CHAPTER 4

1229 Words
Silver Thome A. Tan "Gusto ko siyang makita, anak..." That words, paulit-ulit na nag-replay sa isip ko. I'm pity for my dad. Daddy told me that he's not in love with my mother and he never loves my mom. Kuwento pa ni daddy na kinasal lang sila dahil sa kagustuhan ng parents nila. My grandparents. Dad has a girlfriend when he marry my mom. Wala raw siyang choice noon kundi ang sumunod sa nais ng mga lolo't lola ko and that time, hindi pa niya raw na-realized na mahal na mahal niya ang girlfriend niya noon. It's too late to realize, because he's already married. After their wedding ay umalis na sila sa Pilipinas at doon na sila tumira f good, sa Switzerland. I can picture out my father's life, he's miserable. Araw-araw at gabi-gabi niyang naalala ang babaeng mahal niya. Kung nalaman daw niya kaagad 'yon, na may feelings naman talaga si daddy ay baka raw pinaglaban niya ito sa parents niya. Pero na huli na si dad. Hindi maganda ang relationship ng parents ko kaya umabot pa sa apat na taon bago ako pinagbuntis ni mom. Kahit hindi niya naman minahal si mommy ay hindi naman daw siya nagsisi na pinanganak ako. Mahal na mahal ako ni daddy at ako raw ang regalo ng Diyos sa kanya. But unfortunately, mom died. One year pa lang ako noong namatay si mom. May malubhang sakit siya at hindi na naagapan pa dahil sumuko naman kaagad si mom. Sa picture ko lang nakita ang mommy ko. Nalungkot ako noong una dahil hindi ko man lang nakilala at nakasama nang matagal ang mommy ko. Pero wala na sa akin 'yon. Dahil nasa mabuting kalagayan na si mom. Hindi na siya maghihirap pa. And after my mom's death ay nagpasya si daddy na umuwi na kami sa Pilipinas. Isa pa, nandito naman lahat ang grandparents ko. At nang malaman kong hindi pa fully happy si dad kahit meron na raw siyang ako ay tila hindi pa siya masaya. May kulang at doon nag-kuwento sa akin si daddy. He lost his first love. *** I was on my way home that time, nang makita kong nahulog ng isang babae ang wallet niya and it seems she didn't notice that. Kaagad na pinulot ko ito at hinabol siya. Kinalabit ko siya para kunin ang atensyon niya. "Ma'am! Ma'am, this is yours?" tanong ko sa babae at napalingon siya sa akin. Saglit na natigilan pa siya nang mapatingin siya sa akin. And she was checking me up. Fro my head to my toe. Nakaka-insulto ang ganoon kasi parang hinuhusgahan ka pero iba 'yong nakikita ko sa kanya. Parang may pananabik pero hindi naman siya malungkot. "Thank you, hijo," nakangiting pagpapa-salamat niya sa akin. Bigla akong nahiya dahil tinawag niya akong hijo. Maganda ang babae at maaliwalas ang bukas ng mukha niya. Napakamot ako sa batok ko. Parang hindi naman siya masyadong matanda at nakakailang talaga noong tinawag niya akong hijo. Pero sa huli ay napangiti na lang din ako. "Mukhang nasa age 28 or 30 pa lang kayo, ma'am?" Nahihiya pa ako noong tinanong ko 'yon sa kanya. "39 na ako," sagot niya at natigilan pa ako. See? Mukha talagang nasa mid-20 pa siya. "Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?" tanong niya sa akin at gumamit pa siya nang malalim na salita. "Silver Thome po, ma'am. Silver Thome A, Tan ang aking pangalan," nakangiting sagot ko at nakita ko pa ang pagkagulat niya. "Ang tatay mo ba ay si... Thomas A. Tan?" tanong niya sa akin at ako naman ang nagulat. Kilala niya ang daddy ko? How? "How did you know? Opo, daddy ko po si Thomas A. Tan. Kilala po niyo ang daddy ko?" I asked her. Ngumiti na muna siya