RED GUSTO kong lumayo mula kay Sophia. Habang tumatagal mas lalo na siyang nakakatakot— alarming na masyado, kung may vaccine anti-babaeng makakapal ang mukha nagpaturok na sana ako sa lahat ng parte ng katawan ko. Makalayo lang mula sa kaniya. Wala talagang tatalo sa kakapalan ng mukha niya,' ani ko pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa Teatro na lang ako tutuloy at d'on malayo na sa kaniya, huwag lang talaga nito maisipang sumunod pa. Tuluyan lang masisira ang araw ko. Maganda pa naman ito kanina dahil kay Juanito at Lenard, pwera lang talaga nang dumating na ito. 'Iba talaga ang fighting spirit ni Lumba,' naiiling kong bulong sa aking sarili. Paano nito naisip na magugustuhan ko siya? Pambihira siyang tunay, dugtong ko. Naalala ko na lang bigla ang face towel kong tinapon sa

