“Ma’am, bawal kayong pumasok sa loob.” Narinig kong saad ng secretary ni Alistair mula sa labas ng opisina. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto. Walang pasabi na pumasok si Felma sa loob ng opisina habang ang secretary ng aking asawa ay pilit itong pinipigilan. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa akin na wari mo ay gusto na ako nitong patayin. “Ano ang ibig sabihin nito!?” Galit na tanong ni Felma sabay bagsak ng hawak nitong folder sa ibabaw ng table habang nanatiling nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Pinagkibit-balikat ko lang ang marahas na aksyon ng babaeng ito, at nanatili lang akong kalmado. Samantalang ito ay hinihingal na sa matinding galit. Kahit hindi ko na basahin ang laman ng folder sa aking harapan ay alam ko na kung ano ang i-pinagpuputok ng butse nito.