bago sumagot, "isang kaibigan. Kaibigan ako ng daddy mo," sagot niya at tumunog naman ang ringtone ng cellphone niya. "Mauna na ako sa 'yo, hijo. Nagagalak akong makilala ka Silver Thome," pagpapaalam niya at parang nanghihinayang pa ako dahil hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Iku-kuwento ko pa naman kay dad na nakilala ko ang kaibigan niya. Sayang talaga. Napatingin naman ako sa wallet na hawak-hawak ko at napangisi ako. "Binggo!" sabi ko at tila nanalo pa ako sa loto dahil labis-labis ang kasiyahan ko. Pumasok na ulit ako sa kotseng hatid sundo ako sa university na pinapasukan ko. Senior High na ako at grade 11. Hindi naman siguro masama kung bubuksan ko ang wallet 'di ba? Pink ang kulay nito at parang nilipasan na ng maraming pahanon dahil may kalumaan na pero malinis naman at iniingatan pa ito. My forehead knotted when I finally open her wallet. Nilapit ko pa ang mukha ko sa tatlong pictures nito at napaawang ang labi ko. "If I'm not mistaken! This girl in the picture was her! At...bakit mukha ko?" Pagkauwi ko sa bahay ay excited na hinanap ko pa si daddy. Alam kong sa mga oras na ito ay nasa bahay na siya. At naabutan ko ngang nasa living room si daddy at busy sa pagbabasa ng files niya from works niya. Dad," tawag ko kay daddy kahit hindi pa ako nakakalapit sa kanya. "Hmm? What is it, son?" daddy asked me at lumapit na nga ako sa kanya. Umupo ako sa tabi ni daddy. Hindi na ako nagtaka nang matiim na tinitigan na naman ako ni dad. Ganito talaga siya sa tuwing nakikita niya ako. Paano ba naman kasi, halos mag-kamukha na kami ni dad. Parang xerox copy lang daw at proud pa ang daddy ko na mag-kamukha kami. Well, walang kaso 'yon sa akin dahil guwapo naman si daddy kaya okay lang kung kay dad ako nagmana. "May na-meet akong kaibigan mo raw, dad," pagku-kuwento ko kay dad. Natigilan pa siya at nagtaka 'yong mukha niya. "Who is it?" "Heto po ang wallet niya. Nahulog niya kanina at iaabot ko na sana. Ang kaso umalis naman siya agad matapos tanungin ako at kausapin. Mukhang nagmamadali kasi," sabi ko at ipinakita sa kanya ang wallet no'ng babae. Nanginginig pa ang kamay ni dad nang kunin niya mula sa akin ang wallet. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. Na siyang ayaw kong makita, dahil naaawa ako kay daddy. Tahimik na tiningnan ko lang siya nang isa-isa niyang nilabas ang pictures. May ngiti sa labi pero malungkot. Hinaplos pa niya ito. "Eh, dad. Bakit kamukha ko po?" nagtatakang tanong ko pero napahinto ako nang makitang umiiyak na so daddy! "D-Dad?" kinabahang tanong ko. "Gusto ko siyang makita, anak..." nahihirapang saad ni daddy at may kung ano'ng kumurot sa puso ko. Why not? Bakit hindi ko tulungan si dad na hanapin ang babaeng 'yon? Baka siya 'yong first love ni dad? "I help you, dad. Pero ano po ba ang pangalan niya?" tanong ko. Ngumiti si dad at punung-puno ng luha sa kanyang pisngi. Lumapit ako sa kanya para aluin ang daddy ko. Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganito. Daddy is a strong man I've ever seen. Kung malungkot siya at may dinaramdam? Hindi siya nagpapakita nang kahinaan. Kaya proud na proud ako sa daddy ko. "Sylvia Luis..." Saka ko hinanap si Sylvia Luis at hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko kaagad siya. Her personal information, including her works and her status. She's still single at ipinag-pasalamat ko pa 'yon. Why? Dahil may chance pa si daddy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD