Hindi maikakaila ang tagumpay mula sa mga ngiti ni Felma habang hinahaplos ang lamesang gawa sa narra. Dinampot niya ang plate name na nasa ibabaw ng lamesa. Nakapaskil ang isang matalim na ngiti sa kanyang mga labi habang pinapasadahan ng tingin ang nakaukit na pangalan ng dating presidente na si Louise Thompson. “Alisin n’yo ang lahat ng gamit dito, itapon niyo sa labas.” Matigas na utos ni Felma sa kanyang sekretarya sabay tapon ng plate name ni Louise sa basurahan. Ni hindi man lang nito binigyan ng pagkakataon na makapagligpit ng mga gamit niya si Louise at siya na mismo ang nagpalabas ng mga gamit nito. “Ano ang pinaplano mo ngayon? Tanong ni Denise habang naka cross legs na nakaupo sa upuan na nasa harapan ng office table. “Since nakuha ko na ang posisyon na ‘to, sunod kong pa

