Naka-corporate attire at nakasukbit naman sa kanang braso ni Denice ang latest design ng isang mamahaling bag. Taas noo na naglalakad papasok sa loob ng isang mamahaling Chinese restaurant. Halos hindi mapigilan ng mga tao sa loob ng restaurant ang lumingon sa kanyang direksyon at ang mga mata ng lahat ay kakikitaan mo ng paghanga. Nagdiwang ang kalooban ni Denice dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya naman mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili na para bang ang mga paa nito ay nakalutang sa alapaap. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi ng makita niya na kumakaway ang isang Ginang mula sa isang lamesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi, hanggang sa nakalapi

