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagkakagusto nito sa aking ina. Ngunit ayaw na ni nanay na umibig pang muli kaya nirespeto naman iyon ni Manong Justine. Good catch na sana ito para sa nanay niya dahil biyudo ito at walang anak. “Okay naman po. Armalite pa rin ang bibig ni nanay. Pero maganda pa din siya, Manong Justine. Ligawan mo ulit para naman bumait kahit kaunti sa akin.” Natawa lamang ito sa sinabi ko. “Hindi ka pa rin nagbabago, maloko ka pa rin.” “Sino po ang kasama niyong umuwi?” Kahit pa alam kong ang panganay ng mga Del Prado ang kasama niya ay tinanong ko pa rin. I want a confirmation at baka hindi kwentong Marites lang ang nasagap ng aking inay. “Dapat kasama ko si James. Kaso tumawag si Tristin kaya napalipad ang pobre pabalik sa US.” “Sino po si Tristin?” Hindi ko napigilang itanong. Kahit pa may hint na ako kung sino siya. “Hindi mo ba alam, si Tristin ang babaeng pinakasalan ni James seven years ago.” In short, si Tristin ang asawa ni James. Ayaw pa talaga akong deretsahin ni Manong Justine. Mapakla akong ngumiti. “Hindi po kasi ako na-inform. Pero ang alam ko invited ako sa kasal.” “Inantay ka nila ng araw na yun. Hindi ka naman dumating.” “Nino po? Ni Kate? Hindi na po ako humabol kasi may exams ako noon. Kamusta na po pala si Kate? Saang bansa siya ngayon?” Simula kasi ng araw na iyon ay halos wala na kaming komunikasyon ni Kate. “Buntis si Kate ngayon sa pangalawa niyang anak. Nasa Texas kasama ang pamilya niya. Tumigil na siya sa pagiging photographer para maging full time na sa pag-aalaga sa anak niya.” “Madalang po kasi kaming mag-skype. Actually po, matagal na din talaga yun last time na nag-usap kami.” “Hindi ko nga din malaman sa batang iyon. Parang bigla nalang naging ibang tao simula ng mag-asawa. Ikaw kailan ka mag-aasawa? Pero kung ako sa iyo, i-enjoy mo muna ang pagiging dalaga mo. Huwag kang gumaya sa kaibigan mo na maagang nag-asawa.” “Actually, malapit na rin po akong ikasal.” “Talaga ba!? Kanino? Aba’y sakto pala ang uwi ko rito.” “Hindi ko po alam kung kilala niyo siya. Isa po siyang enhinyero, si Engr. Phil Pilapil po. Taga kabilang bayan po.” “Familiar ang pangalan niya pero hindi ko siya kilala.” “Ipapakilala po kita kapag dumaan siya dito bukas.” Excited kong turan rito. “Sige nga at nang makaliskisan ko ang iyong magiging asawa.” “Sure po, Manong Justine. Kung pwede takotin niyo para hindi ako lokohin.” “Huwag kang mag-alala at ako ang bahala.” Pareho nalang kaming natawa sa aming pinag-uusapan. “So, hanggang kalian po kayo rito sa atin?” “Hindi na siguro ako lilisan pa. Dito na siguro ako mananatili hanggang sa ako’y maputulan ng hininga.” “You mean to say, hindi na po kayo aalis pa?” “Parang ganun na nga.” Natuwa ako sa narinig. “Manong Justine, pwedeng bang samahan mo si inay sa paghatid sa akin sa altar?” “Isang malaking karangalan iyan, Andeng.” “Salamat po!” “Andeng! Ano na naman ang ginagawa mo diyan sa itaas at walang nagbabantay dito sa ibaba? At kaninong sasakyan na naman ang nakaharang sa may gate sa labas?” “Nay, may bisita po tayo.” “Anong ginagawa mo rito Justiniano? Akala ko ba’y hindi kana babalik kailanman?” Iyon agad ang ibinungad ng ina sa aming bisita. Tumayo si Manong Justine bago binati ang aking ina. “Magandang araw, Lourdes!” “Walang maganda sa araw na ito. Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?” “Galit ka pa rin ba sa akin? Hindi ba’t inexplain ko na sayo kung bakit kailangan kung samahan si James?” Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila nakinig na lamang ako. “Alam ko kaya nga pinapalayas kita. Bumalik ka rito mamayang alas-siyete impunto. Isama mo si James, dito na kayo maghapunan.” “Nay, si Mang Justine lang po ang nandito. He is staying for good daw at mukhang may binabalikan. Hindi ko sinasabing baka ikaw iyon pero parang ganun na nga.” “Napakamaloko pa din ni Andeng hanggang ngayon. Ako’y uuwi na sa kabilang bahay at babalik nalang mamaya.” “Sige po. Aasahan po namin ang pagsalo niyo sa amin mamayang hapunan.” Nang makaalis si Manong Justine ay agad kong sinundan si inay sa kusina. Nakangiti ito habang naglilinis ng isda. “Naks, happy yarn! Ship ko na kayo ni Manong Justine, nay.” “Tumigil ka Andrea at baka hindi kita matantiya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD