CHAPTER 1

1834 Words
Tori's P.O.V Nandito kami ngayon sa Bar nila Mika at napagpasyahan naming magkakaibigan na magpakasaya sa loob. For sure madami na namang chicks ang mahuhumaling sakin nito. "Oy pre! Una na kami ni RJ sa loob ah. Nagtext na kasi samin mga gf namin na nandoon na daw sila sa loob." - kaagad namang sabi ni Josh sakin. Kasalukuyan kasi akong nag-aayos sa sarili ko ngayon dito sa loob ng kotse ko. "Ah sige pre! Sunod nalang ako." - kaagad ko namang sabi. Kinayawan niya naman ako atsaka siya tuluyang umalis. Maya maya lamang ay kaagad naman akong lumabas ng kotse ng sa wakas ay matapos ko ng ayusin ang sarili ko at magpagwapo. Kaso nagulat ako ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan. "Ay peste naman oh! Bakit ngayon pa umulan. Okay na sana eh." - inis kong sabi atsaka ko binuksan kotse ko para kunin ang payong. Nang makuha ko na payong ko na nasa backseat saka ko na sinarado pinto ng kotse ko. Kaagad naman akong umalis at didiretso na sana papasok sa bar ng bigla nalang may nakita akong pamilyar na babaeng muntik ng madulas. "Ahhhhh!" - rinig kong sigaw niya. Parang nabobosesan ko na 'to. Pero hindi ko na pinansin pa yon at kaagad ko naman siyang sinalo. *I think i'm fallin', fallin' in love with you and i don't, i don't know what to do i'm afraid you'd turn away but i'll say it anyway* Bigla naman siyang napakapit sakin habang nanginginig. Hanggang sa maya maya ay kaagad niya akong nilingon. "IKAW!?" - sabay naming sabi. Nagulat ako at the same time hindi makapaniwala sa babaeng nasa harapan ko. Sa dinami dami ng babaeng pwede kong saluhin bakit siya pa? "Tori!" - rinig kong sigaw nila RJ at Josh. "Eka!" - sigaw naman ni Mika. Hindi na pala namin namalayan na nagkatitigan na kami sa isa't-isa. *Lubdub Lubdub Lubdub* "A-Ah! Bitawan mo nga ako!" - ani Eka. Kaagad naman siyang tumayo at bumitaw sa pagkakakapit sakin. Kaagad naman akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Ano ba 'to? May sakit na ba ako sa puso? Bakit ganito? Pero hindi naman siya masakit. "Oy okay lang ba kayo? Basang-basa na kayo ng ulan." - sabi ni Mika. Sunod-sunod naman silang nagsi-lapitan saamin para payong-an kami. "Oy pre ayos ka lang?" - nag-aalalang tanong ni RJ saakin. "May masakit ba sayo pre?" - tanong din ni Josh. Kaagad naman akong napatingin kay Eka na basang-basa at pinupunasan ni Mika ng tuyong tuwalya habang pinapayungan pa. "K-Kasalanan ng babaeng yan." - turo ko kay Eka. Kaagad naman nilang tiningnan si Eka. "Bakit pre? Anong ginawa sayo?" - tanong ni Josh. Hindi agad ako nakasagot. Ano nga bang ginawa niya sakin? Basta ang alam ko muntik na siya madulas at sinalo ko lang naman. "Hindi kasi nag-iingat eh." - inis kong sabi. Sinadya kong iparinig kay Eka yong sinabi ko para tumingin siya sakin. At hindi nga ako nagkamali. Bigla siya napalingon sakin kaso nga lang masama ang tingin sakin. "Oo na hindi ako nag-iingat! Pero ginusto ko bang saluhin moko?" - inis niyang sambit. "Uh-oh! Ayan na naman po sila." - rinig kong sabi ni Josh. Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya at napabuntong-hininga. "Sa susunod kasi mag-iingat ka." - sabi ko habang hindi pa rin makatingin sakanya. "Hindi kasi sa lahat ng oras may sasalo sayo." - dagdag ko pa. Kaagad naman akong umalis at dumiretso sa kotse ko at kaagad ko itong pinaharurot. Hindi ko na alam kong ano pa mga pinag-usapan nila. Basta gusto ko ng umuwi. Hays! Sinira ng babaeng yon ang gabi ko. Yong pag-aayos ko sa sarili ko kanina nasira lang dahil sakanya. Patuloy lang ako sa pagpapatakbo ng sasakyan ko at hindi ko na namalayan na nakarating na kaagad ako dito sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay kaagad kong nilock ang pintuan ko at dumiretso sa banyo para maligo. Habang naliligo ako hindi maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Hindi maalis sa utak ko yong pagmumukha ng babaeng yon. Hindi ko na maintindihan nararamdaman ko basta naiinis pa rin ako sakanya. TWENTY MINUTES LATER... Kaagad na akong nagbihis pagkatapos kong maligo at dumiretso sa kusina para kumain. Habang kumakain ako bigla nalang nag-ring yong phone ko. "Hello pre?" - kaagad kong tanong pagkasagot ko sa tawag. Nagtaka naman ako bigla kasi hindi agad sumagot si Josh sa kabilang linya. "Pre? Nandiyan kapa ba?" - nagtatakang tanong ko. "P-Pre..." - rinig kong sagot niya. "Oy bakit pre? May nangyari ba?" - nag-aalalang tanong ko sakanya. "Pre si Eka... Isinugod namin dito sa hospital." - sabi ni Josh na ikinagulat ko. Nabitawan ko kaagad yong kutsarang hawak ko. "ANO?! Bakit anong nangyari sakanya?" - nag-aalalang tanong ko sakanya. "Hinimatay siya kanina pre pagka-alis mo." - kaagad niyang sabi sakin. Dali-dali naman akong tumayo at kaagad kong kinuha ang susi ng kotse ko na nasa sofa. "Sige pre hintayin niyo ako diyan. Papunta na ako." - kaagad kong sabi sakanya. "Okay pre. Mag-iingat ka." - sabi ni Josh. Kaagad ko ng binaba ang tawag at saka na ako dumiretso sa kotse ko. *PEEEEEEEEP* Arrrrrggggh!! Bakit ngayon pa nagkaroon ng traffic? Kong kailan nagmamadali ako eh hays! Kinuha ko muna ang phone ko para itext sila Josh. To: Josh 09******078 Natraffic ako dito. Pero malapit naman na ako. Kamusta si Eka? Nang maisend na yong text ko kaagad na akong humarurot ulit nang mawala na ang pagkatraffic. FINAL DESTINATION HOSPITAL... Pagka-park ko ng sasakyan kaagad na akong dumiretso papasok ng hospital. Kamusta na kaya si Eka? Okay lang kaya siya? Kinakabahan ako para sakanya lalo na dito pa siya sinugod sa hospital na 'to. Sino bang hindi mag-aalala kong pang final destination na 'to? Hays! Sino ba kasi nagpangalan ng hospital na 'to. Kaagad naman akong nagtanong sa front desk ng hospital na 'to kong saan naka-confine si Eka. "Hi Miss. Saan yong room ni Miss Erika Guanzon." - kaagad kong tanong. "Ah wait lang po sir ah. Hanapin ko lang po." - kaagad din naman niyang sabi. Tumango naman ako sakanya. "Ah sir nasa room 223 po si maam Erika Guanzon." - kaagad naman niyang sabi. "Okay! Thank you Miss." - sabi ko atsaka ko siya kinindatan. Nakita ko naman na parang kinilig siya sa ginawa ko kaya napailing-iling nalang ako. Mga babae naman talaga! Mahihilig sa pogi. Maliban nalang kay... Arrrggggh!!! Kailangan ko ng bilisan pumunta don. Kong ano ano na pumapasok sa utak ko. Kaagad naman akong nagpwesto sa tapat ng elevator at inantay kong bumukas ito. "Hi." - rinig kong sabi nong nasa gilid ko. Kaagad ko naman ito nilingon. "Kevin? Ikaw pala pre?" - gulat kong tanong sakanya. Nagtataka naman ako na nandito rin siya sa hospital na 'to? "May bibisitahin ka ba dito sa hospital pre?" - nagtatakang tanong ko sakanya. "Ah pupuntahan ko si Eka pre. Nabalitaan ko kasi na sinugod siya dito." - kaagad naman niyang sabi. "Ah i see." - tanging naisagot ko nalang. Naalala ko nga pala crush ni Eka si Kevin. Pero si Kevin walang gusto kay Eka. Nakapagtataka lang na dadalawin niya si Eka ngayon samantalang halos hindi niya nga pinapansin si Eka dati. Kaagad namang bumukas ang elevator at pumasok na kami ni Kevin. "Anyways! Ikaw pre? Sino dadalawin mo dito?" - nagtatakang tanong niya sakin. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Alam kasi nilang lahat kong paano kami magbangayan ni Eka. Halos isumpa namin ang isa't-isa. "Huwag mong sabihing....." - Kevin. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bumukas na ang elevator. Senyales na nandito na kami sa 2nd floor. Kaagad naman kaming lumabas at hinanap ang room ni Eka. "Si Eka pre?" - biglang tanong niya sakin. "Huh?" - tanging naisagot ko. "Si Eka rin pupuntahan mo?" - tanong ulit niya. "Ah Oo pre." - simpleng sagot ko sakanya. Hays bakit ba kasi ang daming tanong nito? May gusto na ba siya kay Eka? Hindi pwed----- Hays! I mean hindi pa pala pwedeng magboyfriend si Eka. ROOM 223 "Hala mga loko kayo! Akin na tinapay ko. Gutom na ako eh." - rinig kong sigaw ni Mika sa loob. *TOKTOKTOK* Kumatok na si Kevin sa room ni Eka. "Nandyan na yata si Tori." - kaagad namang sabi ni Mika. Dali-dali namang bumukas ang pinto at unang bumungad sakanila ay si Kevin. "Kuya?" - gulat na tawag ni Mika sa Kuya niya. "Anong ginagawa mo dito?" - dagdag pa niya. "A-Ah dadalawin ko lang sana si Eka. Gusto ko lang malaman kong kamusta ang lagay niya." - napapakamot sa ulong sabi ni Kevin. Napaiwas naman naman ako bigla ng tingin sakanila. Hindi ko maintindihan bigla ang nararamdaman ko ngayon. Parang sumama yata. "Eh? Paano mo nalaman na nandito si Eka?" - tanong pa ulit ni Mika. "Nalaman ko kasi doon sa gwardiya sa labas ng bar natin. Sabi niya hinimatay daw kaibigan mo. Eh... Si Eka lang naman ang alam kong kaibigan mo." - sagot ni Kevin. Tumango naman si Mika sa sinabi ng Kuya niya. At maya maya lamang ay kaagad niya akong nakita. "Oy Tori? Nandiyan ka na rin pala! Magkasabay kayo?" - gulat na tanong niya. "A-Ah oo. Nagkasabay kami ni Kevin papunta dito." - kaagad namang sagot ko. Tumango naman ulit si Mika. "Oh siya. Pasok na kayo dito." - kaagad naman niyang sabi. Pumasok naman agad kami sa loob at nakita kong wala pang malay si Eka. "Wala pa rin pala siyang malay hanggang ngayon?" - tanong ko. "Wala pa eh. Kanina pa namin inaantay na magkamalay na siya kaso wala pa rin." - sagot ni Mika. Hindi na ako umimik pa at umupo na muna ako sa sofa doon. Habang busy ako mag laro ng ML sa phone ko bigla namang bumukas ang pinto. "Hello everyone. I'm Doctor Ignacio." - pagpapakilala samin ng doctor. "Hello po Doc." - kaagad namang sabi ni Mika. Tumango naman kaming mga lalaki. "Sino dito sainyo ang kamag-anak ni Miss Erika Guanzon?" - tanong naman samin ng doctor. Nagkatinginan naman kaming lahat. "Ah Doc. Kami kaming mga kaibigan lang po ni Eka ang nandito." - sabi naman ni Mika. "Ah nasaan ang parents niya?" - tanong pa ulit ng doctor. Bakit ang dami ring tanong ng doctor na 'to? Sapakin ko na talaga 'to dami pang pasikot-sikot 'di nalang sabihin ang dapat na sabihin. "Nasa out of town po." - sabi ni Mika. "Kami nga lang po nandito. Bakit ba ang dami niyong tanong? Hindi niyo nalang sabihin yong dapat sabihin?" - kaagad ko namang sabi sa doctor. Medyo nag-iinit na kasi ulo ko sa doctor na 'to. "Well! Si Miss Erika ay mayroon siyang...." - tingin saamin isa-isa. "Ano Doc? Huwag mo kami binibitin?" - saad ko pa. "Bro easy lang." - saway naman sakin ni RJ. Nagbuntong-hininga muna ang doctor bago ituloy ang sasabihin. "Mayroon siyang... Tumor sa utak." - sabi ng doctor na ikinagulat naming lahat. Kaagad ko namang nabitawan ang phone na hawak hawak ko. "Ano???" - hindi makapaniwalang tanong ko. --------------*************------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD