LET'S TALK INSIDE THE ROOM. Huwag na kayong mag-expect ng iba pang pwedeng ipakahulugan ng sinabi ng nobyo ko. Scam ‘yun! Talk daw pero busy naman ito sa harap ng laptop nito. May kausap itong mga foreigners online. Biglaang meeting daw iyon via Zoom. Kaya naman ang lambingan namin kanina ay nauwi sa seryosong pakikipag-usap niya sa mga business partners nito abroad. Ako naman ay nagkasyang manatili sa kama. Dyahe naman kung habang seryoso itong nakikipag-usap ay nandoon ako sa likod nito at nakayakap. I cannot picture myself doing like that. Kaya naman heto ako ngayon at nakahiga sa kama. Balak kong matulog muli dahil inaantok pa rin ako. My body wanted to rest so bad. Kaya naman magpapahinga ako habang busy siya. Total after lunch naman at masarap mag-siesta kaya iyon ang gagawin ko.

