PROLOGUE

1512 Words
Eka's P.O.V Alas singko ng hapon ng maisipan namin ng bestfriend ko na pumunta sa park para sana tumambay at makapagchika-chika na rin. "Aba! Nandito na naman yung kinaiinisan ko sa balat ng lupa!" - Tori Kaagad ko namang nabosesan yung lalaking nagsabi non. Kaya naman kaagad kong nilingon ang bestfriend kong si Mika. "Besh! Bakit hindi mo naman agad ako ininform?" - sabi ko kay Mika. Kaagad naman akong nilingon ni Mika. "Huh? Ano yon besh?" - tanong niya sakin. Kaagad ko namang tinuro yong lalaking kainiisan ko sa buong mundo. "Ito oh! Hindi mo ininform besh na may unggoy palang gumagala dito sa park na 'to. Parang nawalan tuloy ako ng gana gumala ngayon." - bwisit kong sabi. Bigla namang namula ang mukha ni Tori sa galit at akmang susugurin sana ako. "Aba't talaga namang.... Walangya ka talagang babae ka." - ani Tori. Kaagad naman siyang pinigilan ng mga kaibigan niya. "Oy pre, babae yan." - pigil sakanya ni Josh. "Masamang pumatol sa babae pre." - sabi naman ni RJ. Pinagkrus ko naman yong dalawang braso ko atsaka ko siya binigyan ng nakakalokong ngiti. "Buti nga sayo. Bleh" - sabi ko naman. Hindi parin mawala ang sama ng tingin sakin ni Tori kaya tinawanan ko siya. "Teka! Ano ba kayong dalawa? Hindi ba kayo magpapa-awat? Lagi nalang kayong ganyan! Sa loob ng 10 years ganyan pa rin kayo. Aso't-pusa nalang ba kayo palagi? Hindi na ako magtataka niyan kapag talaga kayong dalawa ang nagkatuluyan sa huli." - sabi ni Mika. "WHAT? NO!!" - sabay naming sabi ni Tori. Kaagad naman kaming nagkatinginan at parehas masama ang tinginan namin sa isa't-isa. "Okay, sabi niyo eh." - sabi ni Mika. At sabay silang nagtawanan kasama na mga kaibigan ni Tori. Kailan man hinding hindi ako magkakagusto sa unggoy na 'to. Hmmp! **************** "Arrrrgghh!! Kahit kailan nakakabwisit talaga pagmumukha ng lalaking yon." - nanggigil kong sabi. "Oy besh umayos ka nga. Para kang tulig diyan." - kaagad namang sabi ni Mika sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo isa ka din eh." - sabi ko sakanya. Bigla naman siyang napahawak sa dibdib niya. "Luh? Bakit ako?" - sabi niya. "Bakit parang kasalanan ko?" - dagdag pa niya. Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Hahaha charizz! Ang seryoso mo naman masyado besh hahaha." - sabi niya habang patawa-tawa pa. Hindi ko na siya pinansin pa at napabuntong-hininga nalang ako. "Basta ito tatandaan mo! Kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto sa unggoy na yon." - inis kong sabi. "Weh? Talaga ba?" - pang-aasar naman niya sakin. "Ano ba? Kakampi ba kita?" - badtrip kong sabi sakanya. "Oo nga. Sabi mo nga eh hehehe." - sabi naman niya atsaka siya umupo sa sofa namin. "Anyways! Nasaan nga pala sila tita besh? Bakit pansin ko ikaw lang nandito ngayon?" - sabi niya. Umirap naman ako sakanya atsaka umupo na rin. "As usual nag out of town ulit sila." - nanlulumo kong sabi. "And? Napag-iwanan ka na naman?" - tanong niya sakin. Tumango naman ako sakanya. "Ay nako! At dahil diyan party party tayo." - natutuwa namang sabi. Napataas naman bigla ang isang kilay ko sakanya. "Alam mo ikaw? Napaka-B.I mo talaga eh noh?" - sabi ko sakanya. Bigla naman siyang tumayo at pinagkrus ang dalawang braso niya. "Hoy! Anong B.I ka diyan? Minsan lang naman eh, hindi naman araw-araw noh?" - nakasimangot niyang sabi saakin. "Alam mo kahit na! Hindi pa rin maganda na magparty-party tayo. Atsaka wala rin ako sa mood para diyan." - sabi ko. Kaagad naman akong umakyat ng kwarto ko pero kinukulit at sinusundan naman ako ng bestfriend ko. Sabi kasing ayaw ko eh hays. Kulit eh! ONE HOUR LATER.... *TUGS TUGS TUGS* "HEY! PARTY PARTY! COME ON GUYS!" Pagkapasok na pagkapasok namin dito sa bar nila Mika, ang ingay na kaagad ang sumalubong saakin. Tiningnan ko muna ang buong paligid. Wala pa rin pala pinagbago 'tong bar nila Mika. Tulad pa rin ng dati. Huling punta ko kasi dito nong nag-birthday ako last year. Dito kasi ginanap yon. Hinanap naman kaagad ng paningin ko ang counter baka sakaling nandoon kuya ni Mika. Opo! Yes po! Crush ko kuya ni Mika. "Hi Kevin!" - rinig kong tilian ng ibang mga babae na nasa likod ko. Kaagad namang hinanap ng paningin ko kong nasaan si Kevin. At nandoon siya sa stage nagseset-up. Lagi kasi may pa-mini-concert itong si Kevin, kaya naman halos mapuno 'tong bar nila kada sasapit na ang gabi, lalo na ibang mga kababaihan. Tinitigan