Mula sa bintana ng silid nilang mag-asawa ay nakita ni Louise ang pag-alis ng kanyang asawa. Nagmamadali siya na lumabas ng silid. “Kung aalis ka rin lang bakit hindi mo pa hakutin ang mga gamit mo at huwag ka ng bumalik pa dito?” Mataray na wika ng kanyang biyenan na siyang nagpahinto sa paghakbang ni Louise mula sa mga baitang ng hagdan. Kasalukuyang nakaupo sa sofa ang kanyang biyenan habang matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. “Mama, pinagbigyan ko na ang kahilingan mo, wala na akong posisyon na pinang hahawakan sa kumpanya. Ano pa ba ang nais mong gawin ko para mawala na ang galit mo sa akin?” Malumanay kong tanong habang nakatitig sa mukha nito. “Mawawala lang ang galit ko sayo sa oras na mawala ka na sa pamilyang ito.” Matigas nitong sagot, napailing na lang si L

