“Nervous?” Pagkapatapos na maghilamos ay natigilan si Denice ng marinig niya mula sa kanyang likuran na nagsalita si Louise. Mabilis siyang nag-angat ng mukha at nanlilisik sa galit na tumitig siya sa salamin. Sumalubong sa kanyang mga mata ang matapang na mukha ni Louise habang nakapaskil sa sulok ng bibig nito ang nang-uuyam na ngiti. Pak!” Isang malakas na sampal ang gumimbal kay Denice mula kay Louise ng pumihit siya paharap dito. K Kasalukuyan silang nasa loob ng restroom. Hindi alam ni Denice na sinundan pala siya ni Louise. Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ng mukha si Denice at wala sa sarili na tumitig siya sa mukha ni Louise habang sapo ng kanyang palad ang nasaktang pisngi. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Louise na para bang gusto na siya nitong patayin. Nakadama ng mat

