“A&L Trial LAWYER FOR JUSTICE” Halos sumabog ang dibdib ko dahil sa matinding kasiyahan habang pinagmamasdan ang sarili kong ahensya. Ang Law firm ko ang totoong dahilan kung bakit mabilis kong tinanggap ang pagbitiw ko sa aking posisyon. Inaasahan ko na mangyayari ang bagay na ito kaya ginamit ko ang kumpanya ng aking asawa para makakuha ng mga mag-iinvest para sa sarili kong kumpanya. Araw ng Lunes ngayon. Imbes na sa Thompson company ako papasok ay maaga pa lang dito na kaagad ako dumiretso. Pinagbigyan ko ang nais ng aking biyenan na magbitiw ako sa pwesto. Pero ang hindi ko pinayagang mangyari ay ang matali ako sa bahay. At para ano? Para muli akong maliitin? Gusto nila na lagi akong nakasandal sa kanila para wala na akong magawa sa lahat ng nais nilang mangyari. Ano pa’t n

