RED NAKAPASOK na ako sa sasakyan ni Red na hindi nito nagawang sagutin ang tanong ko sa kaniya kanina. Ang buong akala ko pa naman nakaka-iskor na talaga ako ng tuluyan dito. Nagkamali lang pala ako, dahil wala talagang binatbat ang pagpapapansin ko rito. Hindi naman siya manhid at naramdaman niya naman kanina ang kurot ko sa kaniya. Pero bakit ganoon? Hindi niya man lang masagot ang simpleng tanong ko sa kaniya. "So! Ano nga?" ulit ko ulit sa kaniya. Pareho na kaming nakaupo ng maayos sa loob ng sasakyan nito. S'yempre, nasa unahang bahagi ako patabi sa kaniya. "Nasa sasakyan kita, Sophia! Kung pwedi lang tumahimik ka, dahil baka hindi ako makapagpigil itulak kita palabas." "Alangan naman itulak mo ako paloob, Red! Malamang palabas talaga 'yon, itutulak nga 'di ba? Babyhoy ha! Kor

