CHAPTER 5

1970 Words
Their paths crossed, again Sylvia Luis's POV "I missed you, so much..." Nanghina ang mga tuhod ko at muntik pa akong mawalan nang balanse kung hindi niya ako nasalo kaagad. Ganito pa rin ang feelings. Ang feelings ko sa tuwing nahahawakan ko siya. May kuryenteng bumabalot sa katawan ko, may sparks pa. 'Yong mga luha ko ay bumuhos na talaga at hindi ako makapaniwalang nandito na siya. Nandito na siya at muli ko na siyang nakita. Nakakaiyak na nakakataba ng puso. Tears of joy ba 'to? Na after all these year our paths crossed again? Oh, good God. Miss na miss ko na po talaga siya. "T-Thom... Thomas," bigkas ko sa kanyang pangalan at mahigpit na niyakap ko siya. Sobra-sobra ang iyak ko rito. Nakakatuwa. Parang nag-flashback sa akin ang lahat ng eksenang nangyari sa amin 20 years ago. Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Akala ko hindi ko na siya mayayakap nang ganitong kahigpit. Akala ko hindi ko na maririnig ang kanyang boses. Pero ngayon, dinala siya sa akin ng Diyos. Muli ko siyang nakita at nahawakan. Napaka-sarap sa pakiramdam kaya ako naiiyak. 'Yong pinagtagpo kayo at sabay kayong gumuhit ng inyong alaala at pangarap pero sa huli ay kayo naman ay ipinaglayo. Pinaglayo ng tadhana sa maraming panahon. Pinaiyak, sinaktan at binigyan ng pagkakataon na maranasan kung paano ang magmahal sa taong malayo na sa 'yo. Sa taong alam mong hindi na babalik sa 'yo. Sa taong alam mong wala ng pag-asa na magtagpo pa ulit kayo. Pero may surprise rin pala ang tadhana sa atin. May surprise si God at dininggin niya ang aking kahilingan. Ang makita ko ulit ang aking mahal. Si Thomas A. Tan. Ang lalaking una't huli kong minahal. "Sylvia..." bigkas niya sa pangalan ko. Lumuluha siya, nakikita ko sa mga mata niya ang labis na galak. Nakikita kong sabik na sabik din siyang makita ako. Nakikita at nababasa ko sa mga mata niya. "Bakit ngayon ka lang?" naiiyak na tanong ko sa kanya at mas lalo lang akong napahagulgol nang marinig ko ang mahihina niyang hikbi. "I'm sorry, Sylvia. I'm so sorry..." "T-Thom...na-missed kita." "I...I m-missed you too, Sylvia. I missed you more." kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko na walang awat sa pagtulo. Sa bawat segundong nakikita ko ang mukha niya ay pumapatak ang mga luha ko. At pinupunasan lang niya ang panibagong luha na 'yon. Halos hindi ko na siya makita dahil umuulap ang paningin ko buhat nang pagluha ko. "Thomas..." bigkas ko sa pangalan niya. "Nandito ako, n-nandito na ako. Nandito na ang Thom mo at hindi ka na niya iiwan pa." Siguro umabot nang isang oras ang yakapan namin habang patuloy kami sa pag-iyak. Labis-labis ang aking kasiyahan. Ang makita siyang ulit ay sobra na ang ligaya ko. Hindi ko inaasahan ang pagkakataon na ito. Kaya labis din akong nagpapasalamat sa Diyos dahil dinala niya sa akin ang lalaking mahal na mahal ko kahit...kahit bumalik pa ito bilang kaibigan ko. *** Nasa Starbucks kami, sa hindi kalayuan ay nakaupo ang kanyang anak na nakilala ko lang week ago. "Sylvia..." Napatingin ako sa lalaking nasa tapat ko lang nakaupo. Para akong nasa alapaap nang bigkasin niya ang pangalan ko. Nagre-react pa ang sistema ko sa tuwing sinasambit niya ang pangalan ko. Ang mahal ko, nalipasan na rin ng panahon. Mas naging matured ang mukha niya. Pero hindi naglaho ang kagandahang lalaki niya. Magkasing edad lang naman kami kaya nasa 39 at turning 40 na marahil siya. "Kamusta ka na?" sabay na tanong namin sa isa't-isa kaya pareho kaming natawa. Napayuko ako at narinig ko naman ang pagtikhim niya. "How are you, Sylvia?" he asked me. Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Kumikislap ang mga mata niya at may ngiti na siya sa labi. Noong nawala sa akin si Thom ay nasaktan talaga ako, kaya iyak ako nang iyak. Sa pagkakataon na 'yon ay ang akala ko iyon na ang kahuli-huli kong pag-iyak na halos mabasag ang aking puso pero mayroon pa pala. May mas higit pa pala akong iiyakan. Ang makita siya ulit... "I'm still breathing," iyon ang naisagot ko. "It's been 20 years, right? Masaya a-akong makita kita ulit, Sylvia." Napangiti ako at may umalpas na namang mga luha. "A-ako r-rin," sabi ko na basag na ang boses ko. Mabilis na pinunasan ko ang mga luha ko. "I'm sorry dahil hindi ako nakapagpaalam sa 'yo nang maayos 20 years ago, Sylvia. Biglaan kasi ang nangyari sa akin sa mga araw na 'yon," aniya. He's right. Hindi talaga siya nakapagpaalam sa akin nang maayos at wala rin kaming officially break up that time. At ang akala ko ay wala lang talaga ako para sa kanya. Kaya nagawa niya akong iwan noon at nabalitaan ko na lamang na ikinasal na pala siya. "O-okay lang... Wala na 'yon sa akin. That's all in the past, Thom." Biglang dumaan ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon sa kanya. "Ganoon ba?" malungkot na tanong niya sa akin at napayuko pa siya. Kaya hinawakan ko ang kamay niya na nasa table lang. Nararamdaman ko pa rin ang kuryente na nagmumula sa kamay niya. Parang bumalik ako sa mga panahon na kami pa. "I'll moved on, Thom," saad ko at mas lumungkot pa siya lalo. "Tanggap ko ang nangyari sa atin sa nakaraan. Mananatili na lamang 'yon na isang napaka-gandang alaala para sa akin. Kaya huwag kang mag-sorry sa akin, Thom. Masaya na ako dahil nahanap mo ang babaeng nakalaan talaga para sa 'yo at..." Napasulyap ako sa anak niya na may kasama ng isang dalaga na nasa Junior High School pa ito. "Dahil nagkaroon ka ng Silver Thome A. Tan. Parang nakita ko ulit ang dating Thomas na nakilala ko noon," dagdag ko at muli ko siyang tinitigan. "Pero mas masaya ako dahil muli kitang nakita." Pinisil ko ang kamay niya pero malungkot pa rin ang ngiti niya. "Ikaw? Kamusta ang pamilya mo? Sino ang napangasawa mo? Ilan na ang anak mo?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Ikaw sana, Thom. Ikaw sana ang gusto kong pakasalan. Kung hindi lang tayo pinaglayo ng tadhana. Ikaw sana ang kasama ko sa loob ng 20 years. "Okay lang," sa halip na iyon ang naisagot ko. "Parang ikaw pa rin ang dati kong Sylvia na nakilala," aniya at napatulala ako nang sinabi niyang dati kong Sylvia. "Nalipasan man tayo ng panahon at heto, maganda ka pa rin. Mas gumanda ka." Tatlong oras ko lang nakasama si Thom. Masyadong limitado ang oras namin. Ayoko pa sanang umalis at iwan siya sa Starbucks dahil gusto ko pa siyang makasama. Pero hindi na dapat dahil may pamilya na siya. Baka makagawa pa ako ng kataksilan sa asawa niya. "Ma'am!" "Ma'am, sandali lang po!" May naririnig akong sumigaw na boses ng isang babae, tila may tinatawag ito. Patuloy lang ako sa paglalakad. "Ma'am! Saglit lang po!" Nagulat ako nang bigla akong hinarangan ng isang estudayante. Namumukhaan ko siya. Siya ang estudyanteng kasama ng anak ni Thomas. Napahawak siya sa magkabilang tuhod niya at hingal na hingal pa. Tagaktak siya ng pawis at magulo na ang mahaba niyang buhok. "Heto," saad ko at inilahad ko sa kanya ang puting panyo ko upang punasan ang pawis niya. Inabot niya ito nang nakangiti. "Salamat po." "Walang anuman," saad ko nang nakangiti rin at magpapaalam na rin sana ako nang pinigilan niya ako. "Bakit po kayo aalis kung mahal mo?" Kumislot ang puso ko dahil sa tanong niya kaya naninimbang na tinitigan ko siya. "You deserve to be happy, ma'am at ganoon din po si sir Thomas. Masyado na po kayong pinaglayo ng tadhana. This time po ay deserve niyong maging masaya, ma'am. Sa tingin po niyo, bakit kayo ipinanganak? Na nagkakilala rin pero dumating sa puntong naghiwalay kayo? At kalaunan ay muli kayong pinagtagpo. Masyado na pong masakit ang dinadala-dala niyo kaya please lang po, tama na. Ang buhay ng isang tao ay may kabuluhan, ganoon din sa mga taong nakikilala natin." "Alam ko pong mahal niyo si sir Thomas. Nakikita at nababasa ko po sa mga mata niyo. Masaya man kayo pero may lungkot din, may kulang sa pagkatao niyo." Napayuko ako dahil sa sinabi niya at bumuntong-hininga. "Alam ko, pero hindi na kami puwede." Humakbang siya palapit sa akin. "Pero hinanap po kayo ni sir Thomas, kahit may posibleng may pamilya na po kayo. Ma'am, alam ko rin po na mahal niya rin po kayo. Kahit hindi mo man lang ito narinig mula sa bibig niya ay mababasa mo po ito sa mga mata niya. Hindi niyo po ba nakita na malungkot siya, kahit nagkita na po kayo ulit?" Hindi ako nakasagot at napatingin na lamang ako sa daan kung saan makikita ang mga kotseng umaandar, ang maingaw na pagbusina nito at ang usok na nililipad ang hangin pataas. Ang mga taong naglalakad at tumatawid. "Ito na po ang pagkakataon niyo para ipaglaban ang isa't-isa. Madaya po ang tadhana at kung magpapa-apekto pa po kayo ay maghihintay na lamang po kayo ng himala. Bakit hindi na lamang ngayon? Sabihin po niyo sa kanya ang totoo. Na mahal niyo siya." One thing is for sure ay tumatakbo na ako ulit sa Starbucks. Ramdam ko rin na sumunod sa akin ang dalaga. Isa lang ang naisip ko at this moment. Kahit may asawa na si Thom ay nais ko pa rin na ipagtapat sa kanya na mahal ko siya. Na iniibig ko siya. Pero nakakabigo rin, dahil wala na siya sa puwesto namin kanina. I took a deep breath at may umalpas na luha sa aking pisngi. Wala na... "Ma'am," dinig long sambit ng dalaga at kinulbit ako sa braso. Nang tiningnan ko siya ay nakangiti siya sa akin kasabay na may itinuro niya sa akin. Napatingin ako sa kabilang kalsada kung saan may itinuro siya. Tumatambol na naman ang dibdib ko nang makita ko roon ang lalaking tinitibok ng puso ko. Sa kabilang kalsada, kasama ang mga taong nais din tumawid sa daan ay naroon nakatayo si Thom. Napahakbang ako sa gilid ng daan at maging siya. Ako na lumuluha na naman at siya ay nakangiti rin pero kumikislap ang mga mata niya. Nang maaari nang tumawid ang mga tao ay nagsimula rin kaming humakbang. Sa una ay marahan lang pero habang tumatagal ay napatakbo na kami. 'Sakto sa gitna ng kalsada kami huminto. "Thom..." "Sylvia..." "Mahal kita," sabay na sabi namin at muli kaming nagyakapan. *** "Saan mo nakilala ang anak ko, Nikki?" tanong ko sa dalaga na nagngangalang Nikki. At ang tinutukoy kong anak ay si Silver Thome. Ikinasal kami nakalipas lang ang isang buwan nang magkita kami ulit. Biyudo na pala si Thomas, 15 years na at nalaman din niya na hindi naman ako ikinasal sa ibang lalaki. At doon nagkaamin kami. Na mahal na mahal pala namin ang isa't-isa, dati pa. Sadyang nahuli lang kami sa realisasyon. "Love?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Hinalikan niya ako sa noo at tumabi sa akin nang nakaakbay. Sinong mag-aakala na kami rin pala sa huli? Sinubukan kami ng tadhana na ipaglayo pero heto't ikinasal pa rin kami. "Hindi mo pa ako sinasagot, Nikki," ani ko at binalingan ko nang tingin si Nikki na balak pa yatang tumakas sa tanong ko. "Ah, eh..." aniya at halatang nahihiya na siya. "S-sa bus terminal po, tita Syl." Napatingin ako sa asawa ko na sa akin din pala nakatitig. Ngumiti siya at sinapo ang pisngi ko. "May aabangan pala tayong love story, mahal," nakangiting sabi ko. "Eh, tita!" "At may namumuo ring pag-ibig," segunda niya sa akin. "Tito..." "Hi, mama Syl and dad. Mukhang nagkakasiyahan po kayo rito," ani Thome at tumabi kay Nikki na pulang-pula na ang pisngi. "Love in the bus terminal," sabay na wika namin ng asawa ko. The End...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD