CHAPTER 3: 20 YEARS LATER
20 years later...
2021
Sylvia Luis' POV
Maganda ang sikat ng araw ngayon. Kahit maingay buhat nito ang mga sasakyan. Ganito naman araw-araw.
Ganito sa Manila, ganito ang takbo ng buhay natin.
"Ma'am! Ma'am, this is yours?" Napalingon ako nang may kumalabit sa akin.
A young man, kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 16 na siya. Guwapong bata, matangkad at maputi. Nakasuot siya ngayon ng uniform ng senior high school na dating pinapasukan ko.
Malinis ang pananamit niya at mukhang seryoso sa pag-aaral. Pero pamilyar sa akin ang mukha niya. Kahit hindi siya nakangiti kanina ay lumitaw pa rin ang malalim na dimples niya sa magkabilang pisngi niya.
Kumislot ang puso ko at may naalala ako bigla. Bagamat napangiti na ako. Pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito.
"Thank you, hijo," nakangiting saad ko at napakamot pa siya sa kanyang batok.
Ang cute niya at may isang tao akong naalala na kinagawian niyang gawin 'yon.
"Mukhang nasa age 28 or 30 pa lang kayo, ma'am?" nahihiyang tanong niya sa akin. Nailang siya marahil sa pagtawag ko sa kanya na hijo.
"39 na ako," sabi ko.
"Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?" malalim kong tanong sa kanya at napangiti siya.
At mas malinaw ko nang nakita ang kanyang dimples. Ah, may na-missed ako.
"Silver Thome po, ma'am. Silver Thome A. Tan ang aking pangalan," nakangiting sabi niya.
Puwede kaya? Puwede kayang anak siya ni... Anak siya ni Thomas A. Tan?
Marami pa namang ka-surname si Thom. Pero posible naman kaya na anak na niya ito?
Sa hitsura pa lang nito at tindig ay kamukhang-kamukha na ni Thomas. Marahil siya na?
Kamusta na kaya si Thom ngayon? Marami na kaya siyang anak? Isa na kaya ang binatang ito? Masaya ba siya sa buhay niya ngayon?
"Ang tatay mo ba ay si... Thomas A. Tan?" tanong ko sa kanya.
Gusto kong makasiguro kung totoo ba ang hinala ko. Wala namang masama ang magtanong, hindi ba?
"How did you know? Opo, daddy ko po si Thomas A. Tan. Kilala po niyo ang daddy ko?"
Ngumiti ako bago sumagot, "isang kaibigan. Kaibigan ako ng daddy mo," sabi ko at tumunog ang ringtone ng cellphone ko.
"Mauna na ako sa 'yo, hijo. Nagagalak akong makilala ka Silver Thome," saad ko at tuluyan na akong umalis.
Thom, ang galing 'di ba? Nakilala ko ang anak mo. Nakakatuwa.
Wala ng kirot, wala ng sakit ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko si Thom.
Parang nasanay na ako. Nasanay na ako at tanggap ko na ang nangyari sa amin.
20 years ago, I was in love with Thomas A. Tan.
20 years later, I still love him.
Thomas A. Tan's POV
"Dad," tawag sa akin ng anak kong si Silver Thome.
Kakauwi niya lang galing school at naka-uniform pa siya.
"Hmm? What is it, son?" I asked him.
Lumapit siya sa kinauupuan ko at tumabi sa akin. Titig na titig ako sa mukha ng anak ko.
Halos lahat ay naimana niya sa akin. Ang makapal na kilay niya, mga mata, ilong at mga labi ay kuhang-kuha niya.
Parang ako lang noong kabataan ko pa. Hindi nga lang siya tahimik. Pala-kaibigan siya at mabait.
"May na-meet po akong kaibigan mo raw, dad."
Sa sinabi ng anak ko ay bumilis ang t***k ng puso ko. Wala naman kasi akong naging kaibigan noong nag-aaral pa ako at noong kabataan ko pa.
But when he mentioned about my friend... Isa lang naman ang naisip ko.
Siya... Siya lang naman.
"Who is it?"
"Heto po ang wallet niya. Nahulog niya kanina at iaabot ko na sana. Ang kaso umalis naman siya kaagad matapos tanungin ako at kausapin. Mukhang nagmamadali kasi," mahabang saad niya.
Iyan ang pinagkaiba namin ng aking anak. Masyadong mahaba ang binibigkas niyang kataga.
Kinuha ko naman sa kanya ang inabot niyang wallet sa akin, kulay rosas ito. Tila huminto naman ang pagtibok ng puso ko at nanginig ang mga kamay ko.
Nagbalik ang pamilyar na pakiramdam ko noon na pilit kong kinakalimutan. Pero nabigo lang ako.
Binuksan ko ang wallet at may tatlong litrato ang nasa loob. Walang pera o kahit kapirasong papel man lang.
Tatlong litrato na nagawa nitong pabilisin ang pagtibok ng puso ko.
Hindi ko namalayan na may mainit na likido na pala ang nahulog mula sa mga mata ko.
Hinaplos ko ang litrato nito. Ito ang litrato namin noong first project namin sa isang subject.
Nakaupo kami sa isang bench at seryoso lang nakatingin sa camera. Walang kangiti-ngiti ang hitsura namin.
Ang pangalawang litrato ay kinuha ito noong naka-couple shirts kami at ang huling litrato ay 'yong graduation day namin.
Sylvia...
Sinong mag-aakala na makikilala at nagtagpo ang landas niyo ng aking anak?
Ang aking unang babaeng minahal, 20 years ago.
And 20 years later... Siya pa rin ang mahal ko. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.
"Eh, dad. Bakit kamukha ko po?" nagtatakang tanong ni Silver pero napahinto rin siya nang makita niyang umiiyak ako.
"D-dad?"
"Gusto ko siyang makita, anak..."
Ilang taon na ang lumipas? Ilang taon na ba ang huli kong makita ang babaeng hindi ko nakalimutan?
Kamusta ka na kaya? May pamilya ka na rin ba? Masaya ka na ba ngayon? Naaalala mo pa ba kaya ako?
Kasi ako,ni hindi kita nakalimutan. Nandito ka pa rin...
***
Sylvia Luis' POV
"That's all for today," nakangiting
saad ko sa mga trainee ng kompanya namin.
Mga bagong graduates pa silang lahat at ako, bilang head ng Architecture department ay ako ang naatasang mag-train sa mga bagong architect namin.
"Thank you po, Ms. Luis," sabay-sabay na sambit nila at matamis na nginitian ko na lamang sila.
"Ms. Luis, bakit po hindi kayo nag-asawa?" Hindi na 'yan bago sa akin ang katanungang iyon.
Ilang beses na akong natanong ng mga katrabaho ko, mga relatives ko at trainee.
"Wala lang," sagot ko.
"Hindi po ba kayo nagmahal dati? Hindi po ba kayo nagkaroon ng boyfriend noong kabataan niyo?" tanong sa akin ni Sophie. Isa sa mga trainee ko.
"Meron. Pero wala na akong dahilan para mag-settle down, kung ang taong mahal mo ay kinasal na pala sa iba. Hindi ka na magmamahal pa dahil siya? Sapat na para sa 'yo," mahabang saad ko at nginitian ko na lang siya.
"Eh? February pa naman po ngayon, Ms. Luis. Dapat may date ka na po sa February 14," aniya.
"Kailangan pa ba 'yon?" natatawang saad ko.
Tanggap ko naman ang kapalaran namin ni Thomas. Hindi kami para sa isa't-isa at hindi rin kami hanggang dulo.
Sapat na sa akin ang mahalin ko siya. Siya lang ay sapat na sa akin.
"Bata ka pa, Sylvia. Puwede ka pang mag-asawa at magkaka-anak ka pa," ani Jiana. Natawa ako sa sinabi niya at inilingan ko na lamang siya.
Wala na akong balak na mag-asawa pa. Kung hindi lang naman siya ang magiging groom ko ay huwag na lang.
"Ms. Luis! May naghahanap po sa 'yo. Nasa lobby," sabi naman ni Faye. Katrabaho ko.
"Sino raw?" nakakunot noong sabi ko. Bisita kaya? Pero wala akong inaasahang tao na bibisita sa akin sa working place ko. At kung mga pamangkin ko naman ay tatawag na muna sila sa akin sa phone bago pupunta rito.
"Future hubby mo," sagot niya bagamat may halong pagbibiro.
Lumabas na ako mula sa aking opisina at tinungo ang lobby ng kompanyang pinagta-trabahuhan ko.
Sa hindi kalayuan ay may nakatayong lalaki ngunit nakatalikod naman. Makisig 'yong tindig niya at medyo familiar sa akin ang built ng katawan niya.
Hindi ko naman maawat ang puso kong nagugulo na naman. Tumitibok na naman ng sobrang bilis.
"Hinahanap mo raw ako?" tanong ko at tila naging slow motion ang lahat sa paligid ko.
Napaatras ako at napahawak ako sa aking dibdib. Nag-init ang gilid ng mga mata ko at tila kakapusin ako nang hininga.
"Sylvia..." sambit niya sa aking pangalan.
Nakangiti siya sa akin at may mga luha na ang naglandas sa kanyang pisngi.
"Thomas..." Sa wakas ay nasambit ko naman ang kanyang pangalan.
20 years ago, I lost the man I love.
20 years later... I met him again.
20 years ago, I lost my hopes and I was afraid the idea of not seeing him again.
20 years later, my Thomas A. Tan is now standing in front of me.
Nakangiti sa akin na may mga luhang bumuhos sa kanyang pisngi.
"I missed you, so much..."
Then, my tears fell.