CHAPTER 3

1327 Words
Eka's P.O.V Kanina pa ako pa gulong-gulong sa higaan ko at hindi mapakali dahil sa mga nangyari kanina. Naalala ko naman bigla yong sinabi ni Mika kanina. "Ay grabeng revelation naman 'to besh! Kanina lang umamin si Kuya na gusto ka niya tapos ngayon? Naghalikan kayo ni Tori na samantalang mala aso't-pusa kayo dati?" - gulat na gulat na sabi ni Mika. May point si Mika grabeng revelation yong mga nangyari. Kasi una umamin si Kevin na gusto niya at liligawan niya ako. "Well! That's good pre. Kasi ako balak ko ng ligawan si Eka." - sagot naman ni Kevin na ikinagulat naming lahat. "Kuya? Tama ba narinig namin? Liligawan mo si Eka? Ibig mong sabihin..." - gulat na sabi ni Mika. "Yes." - sagot ni Kevin at kaagad naman siyang napatingin saakin. "Gusto ko na si Eka." - dagdag pa niya. Arrrgggh!! Gusto ko si Kevin. Oo matagal ko na siya gusto at matagal ko na rin hinihintay na magustuhan niya ako. Pero bakit ngayon parang naguguluhan ako bigla. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" - naiinis kong tanong sakanya. "Eka." - tanging naisagot niya. "T-Teka! Tori ano ginagawa mo? Bitawan mo nga ako." - sabi ko habang tinutulak ko siya. Bigla naman siyang ngumisi saakin. "Wala kang kawala sakin Eka." - sabi naman niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Lasing ka na oh. Teka tatawagan ko si----" - hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong hinalikan. "Aaaaaaahhhhhhhhh" - sigaw ko bigla. Bigla nalang ako napasigaw dahil naalala ko naman ginawa ni Tori sakin. Bwisit talagang lalaking yon! Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. *TOKTOKTOK* Napatingin naman kaagad ako sa pintuan ng marinig kong may kumatok. "Eka? Ayos ka lang? Narinig ko kasing sumigaw ka." - rinig kong tanong ni Mika sa labas. "A-Ah oo besh ayos lang ako. Sorry nanunuod kasi ako hehehe." - palusot ko bigla. Sorry besh! Nakakahiya kasi kong sasabihin ko sakanya ang totoo. Na nawiwindang na ako sa mga nangyari. "Sige besh. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka ah. Nandito lang ako sa kabilang kwarto." - kaagad naman niyang sabi sakin. "Sige besh. Salamat." - kaagad ko namang sagot. Narinig ko naman na umalis na siya. Bumalik na ako sa pagkakahiga ko pero maya maya lamang ay tumunog yong phone ko. Kinuha ko naman kaagad yong phone ko sa bedside table ko at chineck ito. *Unknown Calling* Sino naman 'to? Bakit number lang? Nagdalawang isip muna ako kong sasagutin ko ba ang tawag or hindi pero sa huli sinagot ko rin naman ito. "Hello?" - sabi ko sa kabilang linya. "Bakit ang tagal mo naman sagutin?" - medyo husky na boses. "Sino ba 'to?" - inis kong tanong. "Ako 'to. Si Natoy na mahal na mahal ka." - sagot naman ng nasa kabilang linya. Bigla naman napataas ang isang kilay ko sa narinig ko. "Hoy! Kong sino ka man ha? Wala akong kilalang Natoy! Kong ayaw mong magpakilala ng maayos papatayin ko na 'tong tawag na 'to." - inis kong sigaw sa kabilang linya. "Hahahaha." - rinig ko namang tawa niya. "Nakakatawa 'yon? Happy ka? Happy?" - inis kong tanong sakanya. "Natatawa kasi ako sayo hahaha." - tumatawang sabi niya. "Ako nabubwisit na ako ah! Hindi na ako natutuwa kanina pa! Andami ng nangyayari sa buhay ko na hindi maganda ngayon at huwag ka ng dumagdag pa! Okay?" - inis kong sabi sakanya at akmang papatayin ko na sana ang tawag ng bigla ulit siyang magsalita. "Bakit? Dahil ba sa umamin si Kevin sayo kanina na gusto ka niya at liligawan ka niya? Or dahil sa..... Hinalikan kita?" - tanong naman ng nasa kabilang linya. Kaagad ko namang nahulaan ko sino 'tong mokong na ito. At si unggoy lang pala. "Tori?" - hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. "Yes! It's me. No other than my love." - kaagad naman niyang sabi sakin. "Bwisit ka talagang unggoy ka! Anong my love ka diyan?" - inis kong sabi sakanya. "Hahaha! Naiimagine ko na hitsura mo Eka pag nagbubwisit ka sakin." - sabi naman niya. Inis na inis pa rin ako sakanya. "Bahala ka nga diyan. Ayoko ng makita pa pagmumukha mo." - inis kong sabi sakanya. "Oh? Bakit naman? Ayaw mo na ba makita ang gwapong pagmumukha ko?" - mayabang naman niyang tanong sakin. "Heh! Gwapo your face! Wala yan sa kalingkingan ni Kevin noh? Mas gwapo pa sayo yon!" - sabi ko naman sakanya. "Talaga? Pero ako naman ang first kiss mo 'di ba? Hahaha." - sabi naman niya bigla sakin. Bigla naman ako napaubo dahil sa sinabi niya. "Bwisit ka talaga! Hindi na ako natutuwa ah!" - sabi ko sakanya. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina sa kabilang linya. s**t! Bakit parang nagwapuhan ako sakanya sa part na 'yon? Nagpapa-cute ba 'tong unggoy na 'to? "Pero....seryoso Eka. Ang sarap mo palang halikan." - sabi naman niya. "Arrgghh! Ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan." - inis ko pa rin na sabi atsaka ko na pinatay ang tawag niya. Kaagad ko namang nilagay sa bedside table ko ang phone ko at nag-isip ng malalim. Ano bang nangyayari sa unggoy na 'yon? May saltik ba siya? Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. KINABUKASAN.... *TOKTOKTOK* Nagising naman ako bigla ng marinig ko na may kumakatok sa kwarto ko. Kaagad ko naman tiningnan ang phone ko kong anong oras na. 6:30 am "Eka? Gising ka na ba?" - Mika. Ang aga naman yata gumising ni Mika. "Ah oo besh. Gising na ako." - sabi ko. Kaagad naman akong bumangon at dumiretso na sa banyo ko para maligo. Makalipas ang halos 30 minutes kaagad na akong lumabas ng kwarto ko ng masigurado ko na okay na ang ayos ko at maganda na ako chaar. "Hi besh----" - babatiin ko na sana ang bestfriend ko ng may makita akong ibang tao bukod sakanya. "Hi Eka." - kaagad namang bati nito sakin. "Kevin? Ang aga mo naman yata?" - nagtatakang tanong ko sakanya. "Ah hehehe parte kasi ng aking panliligaw." - sabi niya at kaagad naman siyang tumayo at may kinuha sa likuran niya. "Para sayo nga pala." - sabi niya atsaka siya may inabot na bulaklak. "Wow! Thank you. Galing pa yata sa pwet mo 'to eh." - biro ko namang sabi sakanya. Nagtawanan naman silang magkapatid dahil sa sinabi ko. "Loko ka talaga hahaha." - sabi ni Kevin atsaka bigla niyang kinurot ang mga pisngi ko. Nakaramdam naman ako ng kilig dahil sa ginawa niya. "Aysus! Ki-aga-aga naman naglalandian agad kayo." - pabiro namang sabi ni Mika. "Hahaha ewan ko sayo besh." - nasabi ko nalang sakanya. "Hahaha! Okay tara let's eat?" - alok naman niya bigla sakin. Tumango naman ako at kaagad umupo. "Wow ang dami namang pagkain nito." - namamangha kong sabi. "Hehehe dinamihan ko na para makakain ka marami." - sabi naman ni Kevin. "Nako! Patatabain mo naman yata ako eh." - biro ko naman sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ko at nagsimula na kaming kumain habang masayang nagkukwentuhan. Nalaman ko naman na para sakin pala 'yong kinakanta niya sa bar nong nandoon kami. Ayiiieeh! Kinilig naman ako bigla. "Anyways! Eka pwede ba kita i-date mamaya?" - tanong ni Kevin sakin. "Huh? Hindi pa ba 'to date?" - nagtatakang tanong ko sakanya. Natawa naman siya bigla sa sinabi ko. "Hindi. I mean punta tayo mamaya sa MOA?" - alok niya sakin. "Ah! Sure. Why not? Hahaha." - sabi ko naman sakanya. Kaagad naman siya napangiti saakin. "Okay great!" - natutuwang sabi niya. "Ehem! Teka lang ah. May iba kayo kasama dito oh! Nakakahiya naman sakin." - biro ni Mika samin. "Ay nandiyan ka pala? Akala ko invisible ka lang hahaha." - biro ni Kevin sakanya. Napatawa naman ako sa sinabi niya kay Mika. At kita namang nainis si Mika sa sinabi ng Kuya niya. "Kuya naman eh!" - sabi niya atsaka hinampas ito sa braso. Nagtawanan naman kami ni Kevin dahil kay Mika. ---------------*************-----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD