SOPHIA
MASIGLA akong pumasok sa eskwela ngayon, masaya ang puso ko dahil sa pag-uusap namin ni Red.
Kahit hindi naman ganoon ka-smooth okay lang.
Mahalaga na sa akin 'yong napansin niya ang beauty ko, once for a while.
He texted me up! Kahit hindi ko naman hiniling.
Siguro kung ikukumpara ko sa isang laro, ang damdamin niya para sa akin nasa Level one na— at least and'on yong improvement.
Na hindi siya nag-hesitant iparamdam sa akin na may space rin naman ako sa puso niya kahit kakaunti lang.
'Ay hindi! Gusto ko max level. Iyong mapuno ang puso niya ng pangalan ko at mawalan na ng space kundi ako lang dapat," aniya kong nakangiting bulong sa aking sarili.
"Senyorita Sophia, nandito na ho tayo," untag sa akin ni Manong Pido.
"Ikaw talaga, Manong. Wala ka man lang pasintabi may day dreaming pa ako e," natatawa kong biro kay manong.
Tumawa lang ito sa akin.
"Iyong imaginary boyfriend mo na naman ba?" anito
"Baka boyfriend na ho..." ani ko naman sa kaniya.
"Wala na akong sinabi, Ma'am," sabi ni manong.
"Joke lang, Manong. Nililigawan pa lang.."
"Nililigawan ka niya?" mukhang nagtataka pang tanong nito sa akin.
"Hindi ho! Ako nililigawan ko siya—" pag-amin kong natatawa.
Nakitawa na rin sa akin si manong, mabuti pa ito smooth lang kung kausapin ako.
'Sana si Red din,' hiling ko sa sarili.
"Sigi ho, Manong. Sunduin niyo na lang ako kapag hindi ako susunduin ng boy friend ko," natatawa kong sambit sa kanya, dahil sa sarili ko alam kong nagbibiro lang naman ako.
"Sigi! Mag-iingat ka, Hija. Huwag masyadong sumugal.." makabuluhang sabi sa akin ni Manong Pido.
Natigilan ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Tumaya na po ako, Manong. Manalo o matalo man, sumugal na ho ako," sambit ko sa kaniya.
Iyon ang katotohanan ngayon. Tinaya ko na talaga ang lahat-lahat kay Red.
Hindi lang dahil sa usapan namin ni Kuya Brian kundi noon pa man, musmos pa lang ako kung ituring hinangaan ko na itong nauwi sa pagmamahal.
Hindi ko rin naman nagawang pigilan at wala akong pinagsisisihan.
Napangiti akong muli sa sarili ko bago nagpaalam kay Manong Pido.
"Mag-iingat po kayo sa pag-uwi. Salamat, Manong," ani ko.
•
RED
RAMDAM ko ang pawis na tumutulo ngayon sa nuo ko. Sinadya kong maagang pumasok para makapagpapawis dito sa court ng unibersidad.
Nag-basketball kami kasama ng ilan kong kaibigan, kabilang na si Juanito at Lenard.
Wala naman pustaan—tamang laro lang.
"Nice game, Red," ani sa akin ni Lenard—sabay ang pagtaas ng palad nito sa harap ko.
Nakipag-appear ako sa kaniya. Lagi naman kaming magkakampi ng mga 'to 3 vs. 3 lang ang laban ngayon.
Malapit na rin kasi ang midterm exams kaya abala sa eskwela ang iba.
Hence, abala rin naman kami, kaso minsan kailangan din namin hayaan ang sarili namin mag-relax sa pamamagitan ng paglalaro.
"Iwan muna kita—may tatawagan lang ako," paalam sa akin ni Lenard.
Ito ang kaibigan kong lapitin sa showbiz, madalas nagkakaroon ng raket.
Not bad at magandang lalaki naman talaga ito.
Hindi na nga ako magtataka na isang araw makilala ito sa pinilakang tabing.
Matutuwa ang puso ko ng sobra n'on, syempre bilang kaibigan nito dapat suporta lang.
Binaba ko ang tingin ko sa cellphone kong nasa tabi ng water jag at face towel ko.
Himala yata at walang nangungulit ngayon.
Baka nagising na rin ito sa katotohanan na hindi ko siya kailanman mabibigyan ng atensyon— si Sophia Bautista.
Kinuha ko ang water jag ko at uminom ng tubig.
"Hi, Pogi..."
Muntik na akong mabilaukan sa boses na nagmula sa likuran ko, nang lingunin ko walang iba kundi ang babaeng kanina lang iniisip ko.. Si Sophia.
"Oh...."
Sinundan ko ng tingin ang inaabot nito sa akin, isa itong platic bag na maliit na kung hindi ako magkakamali sandwich ang nakalagay sa loob dahil sa paper tissue na ginamit nito nagdaang araw lang.
"Sabi mo kahapon muntik na kita patayin 'di ba? Kaya heto.. Ginawan na kita pampabuhay— peace offering," dugtong pa.
"What are you doin here? Paano mo nalaman na nandito ako?" suplado kong tanong sa kaniya. Hindi man lang ito natinag at walang paalam pang umupo sa tabi ko.
"Karugtong ka na ng puso ko, kaya kahit nasaan ka.. Nandoon lang ako," seryosong sambit nito.
Sabay lapag ng sandwich na bigay nito kanina sa akin sa palad ko.
"Kamusta laro, Love?" anito.
"Hoy, Sophia! Maganda ang araw ko ngayon, kaya huwag mong sisirain!" banta ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito sa akin, aktong inamoy pa ako nang ilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.
Mabilis akong umurong.
"Nanggagayuma ka ba?"
"Kailangan pa ba?" ganti nitong tanong sa tanong ko sa kaniya, kung may balak ba siyang gawin sa aking masama.
"You're freaking crazy! Nakakatakot ka!" ani ko.
Mahina kong tinampal ang palad ko sa malaki niyang mukha.
"Maraming tao rito, Red. Huwag dito..." ani sa aking pinagtataka ko.
Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa mukha niya.
"Ano ba ang kailangan mo?"
"Puso mo.."
"Shut up!"
"Bakit ba kasi ayaw mong aminin na mahal mo na ako ha?" matapang nitong tanong sa akin.
Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Kailan mo ba ako titigilan?" seryoso kong tanong, habang pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa mga mata niya.
"Ikaw? Kailan mo ba sasabihing mahal mo ko?"
Tumawa ako ng may pang-uuyam sa pagbalik niya ng tanong sa akin.
"It wouldn't happen!"
"E, hindi rin kita titigilan.. Ganoon lang kasimple 'yon!"
"You're crazy! Hindi ka lang lumba-lumba, baliw ka pa!"
"Woaaaah! Ang hard naman talaga ni Red Mallari III," narinig kong impit nitong sigaw—sabay ang malakas na pagtawa.
Manhid yata talaga ang babaeng 'to at wala na talagang pakiramdam kahit ano pa ang sabihin ko.
"Shut up!" banta ko sa kaniya.
Ilang sandali tumigil ito sa kakatawa. Tiningnan ako ng mariin sa mga mata.
"Gusto mo talagang tigilan kita?" tanong nito kapagdaka.
"My pleasure..." sagot ko sa kaniya.
"Mag-kiss tayo.."
"S-Sophiaaa!" impit kong sigaw sa harap niya nang inguso niya pa ang labi niya sa akin.
Tumayo ako ng mabilis bago pa may ibang makakita sa amin.
"Then! Kung ayaw mo ako i-kiss. Hindi ko rin pipigilan ang sarili kong mahalin ka.. Ikaw rin! Unless, labag talaga sa loob mo.." anitong nakanguso pa rin sa harap ko.
Mabilis kong dinampot ang face towel ko at binato sa mukha niya.
"Ilusyanada..." mahina kong sigaw—bago tuluyang tumalikod at iniwanan siya.
"I LOVE YOU.." narinig kong sigaw nito.
Wala na akong nagawa kundi ang mapailing-iling na lang.
'Ambisyosang tunay!' bulong ko pa.