“S-Siya po.” Halos mautal sa pagsasalita ang sekretarya ng aking biyenan habang nakaturo sa akin ang hintuturo na daliri nito. Makikita mo mula sa kanyang mga mata na nag-sasabi ito ng totoo. “Sigurado ka ba sa taong tinuturo mo Miss. Josie?” Naninigurado na tanong ng officer kay secretary Josie, habang ako ay nanatiling seryoso na nakatingin sa kanya. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng presinto. Nasa harapan ko ngayon ang sekretarya ni Mama. Kasama nito si Felma at sa likod nito ay si Denice na nanatili lang na tahimik sa isang tabi. “Yes po, hindi po ako maaaring magkamali. Siya lang ang tanging nagdadala ng pagkain para sa boss ko. Nakiayon ako sa nais niyang mangyari na ilihim ito kay ma’am Barbara, dahil sa pag-aakala ko na maganda ang kanyang hangarin na tulad ng sinabi

