SOPHIA "R-RED.." gulat kong sambit sa sarili ko. Tama ba ang nakikita ko at nandito si Red? Tama rin ba ang mga narinig ko mula rito? Ito 'yong last message kong si-nend sa kaniya bago ako nagpasyang umakyat sa lugar na 'to, para magmuni-muni at hindi ko napigilan ang sarili ko ang ilang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Tiningnan kong may pagtatanong si Red kung totoo ba ang nakikita ko o namamalikmata lang ba ako. "Para kang baboy na lilitsunin kaya napapaiyak d'yan, ang pangit mo!" anito sa akin. Tumawa ako nang tumawa sa huli niyang sinabi. Naglakad ako sa gawi niya, nakatayo pa rin ito sa may pinto. "Alam mo, hindi bawal magsabi ng totoo, Red. Pwedi umamin sa nararamdaman, libre 'yon," ani ko sa kaniyang maluwag ang ngiti sa labi ko. Mahina nitong tinampal ang palad niya sa

