“Excuse me, Ma’am, nagpupumilit si Mr. Harim na makausap ka, hindi na raw niya mahihintay pa ang kanyang appointment.” May pag-aatubili na wika ng aking secretary, bigla na lang itong pumasok sa loob ng opisina ko ng wala man lang permiso. “I’m busy.” Tipid kong sagot bago muling ibinaling ang tingin sa dokumento na nasa kamay ko. “Pero, Ma’am, nagkakagulo na sa lobby at mukhang walang balak na umalis si Mr. Harim.” Hindi magkandatuto na paliwanag nito, halata sa mukha ng aking sekretarya na hindi na nito alam kung ano ang gagawin. Marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot dito. “Papasukin mo.” Walang gana na sagot ko dito ng hindi inaalis ang tingin mula sa binabasa kong papel. Mabilis na nagyuko ng kanyang ulo ang aking sekretarya bago dali-dali itong lumabas

