CHAPTER 2

1741 Words
Eka's P.O.V "Kami nga lang po nandito. Bakit ba ang dami niyong tanong? Hindi niyo nalang sabihin yong dapat sabihin?" Kaagad naman akong nagising sa ingay ng boses ni Tori. Pagdilat ng mga mata ko napatingin naman kaagad ako sa grupong nasa gilid malapit sa sofa. "Well! Si Miss Erika ay mayroon siyang...." - pigil ng doctor sa sasabihin niya. Napakunot naman ang noo ko at inilibot ko sa paligid ang paningin ko. Teka bakit nasa hospital ako? Ano nangyari sakin? "Ano Doc? Huwag mo kami binibitin?" - sabi naman ni Tori na halatang naiinis na. "Bro easy lang." - saway naman ni RJ kay Tori. Ano bang nangyayari? Nakita ko namang nagbuntong-hininga muna ang doctor bago ituloy ang sasabihin. "Mayroon siyang... Tumor sa utak." - sabi ng doctor na ikinatigil bigla ng mundo ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. T-Tumor? Sa utak? Ano ibig sabihin non? "Ano???" - hindi makapaniwalang tanong ni Tori sa doctor. Naramdaman kong biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. "Ano pong ibig sabihin non Doc?" - naiiyak na tanong ni Mika. "A brain tumor is a mass or growth of abnormal cells in your brain. Many different types of brain tumors exist. Some brain tumors are noncancerous (benign), and some brain tumors are cancerous (malignant)." - kaagad namang sagot ng doctor. "S-So, kay Eka po? Noncancerous po ba sakanya or cancerous?" - nag-aalalang tanong ni Mika. Kaagad namang tiningnan ng doctor ang papers na hawak niya. "Well! For Miss Erika Guanzon. She had a benign (non-cancerous) brain tumour." - sagot naman ng doctor. "So hindi naman po siguro malala yon Doc?" - tanong naman ni Kevin. Wait? Bakit nandito rin si Kevin? "Don't worry guys. It is a mass of cells that grows relatively slowly in the brain. That means, non-cancerous brain tumours tend to stay in one place and do not spread. It will not usually come back if all of the tumour can be safely removed during surgery." - kaagad namang paliwanag ng doctor. Kaagad naman silang nakahinga ng malalim dahil sa narinig mula sa doctor. "So, may chance pala na hindi naman kumalat yong tumor niya." - sabi naman ni Tori. Tumango naman ang doctor. "Yes. But huwag pa rin kayong pakampante. Kailangan maialis agad yon as soon as possible." - kaagad namang sabi ng doctor. "Okay po Doc. Thank you." - kaagad namang sabi ni Mika. Tumango ulit ang doctor atsaka nagpaalam na ito. Pagkalabas ng doctor kaagad naman nagsi-tinginan ang mga kaibigan ko sakin. "Eka! Gising ka na pala!" - kaagad namang lapit sakin ni Mika. "Eka! Are you alright? May masakit pa ba sayo?" - nag-aalalang tanong ni Kevin sakin. Tumango naman kaagad ako sakanya. "Oo. Okay na ako, wala naman masakit saakin." - kaagad kong sagot. Pipilitin ko na sanang bumangon mula sa pagkakahiga ko kaso nakaramdam agad ako ng sakit sa katawan. "Ouch!" - bigla kong nasabi. Kaagad naman akong inalalayan ni Kevin. "Huwag ka muna babangon, ipahinga mo muna sarili mo baka sumama ulit pakiramdam mo." - nag-aalalang sabi ni Kevin atsaka niya ako dahan-dahan pinahiga. Habang dahan-dahan niya akong inaalalayan hindi ko maiwasan hindi mapatingin sakanya. Para bang kaming dalawa lang ang nandito, parang umiikot lang saming dalawa ang mundo ngayon. Habang nagpapantasya ako saming dalawa bigla namang may sumingit sa nakakilig naming moment. "Pre, tama na yong inalalayan mo siya na makahiga ulit. Pero