“Si Mamâ?” Malumanay kong tanong sa secretary ng aking biyenan. Mabilis itong tumayo at ngumiti sa akin. Marahil, sa sobrang abala nito ay hindi na niya namalayan ang pagdating ko. “Good morning, Ma’am! Nasa meeting pa po si Ma’am Barbara.” Nakangiti niyang sagot sa akin. “Papasok na ako sa loob para ihanda ang pagkain n’ya, please don’t tell her na sa akin ito galing.” Nakakaunawa na kaagad siyang tumango. Ang secretary ng aking biyenan ang kasabwat ko para magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa opisina nito. Alam naman ng secretary ni Mamâ ang pagnanais ko na mapalapit sa aking biyenan. Kaya personal kong ipinagluluto ito ng sarili niyang pagkain. Kahit na kinasusuklaman ako ng aking biyenan ay hindi pa rin ako sumusuko, umaasa pa rin ako na balang araw ay makukuha ko rin ang

