“S**t!” Pagkatapos ng malutong na mura ay padabog na ibinaba ni Rhed sa ibabaw ng lamesa ang hawak niyang folder. Isa itong report ng kanyang mga empleyado tungkol sa kasalukuyang estado ng kanilang kumpanya. Disappointed, ito ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil sa nangyayari sa kanilang kumpanya. Pabagsak na umupo siya sa kanyang swivel chair, at walang tigil ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. Mabilis siyang nag-angat ng tingin dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Kasunod nito ang pagpasok ng kanyang ama na may matapang na mukha. Base sa mga tingin nito at batid niya na alam na nito ang mga nangyayari sa kumpanya. “D-Dad?” Alabganing tawag niya sa kanyang ama saka mabilis na tumayo. Pagkatapos ng apat na hakbang ay huminto siy