yong hahawakan mo kamay niya parang sumusobra na." - biglang sabi ni Tori. Kaagad naman kaming napalingon sakanya. "Bakit pre? Wala naman sigurong masama kong hahawakan ko kamay niya?" - sabi naman ni Kevin. "Para sakin masama yon pre." - kaagad namang sabi ni Tori. Bigla namang napangisi si Kevin. "Then tell me why? And besides wala naman boyfriend si Eka kaya sa tingin ko naman walang problema doon." - dagdag pa ni Kevin. Nakita kong naiinis si Tori kay Kevin. "Wala nga siyang boyfriend pero hindi pa siya pwedeng makipaglandian." - naiinis na sabi ni Tori. Bigla naman akong napanganga sa sinabi ni Tori. Saan naman niya nakuha 'yang pinagsasabi niya? "Teka nga pre. Ikaw ba ay may gusto kay Eka? 'Di ba dapat wala ka naman pakialam sakanya?" - pang-aasar na tanong ni Kevin kay Tori. Bigla naman napatingin sakin si Tore. Nakita ko din na umigting ang panga niya. "Wala." - kaagad naman niyang sagot. Aba'y dapat lang! "Well! That's good pre. Kasi ako balak ko ng ligawan si Eka." - sagot naman ni Kevin na ikinagulat naming lahat. Wait? Tama ba narinig ko? L-Ligawan ako ni Kevin? Omg!!! Dream Come True na ba ito? "Kuya? Tama ba narinig namin? Liligawan mo si Eka? Ibig mong sabihin..." - gulat na sabi ni Mika. "Yes." - sagot ni Kevin at kaagad naman siyang napatingin saakin. "Gusto ko na si Eka." - dagdag pa niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko at ramdam kong namumula ang mukha ko. "OMG!!!!" - kinikilig na sabi ni Mika. Napaiwas naman bigla ako ng tingin at sa hindi sinasadya nadaanan ng paningin ko si Tori na hindi maipaliwanag ang itsura. Hindi ko alam kong galit ba siya or nalulungkot. Pero bahala siya. Basta ako masaya ang puso ko ngayon dahil finally gusto na rin ako ng taong gusto ko. ***************** After 5 days na pag stay ko sa hospital finally nakauwi na rin ako. "Hay! Finally nakauwi rin." - kaagad kong sabi. "Oy besh. Huwag mong papagudin sarili mo ah. Pinagpaalam ko nga pala kela tita na dito muna ako magstay sayo habang wala pa sila, para naman may kasama ka at maalalayan kita at pumayag naman sila." - kaagad namang sabi ni Mika sakin. "Oy salamat besh ah. Nakakahiya naman sayo." - sabi ko pa. "Sus! Huwag ka na mahiya. Magbestfriend naman tayo eh." - sabi naman niya. Kaagad naman siyang pumunta sa kusina. "Atsaka besh. Grabe hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya kanina." - sabi niya habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Oh ito, inom ka muna tubig." - sabi niya atsaka inabot ang isang basong tubig. Kaagad ko namang inabot ito. "Oo nga eh, iniisip ko nga na baka nagbibiro lang siya." - sabi ko pa bago uminom ng tubig. "Ay nako besh! Sa tingin ko, hindi nagbibiro yon si Kuya kanina. Nararamdaman ko na totoo sinasabi niya na gusto ka talaga niya. Omg!!! Excited na ako sa magiging anak niyo." - sabi naman niya. Kaagad ko namang naibuga sakanya yong tubig na iniinom ko. "OMG!! Besh ano ginawa mo sa damit ko? Bakit binugahan mo ng tubig?" - gulat na sabi niya. "Sorry besh. Ikaw naman kasi eh, nakakagulat sinabi mo." - kaagad ko namang sabi. Kaagad naman akong tumayo para kumuha ng tissue. "Sorry talaga besh." - sabi ko. Kaagad ko namang pinunasan ng tisyu ang damit niya na nabugahan ko. Inagaw niya naman sakin bigla ang tisyu na ipinampupunas ko sa damit niya. "Maupo ka nalang diyan besh. Ako na bahala dito." - sabi naman niya. Sinunod ko naman yong sinabi niya. Umupo na ulit ako sa sofa habang siya na nagpupunas sa damit niya. Maya maya lamang ay bigla nalang tumunog yong doorbell namin. Nagkatinginan naman kami bigla ni Mika. "May inaasahan ka bang bisita besh?" - tanong sakin ni Mika. "Huh? Wala naman besh eh." - naguguluhan kong sagot sakanya. "Teka nga. Tingnan ko." - kaagad kong sabi at dali-dali akong lumabas ng bahay. Nang makarating ako sa gate ng bahay namin at binuksan ito kaagad ko namang nakita si Tori. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" - naiinis kong tanong sakanya. Kaagad naman niya akong tiningnan. "Eka." - tanging naisagot niya. Kaagad naman siyang lumapit sakin at naamoy ko naman kaagad ang alak sakanya. Nagulat na lang ako ng bigla niya ako isandal sa pader. "T-Teka! Tori ano ginagawa mo? Bitawan mo nga ako." - sabi ko habang tinutulak ko siya. Bigla naman siyang ngumisi saakin. "Wala kang kawala sakin Eka." - sabi naman niya. Napakunot naman ang noo ko sakanya. "Ano bang pinagsasabi mo? Lasing ka na oh. Teka tatawagan ko si----" - hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong hinalikan. *Lubdub Lubdub Lubdub* Bigla nalang akong nawalan ng lakas dahil sa ginawa ni Tori. Hindi ko na siya naitulak pa. Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Bakit hindi ko siya maitulak? Naramdaman ko na gumagalaw ang labi ni Tori kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko. Hindi namin namamalayan na naghahalikan na pala kami. Hindi ko na maintindihan yong nararamdaman ko at pintig ng puso ko. Naguguluhan na ako bigla sa sarili ko. "OMG!!! Anong ibig sabihin nito?" - rinig kong sigaw ni Mika. Nagulat kami parehas ni Tori at kaagad bumitaw sa isa't isa. "Tori! Eka! Can you explain what's happening here?" - gulat na tanong samin ni Mika. "A-Ah eh... Kasi besh---" - hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko ng sumabat si Tori. "Naghalikan kami ni Eka." - kaagad namang sagot nito. "What? Naghalikan kayo?" - tanong ni Mika at kaagad naman siyang tumingin saakin. "Hindi besh! Mali ang iniisip mo." - depensa ko naman sa sarili ko. "Then? Ano yong nakita ko? Don't tell me... Kinain niyo yong sinabi niyo?" - nang-aasar bigla na tanong ni Mika. Bigla naman ay parang umakyat lahat sa mukha ko ang dugo ko at biglang uminit ang mga pisngi ko. "H-Hindi ah." - sabi ko at kaagad kong iniwas ang tingin ko. "Ay grabeng revelation naman 'to besh! Kanina lang umamin si Kuya na gusto ka niya tapos ngayon? Naghalikan kayo ni Tori na samantalang mala aso't-pusa kayo dati?" - gulat na gulat na sabi ni Mika. "Ewan ko sayo besh! Wala lang 'yong nakita mo kanina!" - inis kong sabi. Kaagad ko namang tiningnan si Tori at sinamaan ko ito ng tingin. "Kasalanan mo kasi 'to! Bwisit ka!" - sabi ko sakanya atsaka ako umalis. "Teka lang naman Eka!" - rinig kong sigaw ni Tori. "Tse! Manahimik ka na diyan! Umuwi ka na nga." - inis kong sigaw sakanya. Ramdam ko naman na nakasunod sakin si Mika papasok ng bahay. At ako naman ay dumiretso sa kwarto ko at kaagad kong sinarado iyon. Pagkapasok ko ng kwarto ko napasandal naman ako bigla at napahawak sa labi ko. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba kasi ako pumayag na halikan ako ng unggoy na 'yon? Arrrrggghh!!! Bwisit ka talaga Tori! Ginugulo mo ngayon ang puso at isip ko!!! ---------------***************---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD