Napalunok ako ng laway sa tanong ng aking ina. Hindi dahil tama ang sinabi nito kundi dahil bakit naisip niya iyon. Ganun na ba kami kahalatang dalawa ni James? O baka naman dahil sa nakita nito noong nakaraan? At naisip ng nanay ko na isa akong marupok na nilalang. “Buntis? Paano po akong mabubuntis, nay?” “Aba’y, malay ko sayo! Paano bang ginagawa ang bata? Di ba teacher ka? Dapat alam mo ‘yan!” Sikmat nito sa akin na para bang sinasabi na balikan ko ang subject kong Biology. Nakakabobo din naman kasi ang tanong ni inay. “Para inaantok lang naman ako, buntis agad?” Nakasimangot kong sagot sa ina. Hindi ko lang kasi masabi ang totoong dahilan kung bakit at baka patayin ako sa sabunot ng aking ina. “Hindi ka naman ganyan katakaw matulog dati, Andrea. Nakakapagtaka lang!” “Huwag ka

