Malayo palang ako ay naririnig ko na ang masayang kwentuhan sa loob ng aming bahay. Yes, masaya ang ambiance sa loob simula ng dumating si Manong Justine. Sabagay, kahit naman kasi isang ceritified Marites ang nanay ko ay totoong sa akin lamang umikot ang buhay nito noon. Kaya naman gusto ko rin bumawi at maging masaya siya.
“I’m home!” Masaya kong bati sa dalawa na nasa harapan ng lamesa.
“Tamang-tama, Andrea. Nagluto ako ng minatamis na saging. Nagrequest kasi itong si Justiniano at namimiss na niya ang lutong atin.” Sabay abot ng isang mangkok sa akin.
“Ang sweet naman.” Tudyo ko.
Lumapit ang ina at bumulong sa akin. “Huwag mo akong simulan, Andrea.”
“Naku, di na mabiro. Sabi ko ang sarap ng saging, sakto lang ang tamis at nalalasahan mo din ang kaunting alat ng asin.”
“Wala talagang tatalo sa ganitong luto ng nanay mo, Andeng.”
“Siyempre naman po, Manong Justine. One of a kind po ang galing ni nanay sa pagluluto. Kung tutuusin nga po ay pwede na siyang mag-asawa kesa sa akin.”
“Binola niyo pa akong dalawa.” Sabay pasimpleng kurot sa akin.
“Aww naman, nay.” Reklamo ko. Sinamaan lang ako ng tingin.
“O bakit ka umaaray diyan, Andrea?” Tanong naman ni Manong Justine.
“Huwag mong pansinin ang batang yan, Justiniano. Nag-iinarte lamang iyan.”
“Kapag kay Manong Justin, sweet. Kapag sa akin, brutal.” Bulong ko sa sarili habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref.
“Tigilan mo na yan, naririnig kita.”
Lumingon ako kay Manong Justin. “Crush mo si Manong Justin?”
“Siraulo ka talagang bata ka, sa tanda kong ito magka-crush pa ba ko?” Kumuha ito ng baso at sinalinan ng tubig. “Ikakasal kana at baka after a year ay may apo na ako. lalandi pa ba ko?”
“Kung gusto mo naman lumandi, bakit hindi? Promise, hindi ako nag magiging dahilan ng kalungkotan mo.”
Huminga ito ng malalim. “Masaya na ako sa buhay ko. Dahil may anak akong hindi nagmamature. Feeling ko hanggang ngayon nakikipagbangayan ako sa isang grade five na Andeng.” Natatawa nitong sabi kapagkuwan.
Totoo naman ang sinabi ng ina. Lumipas man ang panahon at ang estado ng buhany namin pero ang samahan naming dalawa ay hindi nagbago. Nakangiti akong napatingin sa ina habang inaabot nito ang isang basong tubig kay Manong Justine.
“Aba’y uminom ka muna ng tubig, Justiniano. Nakadalawang mangkok kana at baka mamaya ay hindi kana makapag-hapunan. Magluluto pa naman ako ng sinampalukang native na manok para sa ating hapunan.”
“Tingnan mo Andeng at mukhang iniispoiled ako ng nanay mo. Baka mamaya niyan dito na ako magpa-ampon sa inyo.”
“Huwag kang ambisyoso!” Parungit ng ina sa sinabi ni Manong Justine. “Ngayon lamang ito dahil bagong dating ka at alam ko na namimiss mo ang pagkain dito sa atin. Hindi ko kailangan ng isa pang sakit ng ulo. Quota na ako kay Andrea.”
“Sus, sakit daw ako ng ulo pero kapag malapit na ang sahuran, anghel ang tawag mo sa akin.” Nagtatampong sabi ko sa ina.
Tumawa si Manong Justine sa sinabi ko.
“O siya, mag-aapply nalang akong driver niyo. Free of charge. Basta libre lang ang pagkain.”
“Ay, nay tanggapin mo na si Manong Justine para naman hindi na tayo nahihirapan sa pagku-commute.” Kunwari ay pangungumbinse ko sa ina.
“Oo nga naman, Lourdes. At para naman hindi kana nahihirapan sa pamimili mo.”
“Tigilan niyo akong dalawa. Hindi niyo ako mapipilit.”
“Ang killjoy mo naman, nay. Sige na, ako na po ang bahala sa gasoline.”
Tumawa si Manong Justine sa sinabi ko.
“O sige, i-push mo ang pag-hire ng driver kahit wala ka namang sasakyan. Wala ka talagang matinong naiisip, Andrea.”
“Funny naman, diba?” At nagtawanan na silang tatlo.
Natigil lamang ako sa pagtawa ng mag-beep ang aking cellphone.
“I am here outside.” Basa ko sa message ni Phil.
“Nay, andiyan po si Phil sa labas. Sunduin ko lang po.”
“Hala, sige. Para makasabay siya sa atin sa hapunan.”
Agad akong kumaway sa aking fiancé. Nakasandal ito kanyang sasakyan at nakatingin sa bahay namin. Umayos ito sa pagkakatayo at ngumiti sa akin.
“Kanina kapa?” Tanong ko ng makalapit rito.
Humalik ito sa aking pisngi ko at bahagya akong niyakap. “I missed you.”
“What happened to you? Dalawang araw lang tayong hindi nagkita.” Umalis na naman kasi ito noong isang araw para makipag-meeting sa business partner nito sa Manila.
“You look more beautiful today. Extra beautiful.” Bulong nito sa akin.
“You came here straight from the airport?” Inikot ko ang aking braso sa bewang nito.
Lumingo ito. “Nope. Umuwi muna ako sa condo, naligo at pumunta rito. I don’t want you to see me rotten.”
“Hmm? Parang lagi ka namang fresh sa mga mata ko. Feeling ko nga mas fresh kapa sa akin.”
Tumawa ito. Ligayang-ligaya sa sinabi ko. “You made me feel giddy, babe. You never failed to put a smile on my lips.”
“Lagi ka namang kinikilig sa akin. Aminin mo na kasi, head over heels ka sa ganda ko.”
“Guilty for that!”
Isa-smack kiss niya sana ako. Kaso nakita kong nakabukas ang bintana ng kapit-bahay namin kaya agad kong tinakpan ang labi nito.
Hinila ko si Phil. “Huwag tayong PDA dito sa kalsada, bi. Baka mapalo ako ni nanay. Let’s get inside.”
“Wait lang, bi.” He opened his car door. At doon bumungad sa akin ang bouquet of flowers. May isang malaking paper bag ng kilalang luxury brand. At dalawang box ng J.Co. donuts.
“Pasalubong para sa magiging misis ko.” Nakangiti ito habang inaabot sa akin ang bulaklak.
“You’re so sweet, bi!” Hindi ko na napigilan at nahalikan ko siya ng very quick sa labi.
“I also bought you a bag. Para naman mapalitan mo na yung bag na ginagamit mo.”
“Hindi ka na sana nag-abala, babe. Okay pa naman yun bag ko.”
“You’ve been using it for two years. It needs a replacement.”
“Pinalitan mo nga pero baka naman maholdap ako niyan dahil sa bag.” Naiisip ko palang ang presyo ng bag ay natatakot na akong mahablotan. Alam ko ang presyo niyon, napanuod ko online.
“You’re thinking is wild, babe, but I like that.” Natatawa nitong sabi sa akin.
“Wild animal from the jungle, you like? Rawr! Rawr!”
“Aww, babe! I love you so much! Kakabagan ako sayo.” Anito habang tumatawa pa rin.
“I love you too. Let’s get inside na nga. Tiyak na salubong na ang kilay nun.”
“And also bought something for her. These donuts are for nanay. Mahilig ba siya sa sweets?”
“She’ll love that!” I exclaimed.
“Bakit antagal niyong pumasok dito? Hindi porke’t ikakasal na kayo ay pwede na kayong makita diyan sa labas na naglalampungan. Kaunting kahihiyan para sa pamilya natin Andrea.”
“Good evening, nay! Sorry po, hindi na po mauulit.” Nagmano si Phil sa aking ina. “I brought you donuts, nay. I hope you’ll like it.” Inabot nito ang dalawang box ng donut.
“Hindi ako mahilig sa matatamis pero salamat na din. Halina kayo at malapit ng maluto ang hapunan.” Dumerecho ang ina sa kusina at hindi nagtagal ay lumabas naman si Mang Justine mula doon.
“Manong Justine, si Phil po, fiancé ko. Bi, si Manong Justine future step-father ko.”
“Maloko ka talaga, Andrea! Tiyak uusok na naman ang ilong ng ina mo kapag narinig ka niya.”
“Hindi naman po niya narinig.” Bulong ko sa matandang lalaki.
“Justiniano Banal. Dating kapitbahay nina Lourdes at Andrea.” Nag-shake hands silang dalawa.
“Nice meeting you, sir.” Pagbibigay respeto ni Phil sa matandang driver.
“Bi, iwanan ko muna kayo ni Manong Justine dito ha. Ipasok ko lang ‘tong pasalubong mo sa kwarto. Tapos tulungan ko na din si nanay sa pagluluto ng dinner natin.”
“Oh, sure babe.”
“Kaliskisan mo muna manong, tingnan niyo kung papasa ba sa standards niyo.” Kumindat pa ako rito.
Natawa lamang si Manong Justine sa akin.
“Mukhang hindi na kailangan pang kaliskisan, Andeng. Basta makita kong masaya ka sa piling niya magiging maligaya na din kami para sayo.”
“Salamat po.”
I knew it! Alam kong magugustuhan ni Manong Justine si Phil. Who wouldn’t di ba? Si nanay lang naman ang bitter sa relasyon naming dalawa.
“Hindi ako bitter sa relasyon niyo ni Phil. Nag-aalala lang ako para sayo.”
Nagulat pa ako ng may humila sa buhok ko. Pero mas nagulat ako na nabasa ni nanay ang iniisip ko. Nakatayo ako dito sa may pinto ng kusina at nakatingin sa dalawang lalaki na nag-uusap.
“Wala naman po akong sinabing bitter ka. Grabe ka naman, nay.”
“Narinig kita. FYI lang anak, lahat ng iniisip mo ay sinasabi ng bibig mo. In case you don’t know lang ha. O heto, dalhin mo na doon at ng makakain na tayo.” Inilagay sa kanya ng ina ang bandehado ng kanin.
“Special dinner ba ‘to nay?” Hindi ko naiwasang itanong sa nanay ko habang inaayos ang pinggan na dadalhin sa dining table.
“Bakit na naman?” Namamangha nitong tanong sa akin.
“Ginamit mo kasi ang Corelle na plato mo. Diba sabi mo kapag special occasion lang gagamitin yan?” Nguso ko sa platong tangan niya.
“Andami mo talagang napapansin na bata ka. Ano? Gusto mo bang yung mga plastic na palate natin ang ipagamit ko sa mapapangasawa mo? Alam mo naman ang ugali ng nanay niyan. Kaya nga hindi ko sana gusto yang si Phil para sayo. Primera klase ang pamumuhay na kinagisnan niyan samantalang ikaw kahit sa tasa kayang kumain ng kanin.”
“Wow, na-touch naman ako, nay. Thank you, mom! Pero sana naman naging considerate ka sa feelings ko, nay.”
“Considerate ako sa feelings mo, ikaw lang ang hindi ang marunong mag-appreciate. Tigilan mo na yan, sumunod kana rito sa akin.”
“I am really amaze with your cooking, tita. I am sure that my babe cooks well, too.”
Nahuli niyang napangiti ang ina sa papuri ni Phil. Pero kinabahan ako nang bumaling ang tingin nito sa akin.
“Hindi sa pagmamalaki, Phil, pero marami din namang kayang lutuin ang anak ko. Hindi niya lang madalas gawin dahil busy siya sa kakagawa ng lesson plan.” Hindi ko inakala na ibibuild-up ako ng aking ina.
“Oh, really, bi? I thought you said you can only cook boiled egg.”
“I am practicing, bi. Alam mo na, for future purposes.” Nakangiting sagot ko rito.
“Alam mo bang napaka-swerte mo kay Andrea, Phil? Magiging isa siyang mabuting maybahay para sayo.”
Na-overwhelmed ako sa sinabi ni Manong Justine. I mouthed him, thank you.
“I am sure of that, tito. And I couldn’t wait for her to be my wife.” Sagot nito kay Manong Justine. I cannot help but admire my fiancé for being so respectable. Hindi pa man ay nakikita ko na ang magiging pamilya namin.
“Swerte din naman ako sayo, bi.”
“Eto lang ang masasabi ko sayo, Phil. Kapag hindi mo na gusto si Andrea sa buhay mo, isoli mo sa akin nang maayos kagaya ng kung paano mo hiningi sa akin ang kamay niya. Nakikita ko naman kung paano mo siya pahalagahan at masaya ako para doon. Totoong tao akong humaharap sa’yo kaya sana naman ay huwag mong sayangin ang tiwalang ibinibigay ko.”
“Makakaasa po kayo, nay.”
“Mabuti kung ganoon.” My mother tapped him in the shoulder.
“Good morning, teachers!” Masayang bati ko sa mga co-teachers kong nasa faculty room.
“Ganda pa ako sa umaga, teacher Andrea!” Balik-bati naman ni teacher Abigail. “Ay, taray! May bagong bag si future Mrs. Pilapil. Yamanin talaga, legit!”
“Teacher Abi, andami mo talagang nakikita.” Hindi pa man ako nakakapunta sa cubicle ko ay napansin na niya ang bago kong bag.
“I bet, it’s not authentic.” Sagot naman ni Lyda. “You cannot afford to buy one.”
“Tama ka, teacher Lyda. Hindi ko talaga afford ang mga ganitong klase ng bag. This was a gift from my fiancé thou.” I told her. It is not to brag but to share the happiness I have right now.
“Wow! Ang bongganess talaga ni Papa Phil magregalo. Sanaol nalang talaga!” Kinuha ni Abi ang bag sa kamay ko at chineck. “Tsk, ang crispy ng balat! Nakakainggit ka, girl! Everyone, let’s close our eyes.”
Natawa ako kay Abi.
“I bet you asked for it.” Sabi na namang muli ni Lyda. Wala akong balak na patulan siya today.
“No, teach. Pasalubong niya yan for me yesterday. It comes with a bunch of flowers. Na-surprise nga ako.”
“What? I thought it’s for his mom?” Mahinang sambit nito. But my ears caught it.
Alam ko naman na malapit ang pamilya nila sa isa’t-isa. So, I assume Lyda saw it from Phil or something.
“No, it’s for me. Ang sweet niya no?” Sagot ko naman kay Lyda.
Sumimangot lamang ito sa akin.
“Have fun while it lasts. Ciao!” Pa-last statement ni Lyda bago lumabas ng opisina.
“Kapag inggit, pikit!” Pakli ni teacher Abi.