ko naman siya habang inaayos niya ang gitara niya at microphone. Shit! Ang pogi pa rin talaga niya. Hays! Hindi talaga ako magsasawang titigan siya. "HOY!" "Ay butiki!" - gulat kong sabi. Kaagad ko namang nilingon kong sino man nanggulat sakin. Nakita ko naman si Mika na patawa-tawa dahil sa naging reaksyon ko. "Alam mo ikaw nakakainis ka na talaga!" - inis kong sabi sakanya. "Hahaha! Nakakatawa talaga reaksyon mo besh pag nagugulat" - natatawang sabi niya. "Tse! Bakit ka ba kasi nanggugulat?" - tanong ko sakanya. "Ehem. Good evening everyone." "Ahhhh! Kevin!!!" - tilian nila. Kaagad naman akong napatingin sa stage kong nasaan si Kevin. "Ayan oh! Baka matunaw yan si Kuya kakatitig mo. Hahaha!" - pang-aasar naman bigla ni Mika sakin. "Tse! Manahimik ka jan." - sabi ko. "Everyone! This song is for the people who's inlove." - sabi ni Kevin. Kaagad naman niyang pinatunog ang gitara niya para magsimula na sa pagkanta. Tinitingnan ko bawat kilos at paggalaw niya. *Our little conversations are turning into little sweet sensations and they're only getting sweeter everytime* Napatitig naman ako bigla sakanya. Ang ganda talaga ng boses niya. *Our friendly get togethers are turning into visions of forever if i just believe this foolish heart of mine* Nagulat naman ako ng bigla siyang napatingin sa gawi ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko habang nakatingin sakanya. *I can't pretend that i'm just a friend 'cause i'm thinkin' maybe we were meant to be* Wait! Ako ba tinitingnan niya? *I think i'm fallin', fallin' in love with you and i don't, i don't know what to do i'm afraid you'd turn away but i'll say it anyway* Napaiwas nalang ako bigla ng tingin sakanya at nagkunwaring may tinitingnan sa bag. *I think i'm fallin... for you i'm fallin' for you...* Napansin ko na parang wala sa bag ko yong cellphone ko. Shit! Nasaan yon? Kaagad ko namang kinapa ang bulsa ng pantalon ko. Pero wala din. *Whenever we're together wishing that goodbyes would turn to never 'cause with you is where i've always wanna be whenever i'm beside you all i really wanna do is hold you no one else but you has meant this much to me* Nasaan na yon? *I can't pretend(ooh...) that i'm just a friend(i'm just a friend...) 'cause i'm thinkin' maybe we were meant to be* "Oy besh? Anyare? May hinahanap ka ba?" - tanong ni Mika sakin. Napansin niya siguro na aligaga na ako sa kakahanap sa phone ko. "Yong phone ko besh. Hindi ko makita dito sa bag ko." - kinakabahang sabi ko sakanya. "Hala saan mo ba nailagay? Baka naman naiwan mo sa bahay niyo." - nag-aalalang tanong niya sakin. "Hindi ko nga rin alam eh." - sabi ko. *I can't pretend(ooh...) that i'm just a friend(i'm just a friend...) 'cause i'm thinkin' maybe we were meant to be* Pinagpapawisan na ako kakahanap sa phone ko baka sakaling nasa bag ko. "Ah besh sandali ah!" - sabi ko sakanya. "Teka saan ka pupunta?" - kaagad naman niyang tanong sakin. "Titingnan ko sa kotse baka nandoon yong phone ko." - sagot ko naman agad sakanya. "Ah sige! Gusto mo samahan na kita?" - tanong niya. "Hindi na besh. Lapit lang naman ng pinagpark-an ko dito." - sabi ko sakanya. "Sure ka besh ah." - kaagad niyang sabi. *I think i'm fallin', fallin' in love with you and i don't, i don't know what to do i'm afraid you'd turn away but i'll say it anyway* Kaagad naman akong tumango at dali-daling lumabas ng bar. Nang makalabas na ako ng bar, kaagad kong hinanap yong kotse ko. Kaso sa pagmamadali ko, hindi ko na namalayan na madulas pala yong kalsada dahil umuulan. "Ahhhhh!" - sigaw ko ng bigla akong madulas. Ineexpect ko na tatama yong likod at pwet ko dito sa kalsada kaya tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko. Napapikit na sana ako at ready ng masaktan nang bigla nalang may sumalo sakin. *I think i'm fallin', fallin' in love with you and i don't, i don't know what to do i'm afraid you'd turn away but i'll say it anyway* Kaagad ko namang nilingon kong sinong sumalo saakin. T-Teka!? Nanlaki naman bigla ang mga mata ko ng makita ko siya. "IKAW?" -sabay naming tanong sa isa't-isa. *I think i'm fallin'... for you i'm fallin' for you i'm fallin', i'm fallin' for you i'm fallin', i'm fallin for you and i don't know what to do, yeah yeah i'm fallin' for you..* Sa dinami-dami bakit siya pa? Arrrgh! -------------**************------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD