"Wow, andami mo yatang baon palagi, Teacher Andrea. Araw-araw nalang na tatlong putahe ang ulam mo, ansasarap pa." Komento ng isa kong co-teacher na nakasabay ko sa pagkain. Isang linggo na yatang ganito ang pagkain ko. Hindi si nanay ang nagprepare nito kundi ang bagong hire n chef/nutritionist ng pamilya Del Prado. Freshly cooked palagi ang kinakain ko. Nakakainis pero nakaka-happy lalo pa at swak sa panlasa ko ang mga menus na dinadala sa bahay tuwing breakfast, lunch at dinner. At kapag may pasok ako sa school ay tatlo putahe ang ipinapabaon sa akin. So, I can choose from it. Hindi naman ako picky-eater. Ayoko lang ng alamang. I tried to ask Kate about this dahil nahihiya ako. But the only answer she is giving me is that her brother wanted his baby to be healthy. His baby lang? Pe

