Chapter 77

1183 Words

Namuntong hininga ako habang sinusundan ng tingin ang aking biyenan na kasalukuyang papasok ng kanyang silid. Pumanhik na ako ng hagdan, sa kanang kamay ay bitbit ko ang aking shoulder bag. Wala ngayon ang mga bata dito sa Mansion. Pinahatid ko muna sila sa bahay ng mga magulang ko dahil ayokong masaksihan nila ang gulo na namamagitan sa amin ng kanilang Abuela. Masyado pang inosente ang mga anak ko para sa ganitong ka-komplikadong sitwasyon. Mabigat ang mga paa na tumungo ako sa silid naming mag-asawa. Subalit, pagbukas ko ng pinto ng silid ay sumalubong sa akin ang asawa kong nakatulala sa labas ng beranda. Tila kay lalim ng iniisip nito habang tahimik na umiinom. Muli, nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong hininga bago ko ipinatong ang aking bag sa ibabaw ng kabinet na malap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD